CHAPTER 25 Chapter 25 * Ei**** POV "Anong nangyayari?" bored na tanong ko habang inaayos ang buhok at naglalakad palapit sa kinauupuan ng kausap. Nagsisitakbuhan kasi itong mga walang modong mga kawal at nagmamadaling umalis ng palasyo. Madaming kawal din kasi ng Black Land ang inihahanda ngayon. Hindi ba nila nakikita na nandito ako?! WALA BANG PAGGALANG ITONG MGA 'TO SA TULAD KONG PRINSESA! "Wala lang, papatay ng magic user, magnanakaw, manggugulo sa Magic Paradise... lahat ng pwede nilang ikainis gagawin natin." nakangiting sabi ni Mercury habang tinitignan ang mga kuko. Masyadong maarte at malamya maglaro. "Eh paano yung Infinity Princess?" tanong ko ulit. Tumingin ito saakin and she smirked like a devil. Demonyitang demonyita. Ang pangit. "Isa rin yun sa dahilan kung bakit mag

