CHAPTER 35 Eicine Lirah "Ang bobo niyo namang lahat!" Sigaw sakanila ni Mercury. Naiiling na nagsalin na lang ako ng wine sa kopita at direktang ininom iyon. "Sumama ka kaya samin hindi yung akala mo kung sino kang magaling?" Seryosong sabi ng lalaking magic user. Ito yung kanina pa iniinda ang bawat paso sa braso. Hindi ko sila kilala actually. Alam ko lang na kakampi namin sila at espiya sila sa Magic Paradise. "Oo nga naman, bawat galaw namin na palpak parang tuwang tuwa ka pa kasi may chance kang magsermon!" dagdag pa ng babaeng magic user. Umayos ito ng upo sa couch at nilagyan ng yelo ang nasunog na balat sa braso. "Wag mo rin akong umpisahan ngayon dahil masama talaga ang loob ko sa nasunog kong buhok!" maarteng dagdag niya. Hay, ang hihina naman kasi. Kung bakit ba naman ka

