By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ---------------------------- Alas-9 ng gabi nang kinatok ko si Kuya Rom sa kwarto niya. Dala-dala ko ang isang karton na naglalaman ng mga gamit na ibinigay niya sa akin kagaya ng white gold thumb ring niya, gold bracelet, ang mga pinatuyong rosas. Napagdesisyunan ko na kasing isauli na lang ang mga ito at turuan ang sariling tanggapin ang lahat, limutin siya at mag move-on. Napagisip-isip ko rin na napakarami nang pinagdaanan kong hirap sa relasyon namin at hindi naman siguro patas na ako na lang ang palaging nagdurusa. Nakakapagod; hindi ko na kaya. Hindi kaya manhid o bato ang puso ko upang hindi makaramdam ng sakit o pagod. Isisiksik ko na lang sa isip na isa na lang siyang pangarap. Maigi na ang ganoon para at least, al
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


