" Congratulations!" Masayang masaya sila ni Theo habang tinatanggap ang pagbati ng mga bisita. Hindi mapawi ang kanyang ngiti habang pinagmamasdan ang ngiti ng asawa sa labi. God knows, how happy they are. Somehow it's not wrong to follow your heart. " What can you say? Sana malasing na kita sa dami ng alak dito!” Sabi ni Ysa na pinanindigan ang pag sagot ng alak sa kanyang kasal. " Ysa, we have to spend our honeymoon. Ayaw ko naman malasing ang asawa ko." Bago pa siya sumagot ay singit ni Theo na nakahawak sa beywang niya. " KJ mo Kuya. Siya lang kasi pwede ko maka inuman. You know my hubby, amoy pa lang ng alak lasing na agad." Tumawa na lang siya kasi na kwento na din nito ang pagiging mababa ng alcohol tolerance ng asawa kahit meron itong wine factory. " Congratulations, Kuya!

