LUCARIO'S POV Kitang kita ko ang paglayo niya, pagkatapos maringig ang mga pinagsasabi ni Jannete. Okay na kaya siya, hayaan ko kaya muna siya. Oh baka naman kaylangan niya ng makaka usap. "Lee, langoy ulit tayo" hinawakan pa neto ang kamay ko at pwersahang hinihila. "Ayoko" Tapos tinapon ko yung kamay niyang nakahawak. "Lee!" Hindi ko siya pinansin, napakakulit niya. Ayaw ko man mambastos ng babae, pero tila si Jannete gustong gusto niya bastusin ko siya. Tsss.. Mula sa dagat ay kita kong umahon na si Dwife at ang isa pa nitong kasama. Loko nanaman ang tingin niya sa akin. Pero umiwas nalang ako sa kanila, tahimik na ang kapaligiran. Tapos na ba talaga ang laban o naghihintay lang mag siraan ng binabantayan? Tsss.. Agad nahuli ng mata ko yung taong nakatitig kay Dennis habang

