Chapter 2 - Do my best

1918 Words
Patricia Dahil rest day ni Ram kaya sinamahan ako nito sa pag-deliver ng mga orders. Dalawang coffee shop ang regular ng umoorder sa amin from cakes, brownies, cookies at cupcakes. Aside doon ay may mga umoorder din sa amin through online na araw-araw tininingnan ni Mia. Masasabi kong stable naman ang negosyo namin ng pinsan ko dahil na babayaran namin ang mga bills at iba pang expenses. Basta si Mia ang in-charge sa mga paper works at pakikipag-usap sa mga customers. Ako naman ay sa production ng mga orders at pag-order ng mga ingredients. May dalawa kaming helper at isang baker kaya kahit madami kaming orders ay natatapos namin. "Krissy, pa-check na lang ng mga orders mo." sabi ko pagdating namin sa shop nito.  "Hindi ko na kailangan na gawin pa 'yon kasi alam ko naman ang mga gawa mo. Matagal na kitang supplier and since then ay wala pa tayong nagiging problem. Sige maiwan ko muna kayo at ipapasok ko na 'yong mga dala mo for display. Umorder na muna kayo ni Ram habang naghihintay." sabi nito saka pumasok sa loob.  Si Krissy ay classmate namin ni Ram noong college. Nakita nito ang mga post ni Ram at agad itong nag-inquire. Sa una ay nag-alangan siya dahil marami itong orders at saka first time pa lang nila mag-supply. Usually kasi small batches lang ang natatanggap namin na orders before.  "Alam mo bessy, keri mo naman na magkaroon ng ganito." nagmamasid na sabi ni Ram pagkatapos umorder ng pagkain namin at natawa ako.  Nang malaman ng magulang ko na gusto ko na magkaroon ng sariling negosyo ay agad na sumang-ayon ang mga ito. Agad na naghanap ang mga ito ng magandang pwesto at binigyan ako ng puhunan. Alam kong nalungkot ang mga ito nang tinanggihan ko ang binibigay na tulong ng mga ito. Hindi ko kasi kayang tanggapin ang pera na nakuha ng mga ito noong mag-retire. For once ay gusto kong mag-relax at mag-enjoy ang ito gamit ang pera na pinaghirapan ng mga ito sa loob ng ilang taon. Pinaliwanag ko sa mga ito na gusto kong magsimula sa pinakababa at gusto ko rin na kung sakaling magkakaroon ako ng sariling lugar ay mula 'yon sa pinaghirapan ko. Naintindihan naman ako ng mga ito at sinabing susuportahan ako sa lahat ng desisyon ko.  "Nasa plano ko naman talaga 'yon pero medyo kulang pa sa budget ang lola mo. Huwag kang mag-alala konting kembot na lang matutupad ko rin ang plano ko." sagot ko at napailing lang ito.  Nabawasan kasi ng kaunti ang ipon ko dahil pina-renovate ko ang bahay namin. Nagbakasyon ang mga magulang ko sa Davao ng dalawang buwan kaya naisip ko na pagkakataon ko na 'yon. Hindi nagustuhan ni Mama ang desisyon ko pero wala na itong nagawa dahil tapos na. Pasalamat na lang dahil nagustuhan nito ang resulta ng renovation.  "What I mean is pwede mo naman tanggapin 'yong binibigay na tulong nina Tita. Okay, I understand na you want to be independent and all pero they are your family so normal lang 'yon. Or kung ayaw mo pwede mo naman sabihin na utang muna then pag-okay ka na saka mo bayaran." sabi nito.  "They had done so much for me and I think it's time for me to give back to them. At saka mali ba ang ginawa ko na tanggihan ang tulong nila? Mayabang ba or mapride ba ako dahil ginawa ko 'yon? Nakita ko ang paghihirap nila noong panahon na nag-aaral ako kahit pa nga solong anak lang ako. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang sweldo nila pero pinapasok pa rin nila ako sa private school. Iyong pera na inaalok nila sa akin ay galing sa ilang taon na pagtuturo nila. Ayaw kong ipagsapalaran ang pera nila lalo na noon na hindi pa ako sigurado sa magiging kalabasan nitong business. Nagpapasalamat na lang ako dahil naiintindihan nila ako at nirespeto ang desisyon ko. Everything is doing great now and sooner ay magkakaroon din ako ng sarili kong store." paliwanag ko at bumuntong hininga ito.  "Hay naku! Mas maganda ata ay abugasya ang kinuha mo kasi kahit kailan ay hindi ako manalo sa 'yo. Laging kang may katwiran sa lahat ng bagay." nakasimangot na sagot nito at napangiti lang ako. Maya-maya lang ay dumating na ang order naming pagkain. Chicken at pasta ang inorder nito para sa aming dalawa. Natawa ako nang makitang umorder din ito ng isang slice ng carrot cake na ginawa ko. Napatingin ako sa orasan, ilang oras na lang pala at lunch na kaya tamang-tama lang ang kain namin.  "Nag-order ka pa rin talaga niyan? Hindi ka pa ba nagsawa? Sa bahay ay halos tinikman mo na lahat ng ginawa ko." natatawang sabi ko habang tinuturo ang cake.  "So? Bawal kumain ulit? May rule ba na hindi pwedeng umulit?" nakataas kilay na tanong nito at natatawang umiling na lang ako.  "Saan nga pala ang kasunod na destination, Mam?" tanong nito bago kumain.  "Sa Makati ang last na deliver natin para doon sa mga cookies at brownies. Kailangan ay naroon na tayo ng two o'clock kasi parang sa conference ata iseserve ang mga 'yon." sagot ko dito at tumango-tango ito.  "Madami rin palang customer sa coffee shop ni Krissy, kala ko noon props lang." pabulong na puna nito at napatingin ako rito.  "Bunganga mo, Ram." mahinang saway ko rito.  Noong college days kasi nila lagi nito sinasabi na wala itong interest sa kurso na kinuha nito. Ang pangarap nito ay maging modelo pero hindi nasunod dahil binantaan ito ng magulang nito na tatanggalan ng mana. Iba nga talaga ang nagagawa ng pera sa tao dahil nagagawa nitong pasunurin ang isang tao kahit labag sa kalooban nito. Nagpapasalamat ako dahil understanding at supportive ang magulang ko sa lahat ng desisyon ko.  "Nag-text nga pala si Mia kanina nagaakit na mag-dinner mamaya." sabi ko rito pagka-check ko ng phone.  "Sureness basta sabihin mo ay treat niya. Last time naisahan niya ako, mega aya ang babaeng 'yon hindi naman pala siya ang magbabayad." sabi nito.  Agad akong nag-reply kay Mia para kumpirmahin ang lakad namin mamaya. Ngayon lang ulit kami makakalabas dahil sa sobrang busy namin nitong mga nakaraang linggo. Pagkatapos kong mag-reply ay nag-check naman ako ng f******k at ** para makita kung may online order kami.  "Grabe ka Ram! Bakit pinost mo ito?!" gigil na sabi ko nang makita ang picture ko as profile picture.  "Ano namang masama? Desente naman ang itsura mo at bakla pak na pak ang dating mo rito super natural. Effortless. Flawless. Tingnan mo nga ang dami mo ng followers." depensang sagot nito at naningkit ang mga mata ko.  Kung titingnan ay wala naman makikitang masama sa picture. Kuha 'yon habang nag-bake ako, medyo messy ang buhok ko at nakasuot ako ng pink na apron. Naiinis lang ako dito dahil never ako nag-post ng mga picture ko na mag-isa kahit kailan.  "Tanggalin mo 'yan bakla o magkasaulian na tayo ng kandila." banta ko rito sabay abot ng phone ko.  Tinapos muna nito ang kinakain saka humarap sa akin. Hinihintay ko na kunin nito ang phone sa kamay ko para gawin ang pinagagawa ko. Kinuha nito ang phone nito sa bag at nagkunwari na abala ito.  "Ramilito Cruz!" buong diin na tawag ko sa pangalan nito at naningkit ang mga mata nito na nakatingin sa akin.  "Sige isauli mo na para naman may magamit ako in-case na mag-brown out." pilosopong sagot nito at pinanlakihan ko ito ng mata.  "Kainis ka naman Ram, alam mo naman na never ako nag-post ng solo pic. Sige na please tanggalin mo na." pakiusap ko rito.  "Ayoko. Ayoko. Ayoko." madiing sabi nito habang umiiling.  "Humanda ka kapag nakuha ko 'yang phone mo yari ka sa aking bakla ka." gigil kong sabi at nang-aasar na ngumiti ito.  