Chapter 1: Welcome!

1268 Words
"anak, sigurado kanaba dyan sa desisyon mo?" wika ni Nanay habang inilalagay ko yung mga damit ko sa bag. "Nay, siguradong sigurado na. maganda ang opurtunidad ko sa manila... isa pa ayaw mo yun, makakatulong nako sa gastusin dito sa bahay." "kuya! kuya! ipasyal mo rin kami ni Nanay duon ha." sigaw ng 9 years old kong kapatid na si Alfred. "oo naman ading! syempre ipapasyal ko kayo dun, pupunta tayo sa luneta tapos pupunta rin tayo sa MOA!" masaya kong sabi sa kapatid ko. nakita ko ang pagngiti ni nanay habang nagkwekwento ako sa kapatid ko tungkol sa magagndang pasyalan sa maynila, siguro dahil narin sa pangarap nya. Ang alam ko pangarap ni nanay na makapunta ng maynila nung dalaga palang sya pero hindi nya magawa dahil sa hirap ng buhay. Bukas luluwas ako ng maaga papuntang manila, para sa work interview ko sa isa sa pinakamalaking company dito sa pilipinas. Di ko papalagpasin tong oportyunidad na to, gusto kong gawin yung best ko para makapasok dito at makatulong kay nanay. simula kasi ng mawala si tatay, mag isa nalang kaming tinaguyod ni nanay kaya naman ngayong graduate nako ng college gusto kong ibalik yung mga paghihirap ni nanay samin. kaya nga ko nagpursiging makapagtapos sa pag-aaral dahil dito at hindi lang basta ako nakapagtapos ng pag aaral ha, nagtapos ako na c*m laude sa paaralan namin. o saan kapa? yabang eh no? naalala ko pa nga nung sinabi ko kay nanay na gragraduate ako na may honor ang sabi ba naman sakin ni nanay ang talino raw pala ng katabi ko. ano yun? nangongopya lang ako? haha! pero alam ko naman na biro lang ng nanay yun eh, ayaw niya lang ipaalam na masaya sya at syempre na magaling yung anak nya.hehe teka nga lang siguro naiisip mo na kung sino ako no? salita ako ng salita rito di pako ng papakilala. Sya nga pala ako si Paco minsan nga hindi ko maintindihan tong mga magulang ko eh... sa dinami rami ng pwedeng ibigay na pangalan, Paco pa! minsan tuloy niloloko ako ng mga kaibigan ko, minsan magugulat nalang ako hahanapan nila ako ng martilyo, pag tinatanong ko naman kung bakit kasi ipapako naraw nila ako! haha nagets mo ang corny diba! hahaa! anyway balik tayo sa topic? matagal ko ng pangarap na makarating ng maynila baka malay mo makakita ako ng artista duon. ang sabi kasi ng kapitbahay namin na si Benjo na nagtratrabaho sa isang sikat na restaurant sa maynila, halos nakakasalubong lang daw nila yung mga artista dun. Makikita mo raw kung saan saan. Ang swerte din nun, si Benjo biruin mo manager na yun sa isang sikat na restaurant sa Maynila. sigh sana maging kasing swerte ko rin sya pag punta ko ng Maynila. "o sya nak, kung talagang desidido kana o ito kunin mo na to." wika ni nanay sabay abot ng tatlong libo sakin. "nay ano to?!" sabi ko kay nanay na halata ang pagkagulat. "anak bato to! bato!" pilosopong sagot ni nanay. "nanay naman eh!" "o, kunin mo na pandagdag sa ipon mo." "saan ka nakakuha ng ganitong kalaking pera nay?!" tanong ko. syempre gulat na gulat ako eh hindi naman kami mayaman halos mga tanim lang namin sa labas at sa mga alaga naming hayop lang kami umaasa. "nay wag mong sabihin....." di ko pa natatapos yung sasabihin ko ng bigla akong hampasin ni nanay sa ulo. "pambihira ka! kung anu-ano iniisip mo! sinanla ko muna yung lupa natin kay aling layla." hala! patay na! "Nay! bakit mo naman ginawa yun? bakit mo sinanla yung lupa natin?! Nay naman eh! tapos kay aling Layla pa, alam mo naman diba na timawa sa pera yun!" "hayaan mo na anak! ang mahalaga may pang gastos ka..." pagkasabi ni nanay nun, parang narealized ko na bakit pa ako