Chapter 1

2541 Words
"Target: locked." Parang timang na bumungisngis si Aliyah habang tinitingnan sa hindi kalayuan ang isang lalaki. Nakaupo ito sa isang bench sa quadrangle habang nagbabasa ng libro. Nilabas niya ang isang kulay pulang sobre na nakaipit sa notebook niya at inamoy iyon. Bango talaga nito, shet. Kinilig ako. Bumungisngis siya ulit bago umaktong normal at lumapit sa lalaki. She cleared her throat to call his attention. "Excuse me?" Napataas ng tingin ang lalaki. "Po?" sabi nito sa mahinang boses. Shuta, ang cute talaga nito! She was tempted to pinch his cheeks. Kahit nerdy type ito, hindi talaga maitatangging maitsura naman, palibhasa'y maliit ang mukha, makinis ang balat at matangos ang ilong. "You're Calyx ng STEM-1A, right?" When the guy nodded, inabot niya ang sobre dito. "May nagpapabigay sa iyo." Kukurap-kurap ang lalaki nang tanggapin iyon. "Ha? Kanino galing?" "It's a secret. Nahihiya kasi siyang umamin sa iyo dahil parang snob ka raw." "What?" Biglang namula ang lalaki. "Umamin? Sa akin?" Shet na malagket! Apaka-cute talaga niya. Ideal uke. Huhubelles. "Yes, Calyx." "But... how?" Calyx stuttered. Nanginginig pa ang kamay nito habang hawak ang sobre. "Anong nagustuhan niya sa akin? Sa itsura kong ito?" I knew it! Gusto rin niyang magka-jowa! It took a lot of effort to force herself not to smile. "Why not? Matalino ka, Calyx. Remember, ikaw pa ang top sa mga nag-entrance exam sa STEM?" Saka shuta, paka-cute mo kaya. Shunga lang ang di magkaka-crush sa iyo. "Ganon ba?" Napakamot ito ng ulo. "Di mo talaga pwedeng sabihin kung sino siya?" "Nangako ako. Sorry! But you can read the letter." Nginusuan niya ang sobre. "Baka sinulat naman niya." "Okay. Thanks. By the way, what's your name again?" Aliyah did a peace sign saka tinapat iyon sa mata niya. "I'm Aliyah, but you can call me Casserin." At ako ang Diyosa ng mga Baklush! Char. "Casserin, huh?" Tumango-tango ito. "Thank you ulit, ha?" Hindi maitago ni Calyx ang ngiti habang binubuksan ang sobre. That was the cue for Aliyah to go. Muli siyang nagkubli sa likod ng mayabong na puno ng narra para obserbahan ang lalaki. Nakita niya kung paano mapatakip ng bibig ang lalaki. Umabot din hanggang tenga nito ang pamumula. She secretly took a picture of him. Tapos, ngingiti-ngiti siyang umalis. Part 1 is a success. Time to give the captain ball of volleyball a visit. - "O bakit parang pagod na pagod ka?" Hindi maiwasan ni Logan ang mapakunot ng noo habang pinapanood si Aliyah na maghabol ng hininga. Kakasakay lang nito sa shotgun seat ng minamaneho niyang sasakyan. "E gaga ka naman kasi! Ang layo ng pinag-parkingan mo." Inirapan siya nito saka pinunasan ang panyo ang mukha nito. "I have to run. Grabe, ang layo." Ilang ulit siyang napakurap. Sa harap siya ng building ng SHS naka-park. Anong sinasabi nito? "Saan ka ba galing?" "Sa covered court, malapit sa St. Aloysuis building." "Puta, ba't kasi nandoon ka? Nasa kabilang dulo iyon!" Kumunot ang noo niya. "Tsaka di ba, department ng Engineering iyon?" Logan also went to the same school about seven years ago kaya siya pamilyar doon. Isang semester nga lang ang tinagal niya dahil may naka-discover sa kanyang talent scout at agad siyang nag-dropout para i-pursue ang pangarap na showbiz career. "E ba't ba? I have a mission to accomplish e." Napaikot ito ng mga mata. "And do'n nagte-training ang volleyball team." Kung anuman ang misyong tinutukoy nito, walang clue si Logan. Wala rin naman siyang pakialam. Mayroon kasi siyang kailangan kay Aliyah, at iyon ang dahilan kaya niya ito sinundo. "Anyway, bakit mo ba ako sinundo?" tanong ni Aliyah matapos tunggain ang baon nitong tubig. "Wala lang. Nagkataon lang na may pinuntahan ako na malapit dito. Naisip kitang isabay na pauwi," katwiran naman niya saka nag-backing. "Sa'n mo gusto kumain?" "Treat mo?" Kuminang ang mga mata nito. Logan could not help but smile. If he was being honest, napaka-cute ng nakababatang kapatid ng co-star niya. He especially liked her almond eyes and cheeky