CHAPTER 23 Erris Lily "Erris, anak." Idinilat ko ang mga mata ko. Nakatayo ako sa gitna ng dilim, kaharap ang babaeng matagal ko ng gusto makasama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Parang totoo. "Mama! Miss na miss na po kita!" Humihikbing sabi ko sakanya. Panaginip lang ba 'to? Panigurado oo. Imposibleng makayakap ko pa ng ganito si mama dahil patay na siya. "Ang ganda ganda mo. Sayang at hindi ko napanood ang pagdadalaga mo. Sayang, wala ako sa tabi mo palagi." Hindi ko inaalis ang ulo ko sakanyang dibdib. Mahigpit lang ang hawak ko sa kanya at yakap. Alam ko anytime ay magigising na rin ako. Sana nga hindi nalang kung hindi ko ulit makakasama ng ganito ang mama ko. "Ma, gusto ko nalang pong makasama ka doon sa langit. Isama mo na po ako." Bahagya siyang natawa. "Sana nga ay

