Vincent "Kamusta na pala si Lola?" tanong ng bestfriend kong si Eduard. Pagkatapos ng company meeting ay sa bar ng kaibigan namin ni Mike kami dumiretso. Pakiramdam ko kasi ay kailangan ko ng alak pagkatapos ng mga nangyari sa maghapon. "Okay na siya pero kailangan pa rin niya mag-stay sa hospital ng ilang araw para ma-obserbahan pa." sagot ko bago ubusin ang laman ng baso na hawak ko. "Okay na pala si Lola bakit ganyan pa rin ang pagmumukha mo para kang pinagsakluban ng langit at lupa." natatawang sabi ni Eduard at napabuntong-hininga ako. Sa totoo lang ay nakahinga na ako ng maluwag dahil okay na ang kalagayan ni Lola pero hindi pa rin mapanatag ang kalooban ko. Sobrang nag-alala talaga ako ng malaman ko na sinugod ito sa hospital. Si Lola Imelda na lang ang naiwan kong pamily da

