CHAPTER 44 Erris Lily "Sigurado ka bang sasama ka?" Pang ilang ulit ko ng tanong kay Jino. Nasa labas ako ng palasyo at uumpisahan ko na ang pagmamanman sa loob, pero nagpupumilit itong sasama siya. "Sabi ko naman sayo tutulungan kita. Pakiramdam ko responsibilidad mo ang Magic Paradise pero ikaw naman ang responsibilidad kong protektahan at tulungan." aniya habang prente ang pagtayo at paggala ng tingin sa labas ng palasyo. "Diba naisip mo ba yon, unfair kung pprotektahan mo kami pero walang pprotekta sayo. Kaya ako nalang." Natawa ako sa banat nito. Ang bait talaga na kaibigan! Mabuti nalang may Jino na ako sa tabi ko ngayon, gusto kong magpray at magpasalamat sa langit ngayon! "Gusto kong malaman mo na thankful ako dahil kakampi kita. Paano kaya ko makakabawi nito sayo?" Ngumisi

