Kanina pa ako nakatambay sa terrace ng kwarto ko dahil hindi ako makatulog. Malalim ang iniisip ko pero na-distract ako nang may kumatok sa pinto. “Hey. Uhm… Can I come in?” Nakatayo si Shana sa nakabukas na pinto. Magulo ang buhok at hawak pa ang unan. “I can’t sleep,” sabi pa niya. “Uh… Pasok ka,” ani ko. Pumasok na siya sa kwarto ko at sinamahan ako sa terrace. Umupo rin siya sa tabi ko at bumuntong-hininga. “What’s wrong? Bakit hindi ka makatulog?” tanong ko sa kanya. “I don’t know. Maybe because I had two cups of coffee before going to bed?” hindi siguradong sagot niya. Nanliliit ang mga mata king tumingin sa kanya. “Huwag mo akong pinagloloko, Shana. Alam ko na kahit limang baso pa ng kape ang inumin mo, makakatulog ka pa rin.” Agad naman siyang nag-iwas ng tingin. “Nag-iba na

