Chapter 1

1556 Words
Chapter 01 "Each variable has a numerical value and to solve the algebraic expression you need to substitute the given value to the variable. For example.. X plus Y minus three raise to nth power plus negative Y is equal to? if X is equal to five and Y--" Blah... Blah.. Blah.. Blah.. Shit! Tinitignan 'ko pa lang 'yung mga sinusulat niya sa white board parang gusto 'ko ng mag collapse. Isabay mo pa na inaantok talaga ako dahil tinapos 'ko pa ang buong episode ng huwayugi kagabi. I can't.. Hindi 'ko kayang tagalan na tumitig sa mga pinag susulat niya at lalong hindi 'ko rin maisip kung paano mo pag sasamahin ang numero sa letra. Siraulo talaga ang nakaisip ng math. Para niya lang din sinabi na ihalo 'ko ang tubig sa mantika. Napahikab akong dumukdok sa may lamesa 'ko at bumabagsak na iyong talukap ng mata 'ko sa sobrang antok. Kung hindi lang maganda pag masdan iyong mukha niya kesa sa mga sinusulat niya sa board malamang kanina pa ako nakatulog. "Pssst!" Narinig 'ko pang may pumaswit sa akin sabay tusok sa tagiliran 'ko but I ignored that stupid person who called me 'pssst!'. For Pete's sake. My parents took a lot of effort to gave me the most beautiful name in this world then someone would just call me 'psst'? Saksakin 'ko kaya ng lapis 'yung bibig niya ng matuto siyang mag salita. "Uy!" Napairap na ako ng muli ulit niyang tusukin ang tagiliran 'ko. Feeling close naman 'tong unggoy na 'to. Nakakainis! "Yuri.." Bulong ulit nito and this time hinarap 'ko na siya at sinamaan ng tingin. "What the hell is your f*****g problem?" Mahina 'kong bulong pero nag nagngangalit iyong ipin 'ko sa inis. Ayokong sumigaw o mag taas ng boses dahil siguradong ako ang mapapagalitan but I swear ngayon lang ako nakakita ng baboy ramong pumapasok sa eskwelahan. Kulang na lang at maputol na 'yung paa ng upuan niya sa bigat niya, nagingitim na rin iyong mga gilid gilid ng leeg at tainga niya. Sigurado na pag kinayod iyon ng kutsara para ka na rin nakakuha ng balat ng letchon, sunog nga lang. "Ahehe.. flowers for you." Sabi nito sabay abot ng isang pirasong rosas na literal na kinataas ng kilay 'ko. Maka FLOWERS for you siya akala mo isang dosenang bulaklak ang hawak niya at isa pa hindi ako tumatanggap ng bulaklak sa mga exotic na nilalang. "Get lost." I said and turned my back to him but he was too consistent and he still murmuring my name. "Yuri.. Uy.." Deadmahin mo na lang siya, Yuri. Mas mabuti pang ituon 'ko na lang ang atensyon 'ko sa harapan. At least doon nakikita 'ko pa iyong maamo pero seryosong mukha ni ku-- "Yuri baka pwedeng manligaw." Sabi ulit ng baboy sa likuran 'ko kaya hindi na ako nakatiis at inis 'ko ulit itong hinarap. Bakit ba ang kulit kulit niya? Hindi ba siya nakakaintindi ng salita ng tao? "FYI, hindi mo ba alam ang sinasabi ng law of nature. Ang tao ay para sa tao at ang baboy ay para sa baboy. Kaya hindi ako pumapatol sa mga katulad mo! Get lost, ugly dirty pig!" Maikli lang ang pasensya 'ko kaya literal na tumaas iyong boses 'ko na kinatigil ng buong klase at dama 'ko ang bawat titig nila sa akin pero may isang tingin ang nanunuot sa kaibuturan ng katawan 'ko. Parang slow motion akong napalingon sa harapan at sumalubong sa akin ang seryoso at itim na itim nitong mata. His stare will cause my death, I can barely feel my own heavy breathing, the lost of my sanity and the chills the runs all over my body. It is all because of his eyes that ravage my whole being. "Yuri Haven Hellson. You know my room policy, Don't you?" Literal na napalunok ako kahit nanunuyo na iyong lalamunan 'ko ng dahil sa takot. Tumango ako sa kaniya at itinuro nito ang harapan. Nasa akin na lahat ng atensyon ng mga kasama namin sa room and no one try to get on his way dahil isa siya sa tinaguriang terror teacher ng math and I can say he really is. He was a monster in my eyes whenever he put the bars to block our real relationship. "It wasn't me." Buong loob 'kong sabi sa kaniya na kinatalim ng tingin niya sa akin. Gosh! Ang daming math teacher sa university pero palagi na lang siya ang natatapat sa akin. Hindi ba pwedeng iba na lang? Tutal hindi 'ko rin magamit na privilege ang pagiging magkadugo namin. "Policy is policy, miss Hellson. You know me." Napairap ako ng sabihin nito na you know me of course I do. He was my stupid brother! Wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo