Althea's POV Isang linggo na ang lumipas simula nang mangyari 'yong sa rooftop. It shouldn't bother me, but it did. Hindi ko lubos maisip kung bakit niya 'yon ginawa at bakit hinayaan ko siyang gawin 'yon. Ngayon din ang araw na dadalaw kami sa Magical University. Magkakasama kaming buong grupo sa isang kotse. Nag-uusap sila habang ako ay tahimik lang. Napansin naman nila ang pagiging tahimik ko lately. Gusto kong sabihin na kasalanan 'yon lahat ni Isaac. s**t. "Althea, ang tahimik mo nanaman. May problema ka ba? You can open it up to us," sabi ni Cath. Agad naman akong umiling. Kadalasan kapag may problema ako ay sa akin lang. Ayaw kong sinasabi sa iba dahil wala rin naman akong kaibigan. "Ayos lang ako." Madaling araw kaming umalis sa Academy dahil kailangan daw naming pumunta nang