Papatanggal ko na lang kay Mia ang picture mamaya kapag nagkita kami. Hindi ko naman kasi alam ang password dahil si Mia at Ram ang gumawa ng account na 'yon. Nag-mental note na lang ako na alamin ang password para next time ay hindi ko na kailangang ipagawa sa iba.  "Pat, ito na nga pala 'yong list ng mga bagong orders ko." sabi ni Krissy sabay abot ng listahan at sobre na naglalaman ng payment nito.  "Parang sobra ata 'yong mga deliver mo, Pat." nagtatakang sabi nito.  "For testing ang mga 'yon Krissy kaya free muna then bigyan mo ako agad ng feedback kung okay. Bagong flavor kasi 'yon kaya medyo alanganin pa ako kung mag-click." nakangiting sagot ko.  "Ano ka ba Pat, wala ka bang tiwala sa kakayanan mo? Kahit ano ata na gawin mo ay siguradong masarap." puri nito at napangiti ako.  "Ay korak ka diyan, Krissy." singit ni Ram.  "Sige bigyan agad kita ng feedback pero for sure ay sold out na naman 'yon katulad ng ibang flavors. Maiwan ko na kayo at may kailangan pa akong tawagan." paalam nito sa kanila at tumayo na kami.  "Aalis na rin kami Krissy kasi may last delivery pa kami." sabi ko at nagpaalamanan na kami. "Oo nga pala Pat, muntik ko ng makalimutan next month ay may big event sa hotel at ni-recommend kita kay Mam Ellen. Medyo maramihan nga lang pero for sure ay yakang-yaka ninyo 'yon." sabi nito habang nag-drive at napatingin siya rito.  "Hindi ba masyadong risky, I mean siguradong bigatin ang mga bisita roon paano kung hindi pumasa sa panlasa nila ang mga gawa ko. Iba na lang siguro Ram baka mapahiya tayo." alanganin na sagot ko.  "Sorry but it's too late my dear dahil approved na niya. Tomorrow nga ay ibibigay na niya sa akin ang down-payment at 'yong list ng mga napili nilang flavor ng cupcakes, brownies at ang design ng cake." nakangiting sabi nito at nanlaki ang mga mata ko.  "Bakit ginawa mo 'yon without consulting me first? Alam na ba ni Mia? Dapat ay hinintay mo muna ang sagot ko bago ka pumayag. Paano pala kung ayaw ko?" nakasimangot na sabi ko saka tumingin sa labas ng bintana.  Isa sa mga ayaw ko ay 'yong nawawalan ako ng kontrol sa mga bagay-bagay. Gusto ko ay nakaplano lahat at detalyado para hindi man mag-work ay at least mayroon akong back-up plan. Hindi rin ako agad-agad nagdedesisyon nang hindi ko pinag-aaralang mabuti. Higit sa lahat ay ayaw kong makitang ma-dissapiont ang mga taong mahalaga sa akin.  "Kasi I know exactly kung anong isasagot mo kaya ako na ang gumawa ng paraan. Yes, nasabi ko na kay Mia and she is super excited about it. Dapat nga ay magpasalamat ka sa akin dahil mapapabilis na ang pag-iipon mo. At saka ano ba inaalala mo, kung sa palagay ko ay hindi ka qualified kahit kaibigan pa kita hindi kita ipriprisinta sa kanila. I won't risk my job para sa'yo." paliwanag nito at napatingin ako rito. Nakakatuwang marinig at malaman na nagtitiwala ito sa kakayahan ko. Na-realize ko na tama rin naman ito, ang kailangan ko na lang gawin ay pagbutihan dahil reputasyon ng kaibigan ko ang nakasalalay rito. Sa tagal na naming magkaibigan ay ito ang laging nag-push sa akin to be better. Alam nito ang kahinaan ko at kung saan ako magaling kaya alam nito ang dapat gawin sa mga oras na nakakaramdam ako ng alinlangan. "Okay. Okay. Okay." nakangiting sagot ko rito. "Salamat naman. Akala ko ay kailangan ko pa ng mahabang speech para lang ma-convince ka." natatawang sabi nito.  "Sana lang ay hindi kita ma-disappoint Ram." sabi ko saka tinapik ito sa braso.  "Nonsense Pat, I know and you know na kaya mo ito huwag ka lang ma-pressure. They choose almost all of your best-seller kaya kahit pikit-mata ay yakang-yaka mo." sabi nito at pinisil ang kamay ko.  "What will I do without you? You always know what to do and say." sabi ko at ngumiti ito.  "You can't live without me, that's for sure." natatawang sabi nito at napangiti ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD