Pag pasok na pagpasok ni Lara sa opisina agad siyang hinala ng assistant niya. "Lara saan ka galing? Alam mo bang nagkakagulo ang mga tao rito dahil hinahanap ka ni Boss," bungad nito sa kanya. Kumunot naman noo niya at bakit naman siya hinahanap ng lalaki? Eh iisang bahay lang pinag galingan nila. "Bakit daw?" tanong niya. Nagkibit balikat ito, "Aba ewan noong nakaraang nawala ka bigla halos halughugin niya ng buong Nevada. Alam mo ba at teka nga may relasyon ba kayo? Bakit ganun na lang siya kaalala sayo?" naiintregang tanong nito. Imbis na sagutin ang babae, tumungo siya sa opisina ng boss niya, she knocked twice bago bumukas ang pinto. Nakita niyang nakatayo ang boss niya sa gilid may hawak itong cellphone tila stress na stress ito naibaba nito ang cellphone ng makita siya. Akala