pero bago iyon ay sinipa 'ko muna ang paa ng baboy na lalaki sa likuran 'ko. Kasalanan niya 'to eh. Hindi ako mapapagalitan ng oh so sweet 'kong kapatid kung hindi niya 'ko kinukulit. Pumunta na ako sa harapan and I bend my knees, lift my arms on the sides. Literal na naka squat ako sa harapan ng klase bago nilagyan ni Kuya ng tag isang libro ang magkabila 'kong palad at dalawa naman ang ipinatong niya sa ulo 'ko. Geez! Bakit ba hindi ako lumulusot sa parusa niya? Magkapatid naman kami ah? Buong klase akong naka squat sa harap ng klase habang nag papatuloy siyang mag discuss at natitiis niya talaga ako na mangawit at pag kwentuhan ng mga ka-klase 'ko. Nakakainis! Ang sakit sakit na ng kili kili at hita 'ko. Isusumbong 'ko siya kay Daddy mamaya pag uwi ng bahay. Kung akala ng marami masarap magkaroon ng mga demonyong kuya ako na mag sasabi, isa silang malaking sumpa sa buhay. I have three brothers. Si Kuya Gavin, si Kuya Jacob at iyong kakambal 'ko na walang ibang alam gawin kung hindi ang matulog mag hapon. Nagtataka nga ako kung paano pumapasa sa mga klase niya si Yuen eh pag tulog lang ang alam niyang gawin. Isa lang talaga ang masasabi 'ko, mga demonyo ang mga kapatid 'kong lalaki. "Class dismissed." FINALLY! Natapos na rin, akala 'ko balak niya pang mag overtime at dagdagan iyong pahirap sa akin. Uugod ugod akong napaupo sa may upuan at hinilot iyong mga binti 'ko habang nag lalabasan na iyong mga ka-klase 'ko. Nakakangalay kaya iyong kulang tatlong oras kang naka-squat tapos may pabigat pang libro. "Kuya wala akong quiz." Sabi 'ko sa kaniya habang nililigpit nito ang mga gamit niya. "Edi zero ka." "What!?" Gulat 'kong tanong sa kaniya at nag angat ito ng tingin sa akin. "You hear me." He said as he took his things and turned his back to me. Nag mamadali akong sumunod sa kaniya kahit masakit pa rin iyong mga hita hita 'ko. "Kuya naman.. Pinag squat mo na nga ako tapos hindi mo pa 'ko papakuhanin ng special quiz." Pilit 'kong sinabayan iyong malalaking hakbang niya. Bakit ba hindi pa ako nasanay sa kaniya. Simula ng makatapos siya ng college, dito na siya nag apply sa Blood-Stone University para maging teacher at palagi na lang natatapat na siya ang teacher 'ko sa math. And what makes it worst ay dalawang beses 'ko ng tine-take ang algebra dahil sa ibinabagsak niya ako. See? Napakabait niyang kapatid. "Your fault. Alam mong ayoko ng maingay sa klase." "It wasn't me." Hindi naman talaga ako iyong maingay, matutulog lang sana ako pero ginugulo ako ng baboy na nilalang kaya ako napasigaw. Panandalian itong tumigil kaya natigilan din ako sa paglalakad. "It wasn't you? You are.. It was always you, Yuri. Palagi ka na lang magulo sa klase 'ko. Kung hindi ka matutulog, mag iingay o kaya makikipag kaladyaan sa iba. Stop being a spoiled brat. You are not my sister inside my class." He said through greeted and I chewed my lower lip. Ok, mukhang galit na talaga siya pero 'di 'ko naman sinasadya matulog o mag ingay sa klase niya at lalong lalo na hindi ako nakikipag kaladyaan. "Sorry." Diretso 'kong sabi habang nakatitig sa mga mata niya pero talagang hindi 'ko magawang tagalan iyong mga tingin niya kaya agad akong napayuko. Kinakabahan ako sa tuwing nakatitig ako sa mata niya at literal na nawawala iyong katinuan 'ko. Hindi ako makapag isip ng matino. "Kaya huwag ka ng magulat kung babagsak ka ulit sa'kin." Nanlaki iyong mata 'ko sa sinabi niya at nilagpasan ako nito. What the hell! Babagsak niya 'ko ulit? Seryoso ba siya? Ayaw niya ba 'ko makaalis sa senior high? "Kuya Jacob!" Napatakbo ako para habulin siya kaso mas binilisan niya lang iyong paglalakad niya. "Kuya!" Muntik 'ko na sana siyang abutan kaso saktong nakapasok na siya sa may faculty room at literal na sinaraduhan niya 'ko ng pinto sa mukha. "BWISIT!" Hindi niya ba kayang bigyan ng kaunting consideration ang pagiging mag kapatid namin? Ayoko ng bumagsak, naiiwan na ako ng mga ka-batch 'ko at sigurado na pagtatawanan na naman ako ni Yuen nito at pagagalitan na naman ako ni mommy. Nakakainis! Why do I need to have an inconsiderate professor? Why do I need to have an evil brother? Geez! I hope he wasn't my brother, he was a real burden, a curse in my life. _____ SNS Account: FB Account: Ash Sandejas Twitter: CreepyPervy Wattpad: CreepyPervy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD