KINAUMAGAHAN ng magising si Sayon ay mabuti-buti na ang kanyang pakiramdam. Hindi na siya nilalamig at nawala na rin ang sakit ng ulo niya. Hindi muna siya bumangon ng magising siya. Nanatili lang siyang nakahiga at tumitig sa kisame. Napangiti siya ng maalala si Noah at ang ginawa nitong pag-aalaga sa kanya kahapon. Hindi ito umalis hanggang kagabi bago siya matulog. Kahapon ng hapon ay ginising ulit siya nito para maghapunan at muling uminom ng gamot. Kahit masamang-masama pa rin ang pakiramdam ay hindi nakaligtas sa kanya na ipinagluto siya nito ng hapunan. Kung pagbabasehan ang panlasa niya ay masarap itong magluto kahit pa wala siyang masyadong panlasa. Hindi niya inasahang marunong itong magluto. Muli siya nitong pinainom ng gamot pagkatapos niyang kumain. At dahil mabigat pa rin an