nagagalit? eh tinulungan na nga ako ni nanay bakit hindi nalang ako magpasalamat kesa manisi? "sige nay... babayaran nalang natin to pag sahod ko. thank you nay!" sabi ko sabay yakap sa kanya. "ako rin!" sigaw ni Alfred sabay yakap saming dalawa ni Nanay. "o sya, sya anak! matulog kana maaga kapa bukas at para may lakas ka." wika ni Nanay sabay himas sa ulo ko na para akong bata. * * * hindi pa sumisilip ang araw sumakay nako ng bus patungong maynila. Ayoko rin kasing malate sa interview ko, isa pa di ko pa alam kung saan banda yung company nayun baka maligaw ako kaya mas maganda na may malaki akong allowance sa oras. ganito pala ang pakiramdam ng bumyahe ng malayo, nakakalungkot pala, especially ngayon lang ako mapapalayo kina nanay at Alfred. hindi pa nga ako nakakatapak sa manila parang gusto ko ng bumalik pero naisip ko na para naman samin tong gagawin ko kaya naman nilakasan ko nalang yun loob ko. Wala rin naman mangyayari kung dun lang ako sa probinsya. Ayan sabi ko na nga ba sana nag almusal muna ako bago ako umalis ng bahay eh. nagugutom nako, tumutunog na yung tyan ko. bahala na, buti nalang talaga nagbaon ako ng kanin at nilagang itlog para mamayang lunch pero mukang hindi na aabot to ng lunch! nagugutom na talaga ako eh, yung mga sawa ko sa tyan nagwawala na. parang sumisigaw na na pakainin mo na kami! pakainin mo na kami!!! tumingin ako sa paligid, ayan natutulog pa sila buti nalang! pero tong katabi ko gising pa may kung anong nilalaro sa cellphone nya nag ka-clash of clans pa ata.Atake pa! sana naman matulog nato! nahihiya akong buksan yung pagkain ko baka makita nya pero nagwawala na talaga tong mga sawa ko sa tyan! pumikit ako at nagfocus "hindi ako nagugutom! hindi ako nagugutom!" pero kahit anong gawin ko hindi ko na kaya, kaya naman nagdecide ako na kumain na pero pagmulat ko nakapikit na pala ang lalaking katabi ko! yes! dali-dali kong kinuha yung lunch box ko sa bag at agad na sinunggaban ang pangkain, halos tatlong nguya lang ata yung ginagawa ko tas lulunukin ko na agad. sa katakawan ko nawala na sa isip ko na wala pala akong dala tubig kaya naman nagpanic ako lalo na, na puno ng kanin yung lalamunan ko! agad akong napaubo ng sunod sunod na naging dahilan para magising yung katabi ko. napansin nya siguro na nabibilaukan nako kaya naman agad nyang inalok yung baon nyang bottled water, hindi nako nagdalawang isip pa. hinablot ko agad yung tubig at ininom para tuloy akong patay gutom sa ginagawa ko pagkatapos nun di ko nakalimutang mag thank you sakanya at kinuha ko yung wallet ko sa bag para sana bayaran yung tubig na ininom ko kaso 3k pala yun kaya sabi ko sakanya papabarya ko nalang pag dating namin sa maynila. buti nalang mabait tong katabi ko, nakasurvive ako sa gutom at uhaw at dahil dyan! matutulog muna ako sa byahe. ibinaba ko ng bahadya yung upuan ko para maging komportable ako sa pag upo at para narin makaidlip tutal matagal pa yung byahe. * * * "sir! sir! gising na po! nasa terminal na po tayo!" gising sakin ng isang lalaki. nakakainis naman! natutulog pa--- wait! nasa terminal na kami?! binuksan ko agad yung mga mata ko at ang una una kong nakita ay yung pagmumuka nitong konduktor nato! tumingin ako sa paligid wala ng tao, nagbabaan na siguro. sa wakas nandito nako sa maynila! yehey! siguro magtataxi nalang ako para mabilis akong makapunta sa makati. iniharap ko yung bag ko para kunin yun wallet ko para mamaya di nako maghahanap. Pero teka lang! nasan na yung wallet ko!!! bakit wala sa bag ko yung wallet ko!!! shet! nanakawan ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD