Chapter 5

1597 Words
They decided to ditch the party. Ni hindi na nga nagpaalam si Logan kahit ba pinagsabihan ito si Aliyah. Katwiran nito, wala ito sa mood na makipag-usap sa mga kamag-anak matapos siyang ipahiya nang harap-harapan. Sa halip, nagpunta na lang sila sa malapit na pantalan at tumambay doon. Nakasanding sila sa likod ng kotse ni Logan habang nakatingin sa langit. Walang buwan nang araw na iyon kaya sobrang makislap ang mga bituin. Both of them were star-struck. "I didn't expect na may ganyan ka palang kwento," maya-maya'y sabi na lang ni Aliyah. "Na against pala ang pamilya mo sa pag-aartista mo?" Nagkibit-balikat si Logan. "Yeah. Pero hindi ko naman dinadamdam. Lalo pa alam ko namang I'm doing great." Nakangiti si Logan pero nakita ni Aliyah na may tinatago itong kirot sa mga mata nito. Napabuga siya ng hangin saka niyakap ang sarili. Kasabay niyon ay naalala niya ang naganap kanina. Sa totoo lang, gusto niyang batukan ang sarili. What she did was really uncalled for. Ngayong kumalma na siya, hiyang-hiya siya. But no. What's done is done. Hindi ako dapat magsisi. "I just realized something." "Hmmm...?" Logan didn't even bother to look at her. His eyes were fixated at the starry sky. The moon was nowhere to be found, kaya naman mas kita ang mga bituin. "We have similar parents." Natigilan ang lalaki at kunot-noong napatingin sa kanya. "Ha? Similar parents? Bakit?" Ngumiti siya nang mapakla. "My mom loves to humiliate me in front of our relatives." Then, she looked down and hugged herself. Napamaang ito. "Si Tita? Pinapahiya ka lagi? Paano?" Halata sa tono ni Logan na hindi ito makapaniwala sa nalaman. Aliyah could not blame him. Friendly kasi ang mama nito kapag ibang tao ang kausap. "Well, you are probably aware na si Kuya ay top-performing student, right?" When Logan nodded, Aliyah added, "And I'm not. I'm a pretty average student." Then, she began telling her experience: Ever since bata sila, lagi talaga siyang kinukumpara kay Robin. Robin has always been deemed as perfect. Consistent kasi itong top one. Samantalang siya, inconsistent ang ranking at never nanguna sa klase. "For my parents, especially my mom, it is either Top 1 ka o palpak ka. There is nothing in-between. I still remember kung paano niya ako ikwento sa mga tita namin na para bang nakakahiyang Top 4 ka lang. Sinisisi pa sa kakasayaw ko." Umiling-iling siya. "It sucks, especially when my Titas will look at me with a face na disappointed sila. Na para namang mas magagaling mga anak nila sa akin, duh." Tumawa siya nang mapakla. "Kaya ba... nagalit ka kanina?" Tumango siya saka sinalubong ang tingin ni Logan. "Yeah. Na-trigger lang yung mga childhood memory ko. Alam ko kasi yung feeling na sobra kang minamaliit dahil lang sa iba ang interest mo. At gustong-gusto kong ipagtanggol ang sarili ko but I could not. Dahil mama ko siya. Dahil tita ko sila. Dahil mas matanda sila sa akin." Then, there was silence. Sabay silang tumingin ulit sa langit. "But I'm surprised na hindi sumama ang loob mo kay Robin," maya-maya'y sabi ni Logan. "I mean, syempre, sa kanya ka kinukumpara. Baka magkaroon ka ng insecurity sa kanya or what." Napapikit siya sa sinabi nito. "Actually, tama ka. I feel insecure talaga before." And until now. "Dumating din ako sa phase na inaaway ko na siya dahil sa sobrang frustration ko sa parents namin." Gulat na napatingin si Logan sa kanya. "Totoo? Hindi halata, ah? Sobrang close ninyong dalawa." "I know." Tumawa siya. "So paano nawala ang galit mo sa kanya?" "Well, it happened noong sinampal niya ang bullies ko--" "Teka, teka. Anong sabi mo? Sinampal?" "Yeah. Sinampal niya. As in, plak!" Dinemo pa niya kung paano ang ginawa ng kuya niya. "What the heck? Ginawa ni Robin iyon?" natatawang tugon ni Logan. "He did! Nakakagulat no? Yung goody two-shoe kong Kuya, nananakit ng Grade 5?" "Grabe!" Tumawa nang malakas si Logan. "Ano bang nangyari noon kasi?" "Well, may three classmates kasi akong babae na sobrang maldita. May crush silang boys. Then, itong mga boys na ito, crush ako. So iyon, inaway nila ako. Sinampal ako. Ang landi-landi ko raw. Close kasi ako sa mga crush nila." "Grabe naman tong mga bata na ito. Kababata pa, gumaganyan na." Napailing si Logan. "Tapos? Paano nalaman ni Robin?" "Hindi rin ako sure, e. Basta nakarating sa kanya tapos sumugod siya sa classroom namin at hinanap yung tatlo. Tapos, pinagsasampal niya. Grabe kaya gulat ko nu'n." Tumawa pa siya. "Tapos, sinermunan pa niya at pinagbantaan niya ang mga kaklase ko na kapag binully nila ako, siya raw ang makakalaban nila." Tumawa rin nang malakas si Logan. "Puta, di ko talaga ma-imagine na ginawa ni Robin iyon. Mukhang harmless pa naman yang kuya mo. Parang takot lumabag sa rule dahil mapapalo ng nanay." "I know. Pero for me, ang cool niya talaga that day. I still remember kung paano siya makipagsagutan kay Mama para i-justify ang ginawa niya." "Tang ina? Pati iyon, ginawa?" Napamulagat pa si Logan. "Yes!" She heaved a sigh and smiled. "And ever since that day, I learned to respect him as my Kuya. Hindi ko talaga inasahan na gagawin niya iyon. Especially when no one stands for me before." Tumango-tango si Logan. "I see. Kung sa akin din gagawin ni Robin yun, matutuwa din ako. Syet, lalo yata akong na-in love sa kanya." Umasta pa itong parang kinikilig. Wala sa loob na napanguso si Aliyah. "Oh? Bakit?" Natigilan siya saka umiling. "Wala. Uhm..." Saktong humangin nang malakas. "Nilalamig lang ako." Agad na kumilos si Logan para hubarin ang puti nitong coat. "Here." Pinatong nito iyon sa balikat niya. "I hope this helps. Ayoko ko pa kasing umuwi ka. Nag-eenjoy akong kasama ka." Ngumiti ito. Napamaang siya saka napalunok. W-What did he just say? And as if Logan really meant to give her a heart attack, bigla siya nitong inakbayan at hinigit palapit dito. Tapos, pinahilig nito ang ulo niya sa balikat niya. "Thank you for being here, Aliyah," bulong nito. "Sorry na agad, pero ngayon, hindi na ako nagsisisi na in-upload ko yung story na yon. Hindi mo alam kung paano mo pinagaan ang loob ko ngayong gabi." Then, he flashed his most beautiful smile ever. Aliyah shut her lips tightly. Same, Logan. Tama nga lang palang ginawa mo iyon. She put her hands on her chest and felt the thumping heartbeat on it. Then, she closed her eyes and silently wished this moment would never end... - "Thanks nga pala ulit, Aliyah, ha?" "Alam mo, Kuya Logan, kung sa bawat thank you mo, may bayad, makakabili na ako ng Nintendo Switch," biro ni Aliyah na tinawanan naman ni Logan. She unbuckled her seatbelt. "Anyway, thank you rin. Gusto ko yung pagtambay natin sa pantalan. I didn't expect na nakaka-enjoy palang mag-stargaze." "Ako nga rin, hindi ko rin in-expect. Tagal din nating nagkwentuhan kanina." Binuksan na ni Aliyah ang pinto saka bumaba. "Ingat sa pagda-drive, ha?" "Sure! Pakikumusta mo na lang din ako kila Tita. Saka kay Robin." Ngumisi pa ito. Aliyah forced herself not to roll her eyes. "Sure. Bye!" Hinatid muna ni Aliyah ng tanaw ang kotse nito saka niya tiningnan kung hindi pa naka-lock ang gate. It was not, kaya binuksan na niya iyon at pumasok sa loob. Kasambahay nila ang sumalubong sa kanya. Nagplaplantsa ito ng damit sa sala. "Oh, kumain ka na?" tanong nito. Noon lang niya napagtantong hindi pala sila nag-dinner ni Logan. Saktong nagutom din siya. Umiling siya. "Pero wag na po kayong mag-abala. Magsa-sandwich na lang ako. May tinapay pa naman dyan." Tapos, dumiretso siya sa kusina para maghanda ng pagkain. Napapasayaw pa nga siya habang nagpapalaman. Kakagatin na niya ang tinapay nang biglang may magsalita mula sa likod niya. "Parang happy ka yata, ah?" Gulat siyang napaharap kay Helga. "Ma! Ginulat mo naman ako!" Tumawa ito saka lumapit sa lababo. "Bakit naman kumakain ka ng sandwich?" "Gutom pa ako e. Nahiya ako kumain nang marami kanina," pagsisinungaling niya. Tapos, kinagatan niya ang pagkain. "Kumusta naman ang party?" "Wala, boring. Ang high class nila masyado. Di ako maka-relate." "Ganon ba? E bat parang ang saya-saya mo ngayon?" Napangiti siya nang maalala ang nangyari kanina sa pantalan. "And now, you're blushing!" Dinutdot ni Helga ang pisngi niya. "Kinilig ka ba kay Logan, ha?" "Ma!" Napaikot siya ng mga mata. "Di pa rin ako maka-move on doon sa ang dali ka niyang napapayag na pasamahin ako. Samantalang kapag mga gala namin ng mga barkada ko, ayaw mo." "E kasi naman, wala akong tiwala sa mga kaibigan mo. Puro kaya mga lalaki." "E ba't si Kuya Logan? Lalaki rin iyon?" "E si Logan naman iyon. Ano ka ba?" "Nge? May ganon?" "Sus! Kung isang Logan Paul ba naman ang manliligaw sa anak ko, aarte pa ba ako?" Wait, ano raw? She felt her blood rushed to her face. "O, nag-blush ka na naman! Don't tell me, nililigawan ka na ni Logan?" "Luh, hindi, ah?" defensive na aniya. "E bat ka nagba-blush?" "Hindi kaya." Napaikot siya ng mga mata saka kumagat sa sandwich niya. "Besides, si Kuya ang type ni Logan--" Natigilan siya saka napatakip ng bibig. "Ano kamo?" Umiling siya. "Wala! Sabi ko, little sister lang ni Kuya ang tingin niya sa akin." Parang hindi convinced si Helga, so she excused herself para hindi na ito makapangulit pa. She went upstair. Pero bago siya pumasok sa kwarto niya, ibinaling muna niya ang tingin sa pinto ng kwarto ni Robin. Truth be told, while Logan expressed his gratitude to her for being there, Aliyah assumed that he meant something. Na baka may pagtingin na pala ito sa kanya at hindi lang nila alam. But now that it has ended, she realized that she was not the protagonist of this story. This was Robin and Logan's story, and her role was merely the bridge between them. Umiling-iling siya saka pumasok sa loob ng kwarto. Pabagsak siyang humiga sa kama saka bumuntonghininga. "Ang tanga mo, Aliyah. Now look at you." When her vision started to be blurry, she closed her eyes and covered it with her arms. Napaka-assuming mo kasing gaga ka. Now, you're hurt. Buti nga sa iyo! You deserve that! Then, she cried again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD