DENNIS POV Nakaramdam ako ng saya at kilig dahil sa ginawa at sinabi sakin ni Lucario. 'Prrrrrrrrrrt!' Mabilis akong napabitaw sa pagkakayakap ng maringig ang malakas na pagpito. "Out!" Akala ko samin sila nakatingin, may isang camper na naidikit ata yung buko sa may tubig. Medyo malayo sa amin. Pero, ganunpaman alam kong maraming nakakita sa amin. Lalo na tong mga kagrupo ko, tatahimik tahimik pero mamaya kukulitin ako. Tinignan ko siya ulit, ngumuso ako sa kanya ngumiti siya. "Isipin mo nalang pag may lumandi sakin, landiin mo ako ng triple" sabi niya sa akin sabay pitik sa noo ko. "Hoi, di ako malandi" pero tinawanan niya lang ako."Akin na nga yang Buko ko" kinuha ko yung naka ipit sa braso niya. Nakuha ko naman agad yun. "Akin na nga rin yang buko ko" sabay hatak nanaman sa

