Nawalan na sila ng pagkakataon makapag solo ng dumating si Tia at pamilya nito, kasama ang kanyang pamangkin hanggang dumating ang judge na magkakasal sa kanila nang bandang hapon.
" There, beautiful!"
Nakangiti na sabi ni Gwyneth matapos ayusin ang kanyang buhok. May kasiyahan na tiningnan niya ang kanyang repleksiyon sa salamin. Isang simpleng casual white dress ang suot niya na dala ni Tia sa utos ni, Theo.Kasama ng eleganteng high-end ivory wedding shoes.
" Perfect!"
Sabi naman ni Tia at sinipat ang kabuoan niya.
" Thank you."
Sabi niya na nakangiti pero may kaba sa dibdib.
Nag ring ang cellphone ni Tia na agad naman nitong sinagot.
"Yes, sweetheart. The bride is ready pupunta na kami diyan."
Iyon ang narinig nila at ibinaba na nito ang tawag at bumaling sa kanya.
" Let's go!"
Huminga muna siya ng malalim bago tumayo at lumabas sa inookupa na treehouse papunta sa event hall ng resort.
Pagpasok niya sa event hall,andon na si Theo kasama si Jacob at Terence. Must probably be their witness.
Matamis itong ngumiti sa kanya ng makita siya. Looking at him, isa lang ang nasa isip niya " Ang gwapo naman ng magiging asawa ko!"
Nasa loob din si Czesta na kalong ng yaya nito, napaka cute sa suot na puting bestida at garterized headband na pink na meron maliliit na rose flower design.
Hinalikan muna niya si Czesta bago lumapit kay Theo.
" This is it."
Sabi nito na tinanguan lang niya. Nagpakilala ang judge at nag simula na ito ng seremonya.
Napakasimple lang, matapos tanungin sila pareho kung handa silang pumasok sa sakramento ng kasal na lubos nilang sinang ayunan at bukal sa kalooban. Nagpalitan sila ng singsing na hindi niya alam paano nakapag provide si, Theo. Samantalang kahapon lang sila nag decide mag pakasal. Pagkatapos mag pirmahan ng marriage certificate, ini anunsyo ng judge na mag asawa na sila.
" Congratulations, Mr. and Mrs. Cervantes."
Unang bati ng judge na si Winston at nakipag kamay sa kanilang dalawa.
" Congrats!"
Magkasunod naman na bati ni Gwyneth at Tia at yumakap at humalik sa pisngi niya. Si Theo naman si Jacob at Terence ang nakipag kamay dito.
Kinuha niya si Czesta sa yaya nito at binuhat, kinunan sila ng family picture ni Gwyneth.
" What do you think will happen if I send this to Tita Ophelia?"
Nakangiti nitong tanong sa kanya.
" Don't you dare, Gwyn? I'll let her know."
Sabi niya dito, na may kasamang banta sa kanyang boses, na tinaasan lang siya ng kilay.
" It's time for the celebration."
Singit ni Tia, at lahat ay sumang ayon. Paglabas nila ng event hall merong naghihintay sa kanilang sasakyan. At dinala sila sa isang man-made waterfalls, diretso sa isang pond na meron makukulay na koi.
Dito naka set up ang reception, meron mga table at upuan na nababalutan ng puting tela at merong mga laso at mga bulaklak at dahon na design.
Ang pagkain ay nasa buffet table, meron ding nagsilbi na stage na may naka set up na tugtugin.
" Hey ." masayang bati ni Theo sa mga naabutan na panauhin na agad bumati sa kanya.
Isa isa itong ipinakilala sa kanya, mga kaibigan nito na nakita niya kahapon.
" Congrats, pre! Sana ang susunod na member ng ating macho at gwapong samahan ay dito din magpakasal."
Sabi iyon ni Aidan Louis o Al kung tawagin ng mga kasamahan nito.
" Jacob, kelan na ba?"
Sigaw ng isa nitong kaibigan na hindi niya matandaan ang pangalan, pero tama si Al samahan ito ng gwapo at macho na mga kalalakihan.
Tumawa lang si Jacob, na lagi nakasunod at nakaalalay sa kanyang pinsan.
Maya maya pa may narinig silang nagsalita sa mic nakatayo doon si Terence.
" Sabi ng mahal kong asawa, wedding gift daw namin."
Sabi nito at tumawa may hawak itong gitara.
" For the newlyweds ."
Kasunod nuon ang pag ilanlang ng musika at pagkanta nito.
" Para sa atin ba o hinaharana niya asawa niya?"
Bulong niya kay Theo, na tumawa lang at naiiling. Umupo sila habang pinapanood ito habang kumakanta o hinaharana ang asawa. Hindi siya sure pero ang mata nito ay na kay Tia who's also looking at him lovingly.
Pumapalakpak sila matapos itong kumanta. Maswerte sila at libre ang pag kanta nito, kahit tahimik na ito sa showbiz hindi pa din nakupas ang talento nito.
Si Tia naman ang umakyat sa stage at nagbigay ng mensahe.
" Congratulations to newlyweds. And welcome Sister-in-law Olga to our family. Please take care of my Kuya Theo. At sana maging masaya at lagi kayong nagmamahalan, tulad namin."
Mahina itong tumawa at bumaling sa asawa na nakangiti itinaas ang kopita ng champagne and mouthed her "I love you."
Sunod sunod na bumati sa kanila ang andun na kaibigan at kakilala ni Theo na nagbigay ng pagbati at wishes katulad ng madaming anak at magmahalan sila habang buhay.
Huling tumayo si Theo at nagsalita sa mic.
" I will never forget this day. My sweet Olga is finally mine, carrying my name. I promised we will get married again soon. And I promised from this day forward I will love you more. Can't wait to have a baby with you that looks like me."
Mahina itong tumawa sa huling tinuran.
" Nonetheless, you and our darling Czesta are my priority and I swear to protect and loved both of you as long as I lived. I love you, Olga, to the moon and back."
Hindi niya napigilan ang luha sa sinabi nito. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang kanyang kamay.
Pumailanlang ang kanta ni Ed Sheeran na Perfect at nagsayaw sila. Ang kanyang mga braso ay nasa leeg nito at mga palad naman ni Theo ay nasa kanyang beywang.
" This is so sweet!"
Hindi niya maitago ang kilig. Parang lumulutang siya sa sobrang saya.
Nagtitigan sila ni Theo ng biglang lumapit si Jacob at may ikinabit na pera na papel sa gown niya.
"What's this?"
Gulat niyang tanong.
" It's tradition!"
Sabay na sabi ni Theo at Jacob.
" Oh!"
Aniya at hinayaan na lang niya, hanggang lahat ay lumapit at ganun din ang ginagawa nag sabit ng pera sa kanila ni Theo.
Natapos ang sayawan, kaya nagkasiyahan naman sa pagkain at pag inom ng alak ang lahat.