IKA LABING-ISANG KABANATA

1023 Words
IKA LABING-ISANG KABANATA MAINGAT na binuksan ni Ramon ang pinto ng silid ng hotel kung saan sila pansamantalang magpapalipas ng gabi. Maluwag nitong binuksan ang at hinayaang makapasok si Megan. "Kailangan na natin makapagpalit para makapagpahinga ka na rin," sabi sa kaniya ni Ramon nang tuluyan silang makapasok sa loob. Ngumiti siya sa binata. Sinundan niya lang ito ng tingin nang ilagay nito sa isang tabi ang maleta nitong nabasa rin ng tubig-ulan. "May extra t-shirt na nilagay dito sa bag ko si Leonora. You can used it," aniya pa nito. Pinakinggan lang ito ni Leonora, alam niyang hindi naman bukal sa loob ng binata ang magsama sila sa iisang silid. Pero tulad nga ng sinabi nito kanina, wala na itong magagawa pa. Kaysa naman ang isa sa kanila magpalipas ng gabi sa lobby ng hotel. "Salamat. Nag-abala ka pa tuloy, wala naman nakakaalam na mangyayari 'to," sabi niya rito. Pinili niyang umupo sa isang may kahabaang sofa paharap sa lalaking nasa tabi lang ng pinto. Sa hinuha niya banyo iyon--- sa gilid ni Ramon nandoon ang may kalakihang kama at nasa tabi naman ang intercom, may malaking t.v din ang silid na iyon. "Teka. Hahanapin ko lang ang damit na nilagay dito ni Ate Leonora mo, para may magamit ka." Paluhod na umupo si Ramon at binuksan ang maleta nito. Hindi halos naaalis ang tingin niya rito. Naisip niyang kahit basang basa na ito at stress na dahil sa panahon, lumalabas pa rin ang pagiging makisig ng binata. Wala itong tulak kabigin. Totoo lahat ang sinabi sa kaniya ni Leonora--- lahat ng kwento nito sa kaniya kahit bago pa lamang silang magkasintahan ay angkop sa kung ano man ang nakikita niya kay Ramon. Maginoo. Magalang. Mabait. Makisig. Lalaking lalaki si Ramon. Malayong malayo ito sa lahat ng lalaking nakilala niya, ibang-iba, 'ika nga. "Ito. Medyo maliit lang 'to pagtyagaan mo na lang muna, Megan. Isang gabi lang naman tayo dito malamang bukas makakauwi ka na rin at makaka-alis na rin ako." Tinanggap niya ang binigay nito sa kaniya. Isa itong itim na t-shirt at jogging pants. "Mauna ka na magpalit," mungkahi nitong hindi niya naman sinaklawan. Tumalima na siya matapos magpaalam kay Ramon. Ngayon ang iniisip niya kung paano ang panloob niyang damit? Malamang basa rin ang bra at panty niya. Alangan naman pati 'yon ay hiramin niya pa sa binata. Hinubad ni Megan ang suot niyang crop top at ang paldang maiksi niya. Hindi naman sobrang nabasa ang panty at bra niya, pwedi pa naman iyon pagtyagaan hanggang mag-umaga. Wala sa sariling inamoy niya ang t-shirt na pinahiram sa kaniya ni Ramon, may nakatatak na i love Baguio. Sino kaya ang kasama nitong pumunta ng Baguito? Tumakbong tanong sa isip ni Megan. Hindi naman siguro si Leonora, dahil kung ang kapatid nya ang kasama nito malamang nakita niya na 'yon sa social media ng ate niya. Pero hindi, never niya pa naman nakita ang mga itong namasyal. Madalas nasa mall lang ang mga ito--- sa dami ng mall na pinupuntahan ng mga itong magkasama, hindi niya na halos maalala kung saan. Isa pa 'yon sa kinakasama ng loob niya. Halos lahat pwedi kay Leonora, samantalang siya? Bahay at paaralan lang. Masyadong mahigpit sa kaniya ang mama niya at ang naging tatay niya, minsan nga iniisip niya na lang na nagpalit na lang sila ng buhay ni Leonora--- sana kaniya pa ngayon si Ramon. Napatikhim si Megan. Sino ba ang nagsasabing hindi kaniya si Ramon? Hindi nga kasama niya ito ngayon? Napalunok siya sa mga naisip. "M-Megan? M-Megan? Okay ka lang ba? Hindi ka kasi umiimik d'yan. Ayos ka lang?" Napakislot si Megan sa boses na nagmula sa labas walang iba kundi si Ramon. Ano kaya kung magkasintahan silang totoo ni Ramon? Hindi lang siguro iyon ang sayang nararamdaman niya. Huwag kang mag-alala, Megan. Wala ka naman hinihiling na hindi mo nakuha. Malay mo pagkatapos nito--- magbago ang isip niya, mga salitang tumatakbo sa isip ni Megan. Napapangiti na lamang siya. Sang-ayon kasi sa kaniya ang lahat. Wala siyang hiniling sa araw na 'yong hindi binigay sa kaniya. "Nagbibihis na, Zach. Palabas na rin ako," sagot niyang pasigaw dito. Naghugas lang si Megan, kasabay ang hilamos dahil sa nararamdamang lagkit sa katawan niya. May dalawang tulya d'on sa loob at pinili niya ang manipis lang. Wala siyang choice kundi sinuot ulit ang panty niya at ang bra na may kaunting basa rin. "Sorry. Natagalan yata ako, Zach," sabi niya kay Ramon nang lumabas siya. Nakaupo ito sa sofa kung saan siya kanina nakaupo. May bitbit na itong damit pampalit nang lumabas siya. "Akala ko nga nakatulog ka na," natatawang sabi sa kaniya ni Ramon. Paano naman siya makakatulog kung ang gusto nya maging katabi ay nasa labas? aniya ng makulit niyang isip. "Hindi naman. Basa kasi 'yong ano ko--- uhm." "Ah okay. Sigi ako na muna. Kung gusto mo nga palang kumain, you can call them may number at menu sa desk tiningnan ko kanina habang nasa loob ka," pag-agaw ni Ramon sa mga sasabihin niya sana. Hindi niya tuloy nasabi ditong basa ang panty at bra niyang gusto niyang sabihin kaya siya natagalan. Natatawa na lang si Megan, halata kasi ang pag-iwas ni Ramon. Hindi nito maitatanggi sa reaksyon nito, alam niya ang ibig sabihin. Sabagay--- sino ba naman ang lalaking makikiusisa pa sa ginawa niya sa loob? Kung mayroon man malamang hindi ito si Ramon. Mas lalo tuloy nakaramdam ng kakaibang damdamin si Megan sa puso niya para sa lalaking kakapasok lang sa loob. Napalunok siya sa mga naisip. Hindi niya dapat isipin ang mga bagay na 'yon alang-alang kay Ate Leonora niya, pero ang hindi niya maintindihan mula nang pumasok sila ni Ramon sa hotel na 'yon, hindi na mawala sa utak niya ang posibilidad na may kakaibang mangyari sa kanila ni Ramon. Who knows? Baka ito rin ang tumatakbo sa isip ng binata. May matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Megan. Tama siya--- wala nga naman makakapagsabi kung ano'ng mangyayari sa kanila sa gabing 'yon, malayo pa ang umaga marami pa ang pweding mangyari sadya o hindi man nila sinasadyang dalawa. "I will be ready, Zach."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD