PROLOGUE

200 Words
Sa mundong hindi nya kinabibilangan. Lahat ng tao'y sa kanya ay kumakalaban. Tila buong mundo’y sa kanya ay nakapasan. Ang tanging kakampi nya'y pamilya't, kaibigan lang. Na hindi sya iiwan kahit kailan man.   Nadapa man ay babangon pa rin. Nahirapan man ay lalaban pa rin. Dahil ang pagsuko’y hindi mo ikakapanalo kahit iyong hangarin. Dahil kung malinis ang iyong hangarin, patuloy kang bibiyayain.   Pero lingid sa kanilang kaalaman. Sya pala ay makapangyarihan sa kahit na sino 'man. Sa mundong kanyang kinabibilangan. Maraming tao sa kanya ay nangangailangan.   Hindi nababase ang lakas mula sa kaanyuan. Hindi nababase ang kapangyarihan base sa kung anong natutunghayan. May mga bagay ka pang hindi nalalaman. Dahil sya ay tinitingala ng kahit sino man.   Lingid sa kanyang kaalaman. Sya pala'y galing sa nakaraan. Maalamat kung sya ay ituran. Dahil ang kanyang kapangyarihan ay hindi matutumbasan.   Ang mundong kanyang kinabibilangan Kanya ba ay maliligtas sa kasamaan? O, patulo'y syang magpapaapekto at mapanghihinaan. Kanya bang kapangyarihan ay madadagdagan? Kanila bang mundo ay mabibigyan ng kapayapaan? O, patuloy na sila ay mahihirapan?   Tunghayan ang kwento ng hindi ordinaryong tao. Hindi ordinaryong elementada. Dahil sya ang maalamat na prinsesa.   LEGEND OF THE GOLDEN HAIR (Legend I)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD