Chapter 1: Her Darkest Side

1207 Words
Althea's POV "You're nothing, loser!" "Disgusting nerd!" "Ugly duckling!" Those are the names that they keep on calling me. Sinanay na nila ako sa ganito kaya hindi na bago sa akin. I know I'm disgusting. Hindi ba nila alam na kung ayaw nila sa akin, e mas ayaw ko sa sarili ko? Tsk. "You're so ugly, Althea!" sigaw sa akin ng kaklase kong si Mary. Tiningnan ko lang siya habang nakaupo siya sa table ng teacher namin. Her skirt is four inch above the knee na hindi puwede sa school namin pero parang wala siyang pakialam. Her name doesn't fit her. Mary my a*s. I'm sitting in the last row in the classroom. Sinusubukan kong umiwas sa mga tao, pero sila pa ang lumalapit sa akin para guluhin ako. Lalo na si Mary.  They think bullying me will change the fact that I don't give a damn to anyone? They're bullying me because of my eyes and my physical appearance. Of course anyone will wonder why my eyes are different. My left eye is golden yellow, while my right eye is green. I tried so hard to hide it with contact lense pero bigla na lang umiilaw ang mata ko kapag naglalagay ako no'n. Kaya tinakpan ko na lang ng bangs.  Eighteen years na akong namumuhay na ibang-iba sa mga ordinaryong tao. At sa loob ng eighteen year na 'yon, nawalan na ako ng pakialam sa mga tao. Ayaw ko ng magpapasok ng mga tao sa buhay ko dahil patuloy nilang sinisira ang tiwala ko. Natatakot din ako sa puwede kong magawa sa kanila.  "Nanahimik ka yata?! Sa lahat ng nerd dito sa school, ikaw ang pinakapangit!" sigaw ni Mary sa akin. Nasanay na rin ako sa ugali niya. Kaya lang naman ako nandito sa lugar na ito ay dahil scholar ako ng may-ari.  Buti na lang at hindi niya nakikita ang mga mata ko na nanlilisik na sa gigil sa pagmumukha niya. Pasalamat na lang siya at mapagpasensiya akong tao. "Titingin ka na lang ba riyan, huh?!" Hindi ko magawang sumagot. I never speak to them. As in never. Weird? Yeah! That's me.  "Parang walang naririnig, a!" one of my classmate said. "Can you just open your mouth?! You're such a freak!" sabi ni Mary dahilan para magtawanan ang mga mapanghusga kong kaklase. Bumuntong hininga ako. Bakit ba kasi ang tagal ng teacher? Hindi ba puwedeng pumasok sila nang maaga para matapos na ang ginagawa ni Mary? Forget it. I'll skip my subject for now. Mukha rin namang hindi na darating ang teacher namin. Uuwi na lang ako. Tumayo ako sa kinauupuan ko at inayos ang gamit ko. "Althea!" Napaharap ako ng tingin kay Mary na nakangisi sa harap ko. May hawak siyang bote, sa sobrang bilis ng pangyayari ay nabuhos na niya sa akin ang laman no'n na tubig. Ang tawanan ng mga kaklase ko ang nangibabaw sa classroom. I let out a deep sigh. Napakagat ako sa aking labi at pinagpag ang suot kong uniform na ngayon ay basang-basa na. I got my bag and walked away. Aalis na lang ako kaysa marinig ang pagtawa nila dahil nakikita nila kung paano ako mapahiya.  "And where do you think you're going?" Humarang sa harap ko si Mary with her filthy smirking lips. f**k this b***h for ruining my life everyday. "Leaving," sagot ko. Unang beses kong magsalita at kausapin sila ngayong linggo. She smirked again. Napairap na lang ako. Hindi rin naman niya makikita dahil sa mahaba kong bangs. "Leaving? I will report you for ditching our class, Althea." Before I forgot, siya nga pala ang Class President. She manipulated the votings. She wants the power to rule and be on top. Para i-bully niya ang mga taong alam niyang hindi lumalaban sa kaniya. "Report her! Report her!" Pangungutya ng mga kaklase ko. They think this is funny? Ang kikitid talaga ng mga utak nila. "I'm leaving," I said with my cold voice. Isa lang ang gusto kong ipamukha sa kanila sa mga oras na ito, I'm starting to get piss. Mary made face. "Our poor ugly nerd is leaving! Not yet you're not." Nagsmirk pa siya. Hinawakan naman ni Mary ang buhok ko at pinaglaruan 'yon. Sa sobrang gigil ko, hinawi ko ang kamay niya at umalis na. Pero sinundan pa rin niya ako at ang mga kaklase namin na walang ginawa kun'di pagtawanan ako. Screw them. "Hey, geek!" Napahinto ako at bahagyang napapikit nang tumama sa ulo ko ang libro na hinagis ni Mary. While my eyes are close, I'm hearing every laughs na ginagawa nila.  Naikuyom ko na lang ang palad ko at bahagyang lumingon sa kanila. "Stop," mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nila. Sinubukan kong magpanggap na hindi ko naririnig ang mga tawanan nila. Lalakad na sana ako nang may tumama na libro nanaman sa ulo ko. "You, ugly geek! You don't belong here! Ulila!" Nang marinig ko ang huli niyang sinabi sa akin ay roon na ako tila nanggigil. That's it! They are below the belt. Naikuyom ko ang palad ko. I faced them. Napahinto sila sa pagtawanan at pagsabi ng masasakit na salita sa akin. They looked at me with their asking face. "I said stop," bulong ko. Pagod na ako. I'm tired of their words. Matigas ang puso ko pero tao rin ako.  Nagngitngit ang ngipin ko sa galit. Kasabay nang paglakas ng hangin galing sa labas ng school. A cold air that gives shiver down my spine. Nangyayari nanaman ang mga pangyayari na pilit kong iniiwasan. Ang pilit kong tinataguan. This is why I hate myself when I'm mad. "What's happening?" nagtatakang tanong ng isa kong kaklase. I'm just standing there. Looking at them kahit alam kong hindi nila nakikita ang sumpa kong mga matang umiilaw na nang mga oras na 'yon. My cursed eyes that keep giving me a nightmare. Ang matang kapag umiilaw ay nagdadala ng kapangyarihan sa akin.  "Mary! Your hair, it's rising up!" sigaw ng kaklase kong si Jackie kaya napatingin silang lahat kay Mary. I'm just looking at Mary with my piercing gaze. Patuloy sa pagtaas ang hibla ng kaniyang buhok. "What's happening to me?!" sigaw ni Mary kasabay ng paghila ng hangin sa buhok niya sa iba't ibang direksyon ng hallway. "Help me, please!" sigaw niya habang patuloy pa rin ang pagwasiwas ng hangin sa buhok niya. "Mary!" sigaw ng mga kaklase kong walang magawa kun'di tingnan ang presidente nilang hinahawi ng hangin. "What's happening? Somebody, help her!" sigaw ng kanang kamay ni Mary. Patuloy pa rin sa pagsigaw ang mga kaklase ko. I'm just standing there, emotionless. But something flash in my mind. "You're not curse." Boses ni father Kynlee ang nagpatigil sa akin. Napahakbang ako nang bahagya kasabay nang paglaglag ni Mary sa sahig. Puro pasa ang kaniyang katawan dahil sa nangyari at dumurugo rin ang kaniyang ulo. "Help her!" sigaw ng secretary namin. Lumapit lahat sa katawan ni Mary na nakahiga at walang malay na nakahandusay sa sahig.  Napapikit ako. I did this. Ito ang pinakaayaw kong mangyari. When I'm mad, I can kill anyone. And I hate myself for that. "What did you do to her, geek?!" sigaw nila sa akin. Gusto kong sabihin sa kanilang wala akong kinalaman sa nangyari kay Mary. Pero alam kong ako ang may gawa no'n. Tumalikod ako sa kanila at tumakbo paalis doon habang pinipigilang umiyak.  I'm a monster. Nang makarating ako sa park ay napaupo ako sa damuhan. I looked at my hands. This is my darkest side that I've been hiding all along.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD