CHAPTER 14 Third Person's POV ''Okay, may mga sasabihin muna kami.'' Ella. ''Anong kami. Ikaw lang.'' Pang-aasar ni Aaron dito. Tinitigan siya nang masama ni Ella. "What? Bakit kasi 'kami' ano 'yun sabay-sabay tayo magsasabi e di ang gulo. Dapat ikaw lang." ''Kung gusto mo ikaw na magsabi para ikaw na?!'' "Bakit ako, ikaw nga magsasabi kasi nauna ka." "Ikaw na nga kasi masyado kang pabidang tao." Bumalik kaagad si Mariella sa lugar dahil wala na pala itong naabutang gawain sa pinuntahan. Pumalatak si Luke at nanahimik na ang dalawa. "Ladies first." Umirap muna si Ella saka humarap kila Erris. "Erris at Farrah, papakilala ko nga pala si Gemi. Magic-Partner ko." Nakangiting aniya saka may lumitaw na babae sa gilid niya. Violet ang kulay ng buhok nito pati ang bestida na pu

