DENNIS POV Nag-init ang ulo ko sa ginawa ni Carlito, hindi na nagawang madepensahan ng mga kagrupo namin ang pagsira ni Carlito sa gawa naming sand castle. Nabulabog ang mga katabing grupo dahil sa ginawang ingay ng pesteng baklang to. Kita ko ang mabilis na pagsugod ni Dwife at Drew, pero mabilis din silang napahinto ng iharang ni Kuya Jona ang kamay niya dalawa. "Ako na ang bahala sa baklitang yan" kita mo na nanggagalaiti narin siya sa nasaksihan. "Laban to ng dalawang lamamg dagat, isang shokoy at siempre isang sirena" lumingon muna sa amin bago patakbong hinabol si Carlito! Namangha kame sa pinakitang tapang ni Jona, pero kahit gayunpaman ay sumunod parin kame hangang sa makita naming. "Walang aalis dito baklang shokoy!" anlakas ni Kuya Jona, hinila niya yung damit ni Carlito at

