CHAPTER 16 Erris Lily Hindi pa sumisikat ang araw pero nasa loob na ako ng academy, ngayon ang araw kung kailan kami pupunta ng Elemental Forest at dito ang kitaan naming magkakaibigan. Nauna na ako habang wala pa sila para puntahan ang Quantum Garden nang walang makakakita. Kalalabas ko lang mula sa Quantum Garden para icheck ang fairies, napamahal na talaga sila sakin. Tingin ko rin kasi magtatagal kami sa loob ng forest kaya nagbilin na ako ng mga dapat gawin ng fairies habang wala ako. Something na sikreto ko pa kung ano, sa ngayon. Napabuntong-hininga ako. Nagulat pa ako dahil sumunod pala ang fire fairy na si Isle, maliit ito at namumula ang bulaklak na damit. “Wag kanang malungkot, babalik ako ng ligtas.” Pag-alo ko rito. Ngumiti siya at tumango. “’Yung binilin ko ha?

