"Ano? Nalinis na ba nila ng maayos ang kalat ko?" tanong ni Zeus kay Chris. Agad naman tumango ito. "Oo, boss. Grabe ang ginawa mong pagpatay kay Stella, ha. Sabog ang mga utak sa lupa eh. Basag na basag ang bungo." Mahinang tumawa si Zeus. "Nanggigil kasi ako sa babaeng iyon. Napakakapal ng pagmumukha. Kung hindi na lang sana siya nagpakita pa sa akin at nanggulo, buhay pa sana siya ngayon. Eh wala, kulang sa pansin kaya dapat lang sa kaniya ang manahimik." Tumawa si Chris. "Sabagay. Siguro kahit ako rin eh mapapatay ko ang babaeng iyon." Ngumisi si Zeus. "Wala naman na akong pakialam pa sa kaniya. Si Veronica lang ang mahal ko at wala ng iba. Kaya kahit sobra kong minahal si Stella noon, wala na iyon ngayon. Kaya ang kapal ng pagmumukha niyang isipin na mahal ko pa siya." "Akala ko

