Patricia "Anong dapat kong gawin? Ayaw kong makulong? Kung sakali naman na hindi ako makulong sigurado naman na manganganib ang buhay ko dahil sa mga narinig namin ni Ram. Pati na rin si Ram ay madadamay kapag nagkataon. Paano na ang magiging buhay ng baby ko? Bakit kasi nangyayari ang mga ito sa akin? All I want is to have a baby." naguguluhang sabi ko sa sarili habang nakahawak sa tiyan ko. Napahiga ako dahil pakiramdam ko ay nahihilo ako sa lahat ng nangyayari. Dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay naguguluhan pa rin ako at hindi ako makapag-isip ng maayos. Pagkahiga ko ay agad akong nagtaklob ng kumot. Kailangan kong kumalma para makapag-isip ako ng mabuti. "Paano kung hindi ako pumayag?" tanong ko dito pagkalipas ng ilang minutong katahimikan. Mula sa pagkakahiga ay buman

