Note: Ang nasa Multimedia Picture ay si Sky Teotico gumaganap bilang Jairu.
DENNIS POV
Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun kanina. Nginitian niya lang ako pagkatapos bawiin yung daliri niyang nakasubo sa bibig ko. May pagka Naughty rin pala ang isang ito. Pero hindi ko parin mawari kung ano ang gusto niyang ihatid na mensahe sa ginawa niyang iyon.
Ayokong mag-assume pero nararamdaman kong meron siyang gustong ipahiwatig.
*****
"Oh baka naman labasan yang daliri ko" biglang sabi niya habang nakatitig ako sa kanya. Agad kong inilayo ang bibig ko sa kamay niya.
Ngumiti siya at nakangising bumalik sa harap ng mesa. Yung dalawa naman ay nakatingin lang sa amin. Parang wala lang sa kanila yung ginawa ng kaibigan nila sa akin. Katumbas na yun ng Rape noh!
*****
Yan yung nangyare kanina pagkatapos nung pagpapachupa ng lalaking ito sa kanyang daliri.
Kainis, nakatunganga lang ako dito kanina pa. Habang silang tatlo ay panay na ang kwentuhan. Pero pansin kong balik nanaman sa dati si Lucario. Tahimik nanaman at nakatingin nanaman sa cellphone niya.
Matipid siya kung sumagot sa dalawang to na sobrang kukulit at ang iingay. Ako naman ay silent mode lang.
"Asan na yung kasama mo?" tanong nung Jairu kay Skater boy. Napatingin naman ako kay Skater Boy na nakatingin sa malayo.
"Nakisabay lang siya kanina" sagot ni Lucario. Sino bang tinutukoy nila?
*Ring!*Ring!*
Biglang may cellphone na tumunog. Tinginan kameng apat sa isat isa. "That's mine" biglang tayo yung Calvin. "Kausapin ko lang ah?" paghingi niya ng paumanhin sabay layo ng konti.
"Hahahaha kala mo sayo na?" sarkastikong tanong nung Jairu kay Lucario. "Pre hanggang ngayon Gomburza parin ang –"
"Tsss.."
Ay! Seryoso pa naman akong nakikinig sa usapan nila. Tsk! Biglang naputol ang sinasabi kase nung tomboy ng suminghal nanaman ang Hari ng singhalan. Gomburza? Bat nadamay dito yung Tatlong Paring Martir?
Nakasimangot nanaman ulit si Lucario. Kaya naman natahimik nalang si Tomboy habang hinihimas himas yung Pusa sa may Legs niya habang tulog ito.
Tumingin naman ito sa akin. Patay, iba pa naman ang datingan ng babaeng ito. Pero ang gwapo niya talaga kamukha niya yung isang member ng Shevoyz--- Si Sky.
Magkahawig nga sila Pramis, pero wala nga lang Adams apple tong si Tomboy.
"Ikaw, ano pang ginagawa mo dito?" tanong niya sabay hungit ng isang Fries na tira sa harap nila. Kinabahan naman ako bigla sa tanong niya.
"Ahh.." ako na inayos yung sarili. "Eto nga po aalis na" nahihiyang tugon ko sabay tayo.
"Dito ka lang.." biglang sabat ni Lucario na nakatingin sa malayo.
"Oww di naman kita pinapaalis" biglang salita naman ni Jairu. "What I mean is..Wala ka bang ibang gagawin? Pupuntahan? Gagala—"
"Wala!" biglang hampas ni Lucario sa may mesa.
Hala anyare dito?
"Upo.." sabay tingin niya sa akin ng masama. Ewan ko ba' agad akong natakot, kaya sinunud ko siya.
Hindi ko alam ang nangyayare. Tumingin ako kay Tomboy at nakangiti siya sa akin. "Relax lang lee.. babatiin ka rin non" sabi ni Tomboy.
Hindi ko alam kung ano at sino pinag-uusapan nila? Pero lalong hindi ko alam at di ko maintindihan ang ka-mongihan na pinapakita nitong lalaking ito!
"Hay nako Maulee" pag-kausap nung Jairu sa pusa habang hinihimas himas ang likod nito. "May regla nanaman sa butas ng anit ng ulo niya yang amo mo.." paringig ni Tomboy.
"Meow.." biglang sumagot yung Pusa. Wowwwww!
"Hala sumagot si Maulee" sagot ng Tomboy. Biglang bumangon yung pusa at tumalon sa mesa at pumunta sa amo niya. Dun ulit siya natulog sa bandang legs ng amo niya. "Okay.. nasa amo mo parin ang simpatya mo.." sabay tingin nito sa pusa. "Amo's Cat ka talaga maulee.. di na tayo bati!"
"Tss.." sighal ni Lucario na nilalambing ang pusa. Ang Sweet ng mag-amo.
"Uy mga pre.." biglang bumalik na si Calvin. Makikuya na ako matanda rin naman ata siya sa akin ee. Lumapit siya kay Jairu.
"Sino yun Vin?" tanong ni Jairu.
"Tumawag yung Head Committee ng Skateboard Competion na sasalihan natin" sabi nung Calvin.
"Ano daw?" tanong nung Jairu sa lalaking nasa likuran niya. "Matagal pa yun a?" sabi pa nito.
