Chapter 25 "Here, uminom ka muna." Sabay abot nito sa akin ng tubig. Tipid at pilit akong ngumiti sa kaniya, kinuha iyong tubig bago ako tuluyang uminom. Malalim ang pag hinga ko at ngayon ko pa lang binabawi iyong hanging naubos sa akin mula sa pag iyak. Kita ko pang basang basa ang suot na damit ni Sachi ng dahil sa akin. Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko kaya pa-simple akong napayuko. Bakit kasi sa dami ng taong pwedeng makakita sa akin sa ganoong sitwasyon ay si Sachi pa, pwede naman si Rhyx o kaya kahit sino sa mga kababata ko. But on the other side, mas mabuting si Sachi ang nandito ngayon kesa kila Rhyx. Sigurado kasing kung sila ang naka-saksi sa miserable kong pagmumukha siguradong makakarating iyon kila Dad and I don't want it to happened. Yes, I need their sympathy, pat