smile. "Syempre, ako nagyaya. Sa'n mo ba gusto?" tugon naman niya. "Naks naman, Kuya Logan! Galante!" Bumungisngis ito. Wow, even her laugh was really head turning. Makulit kasi iyon pakinggan. Bagay na bagay sa kalog nitong personalidad. "Libre mo ko ng chicken nuggets saka big mac sa McDo." He made a sour face. "McDo? Ayaw mo sa iba?" Ayaw kasi niya ng fastfood. "Ayaw ko. Gusto ko, McDo." Ngumuso ito na parang bata. Napailing-iling na lang si Logan. There was really something about Aliyah that made him feel delighted. Ang nakakagaan ito ng loob kasama. Kung hindi lang talaga ito bata, baka nagka-crush na siya rito. Well, hindi naman talaga siya magkakagusto kay Aliyah kahit legal age na ito. Ang totoo kasi niyan, mayroon nang nagma-may-ari ng puso niya. And it was not her. - "Huy, dahan-dahan ka nga sa pagkain!" hindi maiwasang sita ni Logan habang pinapanood si Aliyah na kainin ang hamburger nito. Naka-park sila noon sa isang parking space. Minabuti na lang nilang doon na lang kumain dahil wala rin sa mood si Logan na i-entertain ang kanyang mga fan. And of course, because he wanted to talk with Aliyah in private. "Shattap!" angil naman nito habang puno ang bibig. May tumalsik tuloy na bread crumb sa kanya. "Ba yan! Ang salaula, ha?" Pinagpagpag niya ang mga tumalsik sa suot niyang shirt. "Selan naman nito. Talo mo pa si Kuya Robin kung mag-inarte." Kinuha nito ang soft drink na inipit sa pagitan ng mga hita nito saka sinipsip. Napangiti na lang siya nang marinig ang pangalan ng co-star niya. Ah, si Robin na napakasungit pero napaka-cute. Maliit na tao ito -- he's barely 5' 5" -- tapos maliit din ang frame ng katawan. Pero napakatambok ng pwet nito. That was exactly his type. Shit! Wala yatang gabing hindi niya pinagpantasyahan ito. Gusto niya itong kargahin habang binabarurot. O kaya, ibalibag sa kama saka roromansahin. He could imagine Robin's soft and shy moan, and that was his biggest fetish. Dahil tuloy doon, naramdaman niya ang paninigas ng kargada niya. Kinuha niya ang paper bag na pinaglagyan ng pagkain nila at pinatong sa mga hita. Mahirap na, at baka iba pa isipin ni Aliyah. Baka kinabukasan, nasa headline na siya for allegedly molesting a minor. "So...?" Naputol ang pag-iisip niya saka napatingin sa kasama. "Ha?" "What do you want to talk about?" "Ha?" Napakurap-kurap siya. "May sinabi ba `ko?" "Wala naman. I just assumed lang na may kelangan ka kaya mo ako biglang niyaya mag-meryenda." She crumpled the wrapper and drank her drink. "So, what is it?" Bigla siyang nag-panic dahil sa sinabi nito. Bakit ba parang may iba siyang ibig sabihin doon? "Saan mo naman `yon nakuha?" "Wala nga! Assumption lang. Kasi wala namang kumakausap sa akin unless may kailangan sila." Teka, bakit parang ang bitter? Napakamot siya ng ulo. "Sige na nga. Aminin ko na. May gusto lang akong sabihin sa yo." Muli itong uminom. "So, what is it?" Puta, bakit bigla naman siyang naging seryoso? Gusto tuloy niyang umatras. Pero pinili niyang manindigan. Gustong-gusto na niyang matikman si Robin, aba! Muli siyang napakamot ng ulo. "Wag ka sanang magugulat, ha? The truth is..." Umiwas siya ng tingin. "Ano?" Lumunok siya. "I... I..." Humugot siya nang malalim na hininga. "I like your brother." Silence. Awkward silence. Tinakpan ni Aliyah ang mga mukha. Hala? Bakit? "Aliyah?" Bigla itong umirit. "Oh my God!" Humarap ito sa kanya. "Totoo ba?" Kumikislap ang mga mata nito. Napakurap-kurap siya. Tama ba ang nakikita niya? Tuwang-tuwa pa si Aliyah sa pag-amin niya? "Aliyah, okay lang--Tang ina, bakit ka naglalaway?" eksaheradang aniya. Agad namang pinunasan ni Aliyah ang bibig nito. "Sorry. Nadala lang." Kumuha ito ng tissue sa tissue box na nakapatong sa dashboard ng kotse niya. "Pero seryoso ba? Type mo si Kuya? As in, sure na sure?" "Yeah. Type ko talaga siya." Napakamot pa siya ng ulo. Bigla na naman itong umirit. "Jusko Lord! Thank you for your blessings!" "Blessings?" nagtatakang aniya. Sa halip na sumagot, bigla nitong kinurot ang u***g niya. Napaigik siya saka napalayo dito. Hindi pa ito nakuntento. Pinaghahampas-hampas pa siya nito habang umiirit ulit dahil sa kilig. "Ano ba? Masakit na, Aliyah!" Tinabig niya ang braso nito. Nag-peace sign ito saka bumungisngis. "Anyway, kaya ka ba lumapit sa akin ay gusto mong magpatulay?" "Oo sana. Kung okay lang?" "Syempre naman! Ako pa ba?" Nag-pogi pose ito. "I'm Casserin, ang dyosa ng sangkabaklaan." "Dyosa ng... ano?" "Sangkabaklaan!" Winasiwas nito ang kamay. "Anyway, ano bang tulong ang gusto mong gawin ko?" "Well, siguro, i-ship mo ako sa kanya? Basta, benta mo ako. Ewan ko ba d'yan sa kuya mo. Hindi ba siya naaapektuhan sa charms ko?" Umiling-iling ito. "Daming babae at baklang nagkakandarapa para lang matikman ako tapos siya, pinagtutulakan ako? Ako, si Logan Paul? Nakaka-insulto lang." "Wow, ha? Ang hangin!" Pinaypayan siya nito. "Hindi naman. Nagsasabi lang ng totoo." Then, he added, "Ano bang mapapayo mo sakin? Ano ba sa tingin mo ang hilig ng kuya mo sa lalaki?" Ngumuso ito at nag-isip. "Good question. But to be honest, hmmm..." Saglit tumulis ang nguso nito. "Clueless din ako sa type niya sa lalaki e. Hindi naman kasi namin napag-uusapan." "Talaga ba? Pero close naman kayo, right?" "Of course. Pero hindi lang talaga namin nagiging topic ang boys. Unless fictional boys siguro." "Fiction, ha?" Tumango-tango siya. "E sa fictional boys ba, ano bang hilig niya?" Saglit itong nag-isip. "Some of his favorite guys are Gale Hawthrone ng Hunger Games... tapos sino pa ba?" Then, Aliyah mentioned some male Anime characters na hindi kilala ni Logan. "Teka, teka," he interrupted. "Hindi ko sila kilala. Wala akong clue sa characters nila." Napakamot ito ng pisngi. "Well, the thing is, iba-iba sila ng character. I cannot think of any similarity--wait, parang may clue na yata ako." Bigla itong ngumisi. "What?" "Nabasa mo na ba ang Mario Luigi: Scandalous Lover?" That novel was Robin's debut book. Isa iyong gay romance fiction na naging viral two years ago kaya gagawan na ng TV series adaption. Dahil din sa libro na ito na-discover si Robin. Bale, ito rin ang first project ng lalaki. "Oh, that?" Umiling-iling siya. "Di ko hilig magbasa ng libro." "Gaga ka! Ikaw ang nakakuha ng title character pero di mo man lang inaral?" Inirapan siya ni Aliyah. "Teka, bakit ba kasi kailangan kong mabasa?" Logan would be playing the title role, Mario Luigi, habang si Robin naman ang nakuha para gampanan si Kean, ang romantic interest ng karakter niya. "E kasi nga si Kuya saka si Kean, iisa lang. As in, most ng description kay Kean, tugma kay Kuya. At sino ba ang nakatuluyan ni Kean?" Napamaang siya. "Si Luigi?" "Correct!" Gumuhit ito ng check sa hangin. "Now, here's the theory: baka si Luigi ang ideal guy ni Kuya. And that's why, I suggest na basahin mo ang book. Aralin mong mabuti ang character niya. Then, apply it to real life. Who knows? Baka magustuhan ka niya." Napahimas siya ng baba. "Good point. Good point." Ngumisi siya. There's a reason why he got the title role: sabi ni Direk Acosta, nakukuha niya ang charisma ni Luigi, which means madali lang para sa kanya isabuhay ang karakter nito. "Tuwa ka, ah?" Napatingin siya kay Aliyah. "Syempre naman! At least, may clue na ako kung paano siya paamuhin. Aaralin ko lang ang libro." "Yes! Gano'n lang." Tiningnan niya ang wrist watch. Pasado alas seis na pala. "So, kumusta naman ang buhay mo, Kuya Logan?" tanong sa kanya ni Aliyah. "Okay naman." Tapos, binaba niya ang hand break ng kotse niya. "Anyway, hatid na kita sa inyo, ha? Madilim na rin. Baka kung ano pang isip ni Robin. Magalit pa iyon." "Ah... mabuti pa nga." Napansin niyang parang nawalan ng gana si Aliyah, pero sinawalang-bahala na lang niya. Kailangan pa niyang maghanap ng kopya ng libro ni Robin mamaya para maaral nang mabuti ang karakter ni Luigi. - Pabagsak na dumapa si Aliyah sa kama. Dinukdok niya ang mukha sa unan saka umirit at the top of her lungs. "Shuta! Kinikilig ako!" Tumihaya siya saka bumungisngis. Mayroon siyang bagong "client" at sobrang bigatin pa: isang Logan Paul na currently one of the hottest male actors in the country! Tapos, ipa-partner niya sa kuya niya? Muli siyang bumungisngis. "This is a blessing! Shuta! This is a blessing!" Then, there was silence. Tumigil na rin kasi sa pagtawa si Aliyah palibhasa'y nananakit na ang mga panga niya. Nang tumayo nga siya ulit para magpalit ng damit, minamasahe pa niya ang gilid ng mukha. Lumapit siya sa closet. Kumuha siya ng pink na blouse at cotton na mini short. Mabilis lang din siyang nagpalit. Pagkatapos, nahiga siya muli sa kama. "Daming ganap today. Nakakapagod," bulong pa niya saka tumingin sa kaliwa. Unang napukaw ang tingin niya sa picture frame na nakapatong sa night stand. Napabangon tuloy siya ulit para abutin iyon. She rested her back against the headboard. Tapos, saka lang niya tiningnan ang litratong laman niyon. It was her and Robin. Nakayakap siya sa kapatid niya habang ito naman ay naka-peace sign at pinapakita ang hawak na diploma at medal. Robin was wearing a blue toga dress.  "It's been two years na pala noong naka-graduate ka, Kuya, ano?" bulong niya sa sarili habang napapangiti. "Buti, nandito ka pa. Until now, kinikilabutan pa rin ako kapag naalala ko yung suicide attempt mo, ay." She closed her eyes as she remembered how she found her brother bleeding to death inside his bathroom. Mabuti na nga lang, mabilis itong naisugod sa ospital. Na-comatose man ito ng isang araw pero mabilis ding naka-recover. Then, two weeks later, balik-eskwela na ito para tapusin ang degree sa Marketing Management. "But you know, Kuya, I'm still surprised na depressed ka," muli niyang bulong sa sarili. "Ewan, siguro dahil if you think about it, ang swerte mo pa rin kasi talaga." Napalunok siya. Suddenly, parang pumait yata bigla ang panlasa niya. "Bakit, gano'n, Kuya?" bulong niya. Kasunod niyon, naramdaman niya ang pangingilid ng mga luha niya. "Bakit lahat ng gusto ko, napupunta sayo?" Binaba niya ang picture frame at tinakpan ang mga bibig para pigilan ang sarili na mapahikbi. She hates to admit it but the existence of her brother was fueling her insecurities. Mula pa noong bata sila.  Her brother is smart and talented. Lagi itong nangunguna sa klase. Ito rin ang pambato madalas para sa mga inter-school competition, at malimit itong mag-uwi ng karangalan sa paaralan nila. Dahil tuloy doon, lagi nitong nakukuha ang atensyon ng mga magulang niya. In their eyes, Robin was perfect. Meanwhile, siya? She really needed to work so hard para lang makipagsabayan siya sa mga kaklase niya. And yet, no matter how hard she tried, hindi siya nagtatagumpay. As a result, her parents punished her with disapproving looks and disappointed sighs. Then, by the time she was fifteen, she had her first love. It was the same guy who introduced dancing to her. Dahil tuloy dito, na-discover niya ang talent niya. And now, kilala na siyang dancer sa school niya. Yet she could not have him. Hindi man nito aminin pero alam niyang may iba itong nagugustuhan. And of all people, Kuya pa talaga niya. And two years ago, that guy broke her heart, at the same time he betrayed Robin. Tapos, ngayon si Logan naman. Hindi niya alam kung bakit pero ramdam talaga niyang attracted siya rito. Siguro dahil sa sobrang kulit din nito, gaya niya. Sabi nga rin noon ni Robin, bagay silang dalawa. But Logan wanted her brother, not her. Tinamaan ng lintik, naulit na naman ang dati! She grunted in frustration. Hindi na niya kayang pigilan ang sarili na maluha. Napahiga na tuloy siya sa kama niya at niyakap ang sarili. It's okay, Aliyah. It's okay, pag-aalo niya sa sarili. It's just a crush. Crush mo lang si Logan. There's no way you're in love with him. Ilang buwan pa lang kayong nagkakakilala. But her tears won't stop coming out. She groaned in resentment. Sa lahat pa naman ng ayaw niya, iyon ay yung nagiging mahina siya! Muli siyang dumapa at sinubsob ang mukha sa unan. Blessings pala, Aliyah, ha? She bit her lips until it hurt. Walang blessing doon, gaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD