CHAPTER 33 Erris Lily Naging iba ang buong academy. Parang naging sobrang lawak na mansyon ito. Tapos madilim at maraming pasikot sikot! Nagtago ako sa gilid ng malaking halaman. Nasa third floor ito at malapit sa grand staircase. Dito nalang ako mag aabang. Pero sa totoo lang, wala talaga akong ineexpect na mananalo ako sa laro na 'to, hindi ko alam kung ano ang magiging technique ko para makilala ang totoong diamond crown. May mga nakikita akong guardian, nakalutang sa itaas ng kanilang ulo ang binabantayan na crown. Mabilis na kumikilos sila at patakbo takbo para siguro magpanic ang mga estudyante at basta nalang silang atakihin. Kaso yun nga, dapat maingat dahil isang guardian lang ang pwede atakihin. Dapat yung totoong may hawak ng crown. "Lily," "Ay crown!" hinawakan ko ang

