CHAPTER 28 Erris Lily Nagpaalam ang halos lahat ng Magic Officials na kaibigan ko sakin dahil nagpatawag daw ng meeting ang head nila. Lahat din ng estudyante ay sinabihang sumunod sa academy para sa urgent announcement doon. Naiwan kami ni Farrah dito sa street, maging sila Aspen at Flint ay kusang nawala nang hindi namin napapansin. Halos lahat din ng mga tao sa paligid ay nagkukumpulan. Mukhang hindi pa nakakamove on sa nangyari kaninang gulo. Maraming healer na magic users din sa paligid, tinutulungan na mabigyan ng paunang lunas ang lahat ng nasugatan. Tapos may mga nagluluksa na sa mga bangkay ng mga namatay. Nakakalungkot. Kailangan na talaga matigil ang mga ganong uri ng magic user, lalong lumaki ang galit sa dibdib ko para sakanila. Ang daming inosenteng hindi maipagtangg

