"I want us back" narinig kong sagot nya sa akin. Hindi ko akalain na sa harap nya ay magagawa kong ipakita yung side ko na ayokong makita ng kahit na sino. Oo matapang ako, matibay ako at sanay akong humarap sa iba't ibang hamon ng buhay...pero pag dating kay Nine, mahina ako. Ganoon ko sya kamahal. Takot na takot akong mawala sya. Alam kong hindi ko iyon kakayanin kaya lahat ay gagawin ko para bumalik syang muli sa akin. Agad na napatitig ako sa maamo nyang mukha. Tila hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. "I want us back to where we were before all this mess happened." Pagpapatuloy pa nya. Tila nabibingi ako sa narinig ko mula sa kanya. Akala ko.. Umasa ako na this time, maaayos na namin ito. Ngunit hindi pa rin pala. "Nine..." gusto kong umalma. Gusto ko syang si

