Chapter 2

1541 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------- Hindi ko lubos maintindihan ang aking naramdaman sa ginawa ni Kuya Rom na pagdiin ng hita ko sa ari niya. Ewan kung tulog pa rin siya ngunit ramdam kong ikinakanyod-kanyod pa niya nang marahan ang harapan niya sa hita ko. Patay-malisya lang ako. Kunyari ay tulog ako. Ramdam ng hita ko ang kumikislot-kislot niyang p*********i. Habang nasa ganoong sitwasyon ako, pakiwari ko ay nagsitayuan naman ang mga balahibo ko sa katawan at lumakas ang kabog ng aking dibdib sa di-maipaliwanag na dahilan. Kaya tumihaya na lang ako. Ngunit tumagilid si Kuya Rom paharap sa akin at idinantay ang kanyang hita sa aking harapan, ang isang kamay ay ipinatong sa dibdib ko. Sa pagtagilid niyang iyon, dumampi rin sa tagiliran ko ang kumikislot-kislot pa rin niyang p*********i, at sa pagdampi ng hita niya sa umbok ng p*********i ko, ramdam ko ang unti-unting pagtigas nito. Hindi ako kumilos, hinayaan ko na lang ang kung ano ang sunod niyang gagawin. Maya-maya, inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko at lumapat sa balat ko ang mga labi niya. Dinig na dinig ko ang paghinga niya, ang bugso ng hangin na lumalabas at pumapasok sa baga niya. At ewan kung nagkamali lang ako, pero parang naramdaman kong hinalikan niya at inaamoy-amoy ang leeg ko! Ilang minuto kami sa ganoong posisyon. Maya-maya, tumalikod na ako, inilagay sa isip na tulog lang iyong tao at hindi alam ang kanyang ginagawa. Ngunit kahit noong nakatalikod na ako, naramdaman kong hinigpitan ni Kuya Rom ang pagyakap niya sa akin, at ang umbok niya ay ikinadyot-kadyot pa sa likuran ko. Nakiramdam pa rin ako at naghintay na baka hihinto rin siya. Huminto rin naman siya. Ngunit mag-uumaga na lang ay hindi na ako dinalaw pa ng antok. Kaya ang nangyari kinabukasan, talo ang team sa laro namin. Ako ang nasisi dahil ang mga bigay ko raw na bola sa spikers ay puro sablay at nahirapan silang pumalo. “Ano ba kasi ang nangyari sa iyo, ‘tol at palpak ang mga bigay mo? Magaganda naman ang pasa namin sa iyo ah. Hindi naman ganyan ang mga laro mo sa practice natin. Putsa naman o...” ang paninisi sa akin ni Kuya Rom. “Sige, sige, sisihin nyo pa ako. Next game, h’wag niyo na ako palaruin ha?” Ang sagot kong may bahid ng pagtatampo. “Hindi naman sa ganoon, ‘tol. Ito naman, nagtatampo kaagad. Tinanong lang kita kung anong nangyari sa iyo,” ang pang-aamo naman niya sa akin. Tinitigan ko siya, ang mga mata ko ay may bahid na paninisi. Gusto ko sanang sabihin sa kanyang, “Hindi ako nakatulog kagabi dahil may ginawa ka sa akin!” Ngunit sinarili ko na lang iyon. “O… ba’t ka ganyan kung makatingin sa akin? Ano ba ang problema? May… kinalaman ba ako d’yan?” ang tanong niya. Yumuko na lang ako at padabog na sumagot. “Wala!” “Di nga… sabihin mo nga sa akin kung anong nagawa ko? Meron ba? Ha?” “Wala nga!” Ang sigaw ko, sabay ismid at bulong sa sarili. “Kulittt!” Napakamot ng ulo si Kuya Rom. “Hirap maintindihan nito… O sige na nga, bukas may laro tayo, pag-igihan mo ha? Wag ‘yang ganyang tatanga-tanga! Kapag natalo pa uli tayo, lagot ka sa akin.” sabay tampal sa pwetan ko. Sa pagkabigla, itinakip ko ang mga kamay ko sa puwetan sabay lingon sa kanya, ang mga mata ay may bahid ng pagbabanta. “Arekoppp!” Ewan ko rin ba kung para sa kanya ay walang malisya ang pagtampal niyang iyon sa puwetan ko. Ngunit dahil sa ginawa niya sa akin nang nakaraang gabi habang tulog kami, hindi maiwasang hindi sumagi sa utak ko ang malisya. “s**t! Pinagtripan yata ako nito!” ang bulong ko na lang. “Anong sabi mo?” tanong niya kaagad noong mapansing may sinabi ako, ang boses ay matigas. “Wala! Sabi ko, ‘opo’ Iyon lang po!” ang sagot kong pabulyaw na sinabayan ng pag-walkout. Napailing na lang si Kuya Rom. “Hoy! Saan ka pupunta? Baka mabugbog ka d’yan. Hoyyy!” ang narinig kong sigaw niya na tila tumatakbong hinahabol ako. Marahil ay napansin niyang hindi sa direksyon ng quarters namin ang tinumbok ko. Gabi na rin kasi iyon kaya siguro nag-alala na baka kung saang lugar ako mapunta, o kaya’y mapaano sa lugar na hindi namin parehong kabisado. Ngunit di ko siya pinansin at tumakbo pa ako. Ang totoo ay gusto ko lang namang magpalabas ng sama ng loob sa pagkatalo ng team at sa paninisi ni Kuya Rom sa akin, imbes na kampihan ako. Ang tinumbok ko ay ang ilog. Nakita ko na ang ilog na iyon nang dinaanan ito ng aming service patungo sa aming quarter. At dahil full moon naman at alam kong hindi ako pabayaang mag-isa ni Kuya Rom kaya malakas ang loob kong tumbukin ang lugar. Noong makarating na ako, biglang pumasok sa utak ko ang maghubad, ang mga damit pati na ang brief ay inihagis ko na lang sa batuhang gilid ng ilog. Dali-dali akong sumuong sa tubig. “Hoy!!!” Ang sigaw ni Kuya Rom na nasa likod ko na pala. “Weeeehh! Lika Kuya, ligo tayo!” ang panunukso ko, kampanteng lulusong din siya sa tubig habang patuloy pa ako sa pag-usad patungo sa gitna ng ilog. Ngunit hindi pinatulan ni Kuya Rom ang udyok ko. “Hoy! Pag hindi ka umalis d’yan, iiwanan na kitang mag-isa rito!” ang sagot niyang may bahid na pananakot, sabay talikod. Babalik na sana ako sa dalampasigan noong naramdaman kong lampas-ulo na pala ang lalim ng bahagi ng ilog na narating ko. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Naramdaman ko na tinangay ako ng agos at parang may humihigop sa akin papuntang ilalim ng tubig. Sobrang kabog ng dibdib ko at hindi makahinga. Matindi ang pagkataranta ko hanggang sa naramdaman ko na lang na pumapasok na ang tubig sa aking lalamunan. Sa pagkakataong iyon, ang nasa isip ko ay kamatayan. Iyon ang huli kong natandaan. Ngunit kung gaano kabilis ang pagkawala ng malay ko ay siya ring bilis ng pagbalik nito. Noong naubo ako at isinuka ang tubig, ang unang bumulaga sa mga mata ko ay si Kuya Rom na nasa gilid ko at ang dalawang palad ay pina-pump ang dibdib ko. Naka-jeans lang siya, basang-basa, walang saplot pang-itaas at halatang nininerbyos. “Uhu! Uhu! Uhu! K-uyaa?” Ang nasambit ko, habol-habol ang paghinga. Sa pagkakitang gumalaw at nagsalita ako, bigla run niyang ibinagsak ang katawan sa batuhan, sa tabi ko. Marahil ay sa sobrang kagalakang na-revive niya ang malay ko. Pagkatapos, bumalikwas siya at sinasamapal-sampal ang mukha ko na parang gigil na gigil. “Tado ka… tinatakot mo ako, tangina! Di ka pala marunong lumangoy, ang lakas ng loob mong maligo d’yan?” turo sa ilog. Patuloy pa rin ako sa pag-ubo at pagsuka ng tubig. Noong tila mahimasmasan na at unti-unting napawi ang hilo, takot, at kaba, napansin kong hubo’t-hubad pa pala ako. Ngunit di ko na binigyang halaga pa iyon. Tumihaya ako sa tabi niya, hindi gumalaw, hinayaang tuluyang mapawi ang kaba at ang panghihina ng katawan, ang mga mata ay nakatutok sa buwan. “S-sory Kuya… Kala ko kasi maliligo ka rin eh.” “Kung hindi kita naagapan e, di patay ka na sanang tarantado ka!” ang galit niyang sabi. “S-sorry na Kuya. H’wag ka nang magalit, o...” “Sorry? Iyon na lang iyon?” Napaisip naman ako sa sagot niyang iyon. At sa kaiisip ko, nanumbalik muli ang inis ko sa kanya sa kanyang paninisi sa akin. “E... di salamat. Utang ko sa iyo ang buhay ko. Ano pa ba? Meron pa ba akong puwedeng gawin?” Ang sarcastic ko namang tugon. Pakiramdam ko napawi ang galit ni Kuya Rom sa akin noong marinig niya ang pagbanggit ko sa sa salitang “utang ko ang buhay ko sa kanya”. Tinitigan niya ako at binitiwan ang isang nakakalokong ngiti. Ewan ko pero parang may bahid malisya ang ngiti niyang iyon. In fairness, noon ko lang din nasilayan nang maigi ang mukha ni Kuya Rom. Ang guwapo pala talaga. No wonder na ang tawag sa kanya ay “crush ng bayan.” Makinis ang mukha, mapupula ang mga labi, matangos ang ilong, ang ganda ng mga mata na kung ngumiti ay parang may susundot sa puso mo at parang lulutang ka sa ikapitong alapaap. Nginitian ko rin siya. At ewan ko rin kung anong epekto mayroon sa kanya ang ngiting iyon. Hindi naman sa pagmamayabang, marami rin namang nagsabi sa akin na pamatay daw ang ngiti ko. Ayaw ko nang i-elaborate ngunit iyan ang kadalasang naririnig ko lalo na sa mga kababaihang ka-klase ko. Nabigla na lang ako noong biglang hinablot nang pabiro ni Kuya Rom ang basa ko pang buhok, tila nangigigil sabay sabing, “May bayad ang utang mo sa akin na iyan. Kaya kapag may ipagagawa ako sa iyo, dapat ay sundin mo. Nagkaintindihan ba tayo?” “Ha? At ano naman ang ipagagawa mo? Baka mahirap kuya, di ko kaya...” “Syempre, kayang-kaya mo.” Nag-isip siya nang sandali. “Okay... Sa ngayon, kiss muna!” Sabay turo ng daliri niya sa pisngi. “Kuya Rom ha...” ang pag-aalangan kong sabi. ”H-hndi ako bakla ah! Ayoko niyan, iba na lang.” “Aba't...! Bakit, may sinabi ba akong bakla ka? Kiss sa kuya... daliiii!” Utos niya. Dahil ayaw ko rin namang ma-disappoint siya, “E, di e-kiss!” ang pagmamaktol ko, sabay kiss sa isang pisngi niya. “Mwah!” “Kabila!” Utos naman niya, turo ulit sa kabilang pisngi na itinapat na sa bibig ko. Hindi na ako kumibo at kiniss ko na naman iyon. “Mwah!” Doon na tila nabagsakan ng malaking bato ang ulo ko nang ang sunod niyang utos ay, “Ibaba mo ang zipper ng pantalon ko...!” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD