IKAPITONG KABANATA

1078 Words
IKAPITONG KABANATA --- ILANG beses nang napabuntong-hininga si Leonora at wala pa ring Ramon ang tumatawag sa kaniya. Inis ang nararamdaman niya, dahil hindi man lang iniinda nito kung gaano siya nag-aalala pag hindi agad ito tumatawag sa kaniya. Hindi niya rin naman matawagan si Megan, kanina pa out of coverage area ang cellphone nito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Sigurado siyang maaaway niya mamaya si Ramon. Hindi pwedi ang ginawa nitong pagpapa-aalala nito sa kaniya. Paano na lang pala kung may sakit siya sa puso? Baka inatake na siya sa sobra niyang pag-aalala. Nagpasya siyang umidlip muna at pag-gising niya susubukan niyang tawagan ito ulit. --- "NANDITO NA TAYO," sambit ni Megan kay Ramon nang makarating na sila sa isa sa mga sikat na kainan sa kanila sa Dumaguete. Doon niya talagang sinadyang dalhin ang binata, bukod kasi sa malapit lang ito sa paliparan. Alam niyang malinis ang lahat ng pagkaing nandoon at masarap na walang dudang maipagmamalaki nya. Maganda rin amg ambiance ng paligid, sigurado siyang matutuwa si Ramon. "Dito tayo, Zach---" ani ni Megan kay Ramon. Inakay niya ito sa gawaing bahagi kung saan alam niyang maraming makakakita sa kanila. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang ipagmalaki si Ramon sa lahat ng pweding makakakilala sa kaniya Natigilan siya ng ipaghila siya ng upuan ni Ramon. Hindi nya ito inaaaahan--- naalala niya nga palang gentleman ito sa mga kwento ni Leonora sa kaniya. Lihim siyang napangiti. Hindi kayang itago ang sayang nararamdaman dahil sa binatang walang kamalay-malay na nagbibigay sa kaniya ng saya. "Ano'ng specialty nila dito?" tanong sa kaniya ni Ramon nang makaupo na ito paharap sa kaniya. Inikot nito ang tingin sa paligid. Iilan lang naman ang taong nand'ong kumakain din tulad nila. "Seafoods specialty nila dito. Masarap ang ginataang alimango at malalaking sinigang na hipon. Gusto mo ba?" tanong niya dito. Iyon ang madalas na una sa listahan niya pag nagagawi sila ni Garreth sa lugar na iyon. Magkasundo kasi silang dalawa sa seafoods. Kahit sabihin pang lumaki sila sa isla, wala pa rin nakakatalo sa kanila pagdating sa pag kain ng pagkaing nabanggit niya "Tingin ko nga masarap at medyo naglalaway ako," tugon naman sa kaniya ni Ramon. Napangiti sila sa isa't isa nang magkatinginan sila. "Ako na ba ang o-order?" boluntaryo niyang turan dito. "Sigi. Ikaw ang bahala, pero ako ang magbabayad ha." "Sigurado ka ba? May cash din naman akong dala dito. Pwedi naman akong makihati sa'yo." "No, Megan. I insist. Malaking bagay sa aking kasama ka, wala kasi akong alam sa lugar na 'to." "Sigurado ka ba?" nahihiya niyang tanong dito.  Tumango-tango naman si Ramon sa harap niya, napansin niyang kanina pa ito nakangiti, gusto niya tuloy isiping masaya din itong kasama siya. Tinawag ni Megan ang waiter na napadaan sa kanila. Agad naman silang nilapitan nito, napansin niyang titig na titig ang babae kay Ramon. Lihim siyang napataas kilay at hindi niya yata nagustuhan ang asta nito sa harap niya. Walang pasubaling binigay ni Megan ang order niyang pagkain sa babae, para maka-alis na agad ito at hindi na tingnan pa nito si Ramon.  "Ang ganda ng weather ng lugar niyo 'no," narinig nyang sabi sa kaniya ni Ramon. Tumingin ito sa labas, mula sa kinauupuan nila tanaw nila ang siyang buong paligid. Maganda nga maman ang panahon ngayon, hindi maulan at hindi rin naman gan'on kainit ang sikat ng araw. "Maganda talaga dito. Marami ka ring lugar na pwedi mong pasyalan kung gusto mo," sabi niya rito. Lihim nyang hiniling sa sarili na sana nga maisipan ni Ramon ang manatili pa sa lugar nila. Hindi tulad ng pagkakaalam niya mula kay Leonora na isang linggo lang daw ito halos at babalik din agad ng Manila. "Kamukha mo ang Ate Leonora mo," turan nito sa kaniya sa ilang sandaling katahimikang namagitan sa kanilang dalawa. Gusto niya sanang tumanggi ditong kamukha niya nga si Leonora. Hindi naman sa ayaw niya, dahil kapatid niya ito. Pero ang mula kay Ramon, hindi niya lang nagustuhan. "Bakit nga pala hindi ka lumuluwas ng Manila? Madalas kang i-kwento sa akin ng ate mo, madalas nga wala na siyang bukang bibig kundi ikaw lang.." Nabawi ang inis na naramdaman nya dahil sa sinabi ni Ramon. Kini-kwento rin pala siya ni Leonora dito, parang sa kaniya lang at madalas nitong i-kwento si Ramon. Kaya nga siguro hindi niya napigilan ang damdaming lumukob sa kaniya para sa binata. Hindi niya rin masisisi ang sarili kung mismong si Leonora ay ang bumubuhay sa kung ano mang nakakubling damdamin niya para sa lalaking nasa harap niya ngayon. Kung may hihilingin man siya ngayon gusto niya sanang tulad niya ganoon din si Ramon para sa kaniya. Alam niyang mali ang lahat ng iniisip niya, pagiging makasarili lang ito dahil nakatakda na itong ikasal sa ate niya. Minsan kasi pasaway din ang puso niya, hindi niya magawang pigilan ang pagtibok nito para kay Ramon. Hindi niya namalayang nakatitig lang pala siya dito hangga't sa dumating na ang order nilang dalawa. "Sabi ko naman sa'yo e. Hindi ako ipapahiya ng pagkain namin, talagang masarap 'yan." "Nakakain na ba si Leonora dito? Tingin ko nagustuhan nya rin ang mga pagkain dito." Napawi ang ngiti sa labi ni Megan dahil sa sinabi sa kaniya ni Ramon. Binanggit na naman kasi nito si Leonora at hindi niya nagustuhan. Iniwas niya ang tingin niya, wala siyang balak sagutin ang tanong nito na may kaugnayan tungkol kay Leonora, para sa kaniya wala iyong kwenta. Magiging aksayado lang sa oras niyang sumagot dito.  "Kumain ka na. Kanina ka pa yata walang kain." "No. May snacks naman sa eroplano, kaya hindi naman ako masyado nagutom ngayon lang talaga dahil sa bango ng pagkain na in-order mo para sa atin." Para sa atin? Ang sarap lang pakinggan ang mga salitang 'yon, para sa kaniya. Sana nga totoo lang ang lahat ng 'yon, na lahat ng sandali ay para sa kanilang dalawa lang. Sa isip nya hiniling niya na sana hindi na muli pang banggitin nito si Leonora. "Wait. I'm sorry. Excuse me. I just need to call Leonora. Nakalimutan ko pa lang tawagan ang ate mo, Megan---" Sinundan ng masamang tingin ni Megan si Ramon, hanggang sa pumunta ito sa may 'di kalayuan para tawagan si Leonora. Kinuha niya ang kutsara't tinidor padabog na nagsandok ng mainit na kanin sa sarili niyang plato, dala ng galit dahil sa inaakalang intensyon ni Ramon ay kaniya lang. Nagkamali pala siya, dahil heto at nakangiti pang kausap nito si Leonora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD