Late na matapos ang reception activity nila. Pagod na pagod silang lahat, paano ba naman marami ang mga activities ginawa nila. Kaya ayun tuloy tahimik na ngayon ang paligid malamang natutulog na ang mga pamilya niya habang ibang bisita ay umuwi na. Habang sila ng mister niya aba heto sa gilid ng dalampasigan naka hawak kamay habang minamasdan ang bilog at malaking buwan, naka gown pa din siya naka tuxedo pa din ito. Napakatahimik ng paligid at malamig na rin ang simoy ng hangin napatingin siya sa lalaking nakatingala sa buwan at bituin. "I never imagine that someday, I will felt this kind of happiness that I felt today. Akala ko kasi noon hindi naku iibig pa muli, wala nang tatanggap at mag mamahal sakin. But you came." Tumingin ito sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya at hinagk

