Her POV Mahigpit akong humawak sa braso ni Lord Valentino. Mabilis ang pintig ng puso ko sa bawat hakbang na ginagawa. Marahan lamang ang lakad, siguro alam din ni Lord Valentino na ng hirap magsuot ng high heels na sandals. Napag-praktisan ko naman pero parang matatapilok pa rin ako. Dapat pala nag-rubber shoes na lang ako dahil ball gown naman 'to. Hindi makikita ang suot ko sa pang-ibaba. Kaso sabi noong stylist, high heels sandals give a strong and sexy poise for the woman who wears it. Kakaiba daw ang dating at paglakad kapag nakaganito. Tama nga siya, malapit na maging kakaiba ang lakad ko dahil nanginginig ang binti ko. The staffs ushered us on a cicular floor. Doon kami tumuntong at unti-unti kaming umangat pataas ng stage. Narinig ko pa ang pag-welcome sa amin ng emcee at masig

