Patricia "Sa dami naman ng pwede mong suotin bakit 'yan pa ang napili mo." sabi ni Ram habang nasa sasakyan kami. Grand Opening ng Restaurant nang isa sa mga client namin at naimbitahan kami. Madalas na ito umorder sa amin at nakilala ko ito dahil kay Mia. Although ayaw sabihin ng pinsan ko pero alam kong may gusto ito kay Dan. Halatang-halata naman kasi ito mismo ang nag-dedeliver ng mga orders nito na hindi nito kadalasan ginagawa. "Ano naman ang problema sa suot ko? Kailangan po bang naka-gown doon or naka-custome? May attire required ba na nakalagay sa invitation?" mataray na sagot ko at natawa lang si Mia. "Hay naku Patring sa akala mo ba ay may magkaka-interest na lalaki sa'yo dahil diyan sa suot mo? Ngayon pa lang ay nakikita kong mabibigo ka na sa plano mo girl." naiilang na