"Jai.. may meeting ngayon diba?" parang nagulat yung Jairu pero si Lucario ay tahimik lang habang hinihimas ang pusa niya. Try mo kayang himasin naman yang ano mo--- Yung ano mo hehehehehe.
(^__,,^)
"Ay oo nga pala!" sigaw nung Jairu sabay tayo.
"Niremind lang tayo.. baka daw kase makalimutan natin" paliwanag ni Calvin. "Marami daw pag-uusapan"
"So tara na.." yung Jairu sabay tingin kay Leeford. Hayyyssss Salamat makakagala narin ako ng solo sa wakas!
"Tinatamad ako.." biglang sabi ni Lucario! "Kayo nalang muna" malungkot na yuko niya na patuloy sa pag haplos sa likuran ng pusa niya.
Nagkatinginan naman yung dalawa, nagkibit balikat nalang si Tomboy.
"Aaa okay lang.." biglang singit ni Calvin. "Atleast two representative daw each group ang pwede umattend.."
"Pagbigyan na natin yung isa.. Birthday naman ngayon eh" yung Jairu na tumayo na nang tuluyan sabay bitbit sa skateboard niya. Ganun din si Calvin.
"Lee.." tawag nung Calvin kay Lucario. Tumingin naman si Leeford. "Kame na bahala ni Jai.. Kwentuhan ka nalang namin bukas dun sa pagmemetingan"
Tumango nalang si Leeford.
Tuluyan na ngang naghanada yung dalawa sa pag-alis. Hala bat silang dalawa lang dapat ako rin! Inayos ko narin ang sarili ko.
Nakita kong lumapit yung dalawa kay Lucario at kapwa nila tinapik ito sa likuran. "Happy Birthday Pre.." bati ng dalawa kay Lucario.
"Una na kame.." si Calvin.
"Ingat kayo.." Wow nagsalita na si Lucario!
"Pre don't Worry itetext karin niya.." pahabol pa nung Jairu bago tuluyang lumapit kay Calvin.
Ako naman ay tumayo narin para magpaalam narin.
"Hoy Dinosaur.." biglang tawag ni Tomboy! King Ina Dinosaurrrr talogoooooo?
"Po.." sabi ko.
"Saan ka pupunta?" tanong niya. "Ikaw na bahala diyan sa Lucario mo aaa" nakangising bilin niya.
ANO?!
"Po?"
Pero umalis na ang mga ito. Anong sinasabi nun? Ano ako alalay.. Gumala at Mage enjoy ang pinunta ko dito! Hindi ang magpa-alila sa isang Simpleng manyakis na may alagang puting pusa!
"Ahhh ano.." parang naiilang na pagsisimula ko. "Huy alis na rin pala ako aa?" sabay hakbang ko paalis. "Happy Birthday nalang ulit"
Yes!
Sabay lakad ko na.... Haist, biglang may humawak nanaman sa kamay ko! Paglingon ko ay siya nga yung nakahawak.
"Hindi mo ba naringig yung sinabi nila?" biglang tanong niya sa akin.
"Ahh naringig.." kinakabahan kong sagot.
"Yun naman pala eh" bigla niyang sabi sabay tayo ay kuha sa pusa niyang alaga. Nagulat ako ng ibigay niya sakin yung pusa! "Pahawak muna.."
Nakita kong tinignan ako ng pusa niya, bago kumalma at parang naging komportable narin sa akin. Kaya naman agad ko itong inakap--- Ang cute niya.
Medyo makapal kase ang balahibo kaya ang cute rin alagaan. May Bell din siya na nakakwintas sa leeg niya.
Nakangiti akong nakatingin sa pusa habang hinihimas ko na rin ito.
"Gusto ka narin niya" biglang pagsasalita ni Lucario na. Nakabag na.. Naka headphone na ulit at bitbit na niya yung Skateboard niya. "Tara na.."
Napatulala ako. Sinong inaalok niya? Ahhhh alam ko na! Siguro itong pusa niya gusto na niyang Kunin!
"Hey Pusa.. alis na daw kayo ng Amo mo" sabay abot ko kay Lucario sa pusa niya.
"Sabi ko tara na.."
"Ha?" nang di niya kunin yung pusa.
Humarap siya sa akin at idinutdut niya nanaman ang malibog niyang daliri sa ilong ko! "Diba date kita ngayon? Kaya igagala mo ako dito" sabay libot ng tingin niya sa paligid. Parang masaya nanaman siya ulit!
"Ano bang sinasabi mo?" taas kilay kong tanong.
"Kaylangan ko pa bang sagutin yan?"
"Oo!"
"Tss.." siya sabay ngisi at lapit ng mukha niya sa mukha ko. "Gusto mo lang kiligin ee" Ang kapal ng Mukha ng King Ina! Pero nagulat ako ng biglang sumeryoso ang mukha niya. "Malungkot ako ngayon.." pagsisimula niya. "So please kahit ngayon lang.. Don't leave me.."
Sa itsura niya ngayon ay halata ang lungkot talaga sa mata niya.
"Please don't leave your Lucario"
Duhhh.
(^__,,^)♥♥♥
IBA NA ITO AAA..
~ ITUTULOY ~
Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!
- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)