Chapter 9: the client

1144 Words
Nakaupo ako ngayon sa area ko at di ko mapigilan mapansin ang ibang empleyado na tumitingin sakin at nagbubulungan marahil pinag uusapan nila kung bakit pinabalik pako sa kumpanyang to. Pero kahit ganun pa man kailangan ko silang baliwalain para sa pamilya ko. Kaya naman sabi ko sa sarili ko, gagawin ko lahat ng makakaya ko para maging deserving ako sa posisyon ko. Pumunta ako sa pantry namin para magtimpla ng kape at ibigay kay DD. Pero pagkabigay ko agad nya kong pinagalitan, hindi pala nagkakape tong taong to kung titimplahan ko pala sya dapat hot chocolate milk. >:( Makalipas ang mahigit apat na oras lumabas narin sa wakas si DD sa kanyang trono at lumapit sakin. "Hoy! Maghanda kana ha! Darating na yung client natin, umayos ka ha!" Bulong nito sakin. At talagang hoy lang tawag nito sakin ha. Habang naghahanda ako bigla nalang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Carla na ang boss daw namin ay si Ian, pero yung pala sya lang may boss kay Ian kasi ako tong DD nato yung boss ko. Speaking of Ian, parang hindi ko pa ata sya nakikita ngayon ha? Asan kaya yun?. Heeeeh! wag ko muna siguro isipin si Ian! mas proproblemahin ko muna yung mangyayari ngayon kinakabahan ako baka mamaya hindi namin makuha yung cliente patay ako nyan. Pumunta muna ako sa CR para umihi, bigla kasi akong naihi dahil siguro sa sobrang kaba. Pagkalabas ko sa CR nakita ko ang isang taong pamilyar sakin na nakaupo sa di kalayuan, si Pops! Sya yung nag pasakay sakin nung iinterviewhin palang ako. Sa sobra kong tuwa agad akong tumakbo papalapit sa kanya. "Pops!" Sigaw ko habang ngiting ngiti. "Oh ikaw pala yan iho." Bati nito. "Opo! Kumusta na po kayo?! Natanggap na po pala ako dito kaya po maraming maraming salamat sa tulong nyo po sakin nun." Sabi ko habang hawak hawak ang mga kamay ng matanda. "Buti naman kung ganun, alam mo naman na parang apo narin kita." Wika nito sabay ngiti. "Ay sya nga po pala Pops! Ano po yung ginagawa nyo dito? May hinihintay po ba kayo?" Tanong ko. Pero sinagot nya lang ako ng ngiti. "Kinakabahan nga po ako eh" wika ko. "Oh bakit ka naman kinakabahan?" "May client po kasi kami Pops at dun nakasalalay ang lahat." Sabi ko ng pabulong. "Panong nakasalalay?" Tanong nya. Agad naman akong nagkwento kay Pops na kapag hindi namin nakuha yung cliente namin na darating ngayon, papaalisin nako sa tinitirahan kong bahay at pag natapos naman na yung deal sa cliente tapos narin yung deal ko sa bahay. "Sa ngayon ba hindi kaparin nakakahanap ng titirahan mo?" Tanong nya sakin. "Hindi pa nga rin po eh, pero may balak narin po akong maghanap kasi pansamantala lang naman po yun." Paliwanag ko. "Nga pala Pops pano pa---" Di pako tapos magsalita nun ng may biglang sumingit sa usapan namin. "Good morning sir!" Bati ni DD. Nagulat naman ako ng bigla nya kaming lapitan at tumayo agad si Pops kaya naman napatayo rin ako. "Mr. Daniel" bati rin nya sabay nagkamayan sila. "I believe you met my secretary." Wika ni DD. Ngumiti lang si Pops kay DD at agad namang niyaya ni sir Daniel si Pops sa office nya, habang naglalakad kami sa likod bigla syang bumulong sakin. "What are you doing!? Magtimpla ka na ng kape!" "Sir, pano sayo? Ano sayo?" Tanong ko kasi alam ko di naman sya nagkakape. "Anything!" Sagot nito at agad na sinamahan si Pops. Anything pala ha... Pagkalipas ng ilang minuto. "Good morning, here's your coffee." Bati ko pagkapasok ko sa loob ng office sabay abot ng tig isang tasang kape. Agad namang nagpasalamat si Pops at humigop sa mainit na kape. "Ang sarap ng pagkakatimpla ha, sino nagtimpla nito?" Tanong ni Pops. Kitang kita ko naman ang mukha nitong DD nato na parang gulat na gulat kaya naman... "Ako po Pops! I mean ako po sir. Actually kaya po ako nahire dahil gustong gusto ni sir Daniel yung kape eh, diba sir Daniel?" Wika ko sabay tingin kay DD. "Ah ganun ba? Mahilig karin pala sa kape?" Sabi ni Pops. Haha kitang kita ko yung mukha ni DD tumango nalang ng pilit. "Thats nice we have something in common!" Wika ni Pops sabay higop ng kape. Pinanlakihan naman ako ng mga mata ni DD sabay taas ng kanyang kamao na para bang sinasabing lagot ako sakanya. Itinuro naman ng mga mata at nguso ko si Pops bilang sagot sa banta ni Sir Daniel na agad namang nag pakalma sa kumag. Habang nag didiskusyon sila napansin ata ni Pops na hindi pa naiinuman ni Sir Daniel yung kape nya, ano pa nga bang ine-expect natin eh di naman umiinom to ng kape eh. "Mr. Daniel, bat di ka muna uminom ng coffee? And try to relax." Sabi ni Pops sabay tawa. Agad naman ngumiti ang kumag bilang pag sagot at dahan dahan humigop ng kape. Kitang kita ko kung pano manginig ang kamay ni Sir Daniel habang humihigop ng kape kaya naman napangiti ako na agad nyang napansin. Tinignan nya ko ng masama at sumenyas sakin na lumabas na raw ako ng opisina. Dun ko lang din naisip, oo nga! bakit ba ako nandito? Kaya naman nag ala-ninja moves ako para makaalis sa kwartong yun na hindi nila napapansin. Paglabas ko agad akong huminga ng malalim para mailabas ko yung mga na-absorb kong stress sa loob. "Teh! Anong nangyari? Nakuha naba?" Tanong ni Carla? Wala bang ginagawa to?? "Nako, wag muna! Kundi mawawalan ako ng titirahan." Sagot ko sabay upo sa upuan ko. Maya maya bigla na silang lumabas dalawa. Ngumiti lang sakin si Pops at nagpatuloy ng lumakad agad naman akong nagpasalamat sa kanya. "Bukas ng alos dos ng hapon pumunta ka sa Sea mall" wika ni DD sabay balik sa kwarto pero wala pang isang segundo napabalik agad sya. "And what are you doing?" Tanong ni Sir hahaha tanong ni Sir kay Carla! Hahahaha. "Ay sir! Hahaha, may pinasa lang po! Heto na nga po paalis narin ako." Paliwanag ni Carla sabay takbo pabalik sa area nya hahaha Tignan mo yun! Haha. Di pako tapos tumawa para kay Carla biglang nag vibrate yung cellphone ko. Nako may nagtext ata? Pwede ba akong gumamit ng cellphone??" Dahan dahan kung kinuha yung fone ko sa loob ng bag ko at nagmadaling tignan kung sino ang nagtext. Nakita ko na galing to mula kay Ian! Heeeee! Kilig much! Nakalagay sa message nya na kung pwede raw ba kami magkita sa saturday, kaya naman agad kong tinignan kung anong araw na ngayon, thursday na pala. Isang araw nalang ang preparasyon ko. Sobrang kilig naman ako sa nangyayari sakin ngayon hahaha wag ko nga lang makita tong demonyo naming boss. Nireplyan ko si Ian ng osige para maconfirm na pumapayag akong magkita kami. Hahahahah! Wooooooh! Kinikilig ako! Excited nakong magsabado! :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD