"Love...aalis na muna ako. Maiwan na muna kita," sambit ni Veronica sabay ayos ng kaniyang gamit sa bag. Napabalikwas ng bangon si Zeus. "Ha? Love? Bakit! Saan ka pupunta? Bakit mo ako iiwan?" Kumunot ang noo ni Veronica. "Ha? Anong pinagsasabi mo diyan? Buang ka na ba?" Napalunok ng laway si Zeus kasabay ng panginginig ng kaniyang laman. Gusto tuloy matawa ni Veronica sa itsura ni Zeus. "Ha? Saan ka ba kasi pupunta? At bakit kailangan mo pa akong iwan?" Malakas na tumawa si Veronica. Natatawa siya sa itsura ni Zeus. "Ano bang nangyayari sa iyo? Alangan namang isama kita eh magbo- bonding lang kami ni Valine? Syempre ang awkward naman no'n kung kasama ka. Kung gusto mo eh maggala kayong dalawa ni Chris." Lumamlam ang mga mata ni Zeus. "Ah ganoon ba? Sige...ayos lang. Mag- iingat kay

