ANG SIMULA

1010 Words
"LEONORA.. LEONORA.." Napalingon si Leonora sa boses na nagmumula sa likuran niya, walang iba kundi si Megan. Humahangos na papalapit sa kaniya ang nakababata niyang kapatid sa mama nila. "Aalis ka na ba talaga?" tanong nito sa kaniya nang makalapit ito sa gawi niya. Tumango-tango siya dito, may lungkot sa mga mata niya. Ngayon kasi ang luwas nila papuntang Manila para sa nalalapit niyang kasal. "Babalik naman ako dito, Megan. O, kung hindi man ipapaalam kita kay mama para ikaw naman ang magpunta ng Manila, " sabi niya dito. Bata pa lamang sila malapit na sila sa isa't isa ni Megan. Kahit hindi sila totoong magkapatid sa am, walang nakakahadlang sa pagiging malapit nila sa isa't isa. Madalas siyang umuwi dito sa bayan ng Marinduque kung saan lumaki si Megan, at nandoon siya ngayon para personal itong imbitahan sa kasal niya sa katipan niyang si Ramon. Iyon nga lang sadyang mahigpit ang daddy ni Megan, kaya hindi siya nito pinayagan. Magtatapos na raw siya sa kolehiyo bilang nurse kaya huwag daw muna siyang gagala kahit saan. May paniniwala kasi ang mga itong, malalagay sa panganib ang buhay ng isang tao lalo na kung may ipagdidiriwang ito. Hindi naman kumontra si Leonora, hinayaan niya na lang ito. Gayunpaman ito pa rin ang magdedesisyon, kahit gusto man ng mommy at daddy niyang nandoon si Megan--- wala na silang nagawa. "Basta tumawag ka kaagad sa akin kung papayagan ka na. Gusto kong kasama ka sana, Megan. Para ikaw na lang sana ang maging maid-of-honor ko, " may lungkot sa mga matang sabi niya dito. "Huwag kang mag-alala, Leonora. Pag nakapagtapos na ako at payagan na ako ni mama, pupuntahan kita agad. Gusto ko rin makarating ng Manila at makagala 'no--" "Makagala lang?" sagot niya ditong kunwa nagtatampo. Tinawanan lang siya nito at hinawakan ang dalawang kamay niya. "Masaya ako para sa'yo, Leonora. Sana huwag ka pa rin magbabago kung may asawa ka na, sana ikaw pa rin yong ate ko, pero madalas kaibigan lang talaga turing natin sa isa't isa--" Napangiti si Leonora kay Megan. Tama ito. Parang hindi naman magkapatid ang turing nila sa isa't isa, dahil madalas halos magkaibigan lang talaga sila. Kapwa rin kasi sila walang kapatid sa bagong pamilya na mayroon ang mama nila at ang kaniya-kaniyang tunay nilang ama. "Huwag kang magpapasaway kay mama at sa papa mo. Baka tuluyan ka ng hindi makapunta ng Manila pag nagkataon." "Naku! Wala ka bang tiwala sa akin? Mabait ka lang ng kaunti sa akin, pero mas magalang naman ako sa'yo. Tingnan mo nga mauuna ka pang mag-asawa--" "Nasa tamang edad naman ako ah," sambit niya dito. Dalawang taon lang halos ang tanda niya kay Megan--- bente sais siya at bente kwatro naman ito. "Ma-mi-miss kita, Leonora," ani sa kaniya ni Megan. "Huwag kang makakalimot dito ha. Ma-mi-miss ka ng mga tao dito lalo na kami ni mama at papa." "Lagi pa rin akong tatawag sa inyo, mag-uusap pa rin tayo madalas. Basta ang pag-aaral mo, kailangan mong pag-igihan. Para matupad ang pangarap mong makapunta ng Amerika." Sinundan niya ang tingin ni Megan sa kalangitan. Nasa harap sila ng malawak na karagatan ngayon, dahil ang papa nito ay isang mangingisda at may malaking pwesto sa palengke doon. "Sabi ko nga kay mama at papa, huwag na sila masyadong maging mahigpit sa akin. Pero iwan ko ba tanging si Garreth lang yata ang nakakalapit sa akin---" sumbong ni Megan sa kaniya. Totoo ang sinasabi nito, wala nga namang pinapayagan ang mga itong lumapit dito kundi si Garreth lang ang anak ng bise mayor sa bayan ng mga ito sa Marinduque. . "Mabuti ka pa talaga. Hindi mahigpit sayo ang daddy at ang naging mommy mo.." "Naku. Huwag mo na nga masyado isipin ang mga bagay na iyan. Para sa kapakanan mo ang lahat ng iyan. Pag nakapagtapos ka na rin siguro tulad ko hahayaan ka na rin nila.." Pagpapalakas-loob niya dito. Gusto nyang maisip ni Megan na ang lahat ng ginagawa ng mga itong paghihigpit sa kaniya ay para lang naman sa kapakanan nito. Tulad niya rin noon, iyon nga lang noong magtapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo bilang arkitekto. Hinayaan na siya sa lahat ng gagawin niya, kahit na ano pa--- hindi lang dahil malaki ang tiwala sa kaniya ng mga magulang niya kundi alam niya ang limitasyon niya, ang limitasyon nila ni Ramon. Sabagay ano pa nga ba ang hihindian nila sa mapapangasawa niya? Tulad niya tapos na rin ito sa pag-aaral at registered pedia doctor naman ito. Naabot na nila ang lahat, kaya wala na silang dapat hintayin pa. Tumunong ang caller tone ng cellphone niya alam niya kung sino ang tumatawag. Sinasabi niya nga ba na si Ramon ito ng mabasa niya ang pangalan sa screen. "Hello, Doc?" bungad ni Leonora sa nobyo niya. Ito na ang madalas nyang itawag dito lalo na n'ong makapasa ito sa board exam nakaraang taon. "Pabalik ka na ba ng Manila, Arki?" tanong sa kaniya ni Ramon. Kung Doc ang tawag niya dito--- arkii naman ang madalas itawag nito sa kaniya. "Nagpapaalam lang ako kay Megan. Tapos byahe na kami ni Mang Dado pabalik d'yan," masaya niyang tugon dito at ang tingin nanatili kay Megan. Nakasimangot na naman ito sa kaniya, halata talaga ang pagdidisgusto nito sa pagbalik niya ng Manila. "Kamusta mo na lang ako kay Megan at tawagan mo ako kung nasa bahay ka na. Kahapon pa kita namimiss, Love. Your kiss, your hug and everything---" "Mahal.. Censored ka naririnig ka ng kapatid ko.." Tinakpan niya ang mouthpiece ng phone niya at isang malakas na halakhak ang pinakawalan nilang dalawa dahil sa mga sinabi ni Ramon. Nanunudyo pa ang tinging pinagkaloob sa kaniya ng kapatid. Nagpaalam na siya kay Ramon at muling hinarap si Megan para magpaalam na dito. "Your kiss and everything pa ha-- hay naku, Ate. Sana may makikilala din akong Doc Ramon Bautista sa buhay ko balang-araw---" napapa-iling na sambit ni Megan sa harap niya. Hindi niya maiwasang ngumiti sa kapatid, hindi malayong may makikilala din itong tulad ni Ramon--- iyon nga lang hindi ang Ramon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD