Vincent After the operation ay sinabi ni Dra. Liwanag na nasa comatose stage si Patricia dahil maraming dugo ang nawala dito. Ayon dito ay ginawa naman ng mga ito lahat para pabilisin ang proseso ngunit sadyang napakaselan ng posisyon ng bata. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nabuhay si Patricia ngunit nasa ganoon itong kalagayan. Base kay Dra ay tanging si Patricia lang ang makakapasabi kung ano ang kasunod na mangyayari. Isang linggo na lang at dalawang buwan na ang lumipas mula nang operation pero hanggang ngayon ay wala pa ring malay si Patricia. Ang mga baby naman ay isang buwan mahigit tumagal sa incubator at after makitang okay na ay na-discharge na. Nasa pangangalaga muna ng in-laws ko ang kambal at nag-hire ako ng taong makakatulong ng mga ito sa pag-aalaga. Mula sa op

