Her POV "Eirian!" Napatuwid ako nang may tumawag sa 'kin. Nakita ko si Elene kasama sila Sunshine at Clarence. "Oh? Bakit kayo narito? Hinihintay ko kasi si Greg. Ngayon kami magpa-practice," saad ko. Tumigil sila sa harap ko. Umiling si Elene at hinawakan ako sa balikat. "Kanina ka pa naghihintay rito?" Tanong niya. Ngumiti ako at sinulyapan ang wrist watch. "Ah, oo. Mag-iisang oras na. Siguro may ginawa si Greg sandali pero darating 'yon. Nag-promise siya." Pilit akong ngumiti. Kanina pa ako naghihintay sa tapat ng building ng dorm namin. Sabi niya dito ko raw siya hintayin. Hindi na gaano kasakit ang katawan ko. I think I already regained my energy and strength kung meron nga akong strength. Pagaling na rin ang pasa ko, mapusyaw na ang kulay nito. "Hindi darating si Greg, bebe gir

