DENNIS POV Ang ingay ni Carlito sa loob ng bus, pinagmamalaki niya ang yaman niya sa mga kalalakihan na nasa loob. Ako naman parang nangangalay na, ambigat ng ulo ng lalaking ito. Pakiramdam ko hindi siya tulog! Nagalaw eh! Alam ko na, I have a great Idea para malaman kung tulog at nagtutulogtulugan lang siya. Kinuha ko agad yung cellphone at binuksan ko yung Camera. Selfie Mode na this. I take picture with him, pero tulog talaga siya. Napatitig naman ako dun sa litratong kinuha ko. Ang gwapo gwapo mo talaga, ewan napangiti nanaman ako. Kaya naman tinitigan ko pa siya ng malapitan. Pero naalarma ako ng makitang nakatingin sakin yung katabi naming naka-upo sa kabilang side. Inayos ko ang sarili ko at nagtalukbong ng sumbrerong wolf. Naramdaman ko nalang na may kumakalabit sa akin. Hala

