chapter 12

1156 Words
Dahil na buwesit ako sa mga bisita kanina, kina kailangan kong pakalmahin ang aking sarili. Kaya pala ganoon na lang ang takot ng mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi na rin ako magtataka kong bakit ganoon din kasama ang ugali ng kanilang Anak. “Umalis na ang iyong panauhin Binibining Pia?" pang-aasar pa lalo sa akin ni Via. “Mga hayop na 'yon akala nila natatakot ako sa kanila?" “Anak dapat 'di muna pinatulan kasi hindi ka nila tatantanan. Hayaan mo na lang sila Pia sa susunod na magtagpo ang mga landas ninyo," pakiusap sa akin ni 'Nay Sali. “I can't promise 'Nay, you know me." “'Nay, don't worry too much kayang kaya ni Pia 'yan." sabi ni Cassy. “Mina, ready ka na bang ipasyal kami rito?" tanong ni Fritzie. “Opo mga Ate kong magaganda. Tara na po habang hindi pa masyadong gabi. Sa tabi muna po tayo ng dagat tumambay para lumamig ang ulo ni Ate Pia." “Bet namin 'yan! Ikaw 'Nay sama ka?" tanong ni Mau. “Kayo na lang mga Anak at ako ay magpapahinga na. Basta ilock niyo na lang ang pinto at dalhin ang susi." “Sige po 'Nay, aalis na po kami," paalam ko sa kaniya. Pagkarating namin sa tabing dagat nagulat kami dahil nakatambay rin ang limang lalake na parang akala mo wala silang kalaban na naka-abang lang sa kanila. Katulad ngayon, hindi nila alam na may limang lalake na nakatago sa likod ng malaking Puno. Mabuti na lang pala at naisipan naming tumambay sa tabi ng dagat. “Paano natin sila mapapatay ng walang ingay girls?" tanong ko sa kanila sa nakakalokong ngiti. “Fight like a wind," sagot ni Mau sabay kindat sa akin. “One is to one? Baka mabitin lang tayo nito," reklamo ni Fritzie. “Ang ganda pa ng puwesto nila, ngiting tagumpay at nakuha pang ngumiti. Ang panget nila kaya!" sabi naman ni Cassy. “Ready?" sabay senyas ko sa kanila na puwede ng lumaban. Iisa lang ang pinuntirya namin para hindi na sila makalaban at makakuha ng ingay at 'yon ay targeting sa leeg. “Ang hihina naman pala nila kaya na pala ni Pia 'yang mga iyan ipinadala pa tayo rito ni Boss," pagmamayabang ni Via. “Tara nang makipag chikahan sa mga boy's, I'm sure magugulat sila kapag nakita pa ako rito lalo na at may kasama pa ako." Papunta kami sa kanila at nagpanggap na hindi sila nakilala. “Pia?" tanong ni Dark" “Hi Boy's! Akala ko kong sinong nakatambay." “Akala ko bumalik ka na pa Manila kanina? Pakilala mo naman ako sa mga magaganda mong Kasama," wika naman ni Brent. “Paalis na sana ako kanina mabuti na lang at naabutan nila ako. By the way Boy's, my friend's Via, Cassy, Fritzie and Mau. Girls meet Franz, Brent, Orson, Anton and Dark." “Hi Ladies! Nice meeting you all!" sabi ni Dark sabay kindat sa amin. Sa grupo nila si Dark at Brent ang pinaka maloko. Si Anton at Franz ang suplado at si Orson ang tahimik sa kanila. “Hey mine, hindi mo man lang ba ako babatiin?" Pero imbes na sumagot sa akin pinatulan ako nito pero hindi sa salita kun'di bigla ako nitong hinablot sa batok sabay halik sa aking mga labi. Lahat silang nakapaligid sa amin ay biglang naghiyawan. Ang iba ay pumito, at ang iba ay pumalakpak kaya natulak ko si Franz ng malakas at nakagat ko bigla ang kaniyang labi. “F*ck bakit mo kinagat ang labi ko mine?" “Tarantado ka, manyak ka talaga! Naka ilan ka na ?" sigaw ko rito. “Hoy girl care to explain? P*ta sa ibang bansa at sa Manila ang daming may gusto sa'yo kulang na lang magpatirik sila Tito at Tita ng kandila sa simbahan dahil NBSB ka 'yon pala may tinatago kang kalandian?" sita ni Via sa akin. “Ako Via tigil tigilan mo 'yang lalake lang na iyan ang malandi at bigla na lang nanghahalik ng walang pahintulot." “Okay na 'yan girl atleast nadiligan na 'yang labi mo," sabi ni Fritzie sabay tawa ng lahat na ikinasimangot ko naman dahil ibinuking lang naman nila ako. “Girls swimming tayo bukas," yaya ni Brent. “Game kami diyan basta kayo ang bahala sa foods," sagot ni Mau. “It's a deal then!" sabi ulit ni Brent. Kahit papa-ano naging masaya naman ang pagtambay namin sa tabing dagat. Kuwentuhan, tawanan, at biruan lang ang nagaganap. Walang kaalam alam ang mga lalakeng ito na nasa peligro ang mga buhay nila. Kawawang mga nilalang. In a second thought, nasa dilikado rin pala ang mga buhay namin dahil kailangan namin silang protektahan. Halimbawa na lang kanina hindi nila alam na muntikan na silang mamaalam sa mundong ibabaw kong hindi namin sila naabutan. “Uwi na tayo it's already 10pm na," yaya ko sa kanila. “Oo nga, napasarap tayo sa kuwentuhan. Hatid na namin kayo," wika ni Orson. “Okay!" sagot naman ni Mau. Pero ganito ang nangyari, pumayag kami na ihatid ng mga lalake. Pagpasok namin sa bahay, lumabas ulit kami at tiningnan kong nasa malayo na sila sabay sunod sa mga ito. Just to make sure na safe silang nakauwi sa bahay. Kaya ang kinalabasan naghatiran lang kami. Kinabukasan maaga kaming gumising dahil mas maganda mag swimming habang hindi pa sikat ang araw, hindi kasi masakit sa balat. Habang nag aalmusal kami may kumatok sa pintuan. Binuksan ni 'Nay Sali ang pinto at bigla na lang may mga asungot na nakiki almusal na rin. “Talagang dumayo pa kayo rito para lang mag almusal?" tanong ko sa kanila na naka “Baka kasi nakalimutan n'yo na may swimming tayo kaya maaga kaming pumunta rito," sagot ni Dark. “Hindi po namin nakalimutan sadyang maaga pa po at oras pa nang almusal," sagot naman ni Via. “Kape lang ako 'Nay," singit naman ni Franz sa usapan. “Si Pia ang masarap magtimpla ng kape Sir Franz 'di ko alam kong anong ginagawa niya sa kape at napapa sarap niya ng ganoon." sabi ni 'Nay Sali. “Mine timpla mo ako nang kape please!" “Opo Sir!" Sagot ko rito na nagdadabog sa pagtayo. Ang ingay sa loob nang bahay ni 'Nay Sali na akala mo may giyerang nangyayari. Pero si 'Nay Sali at Mina ay tawang tawa sa mga nangyayari dahil first time raw na naging maingay at naging masaya ang bahay nila. “Lumabas na kayo total tapos naman na kayong makapag almusal ang layo kasi ng kusina niyo." sabi ko sa kanila dahil maghahanda na rin kami ng aming mga dadalhin. “Doon na kami pupunta malapit sa Mansion Girls para madali na lang sa atin ang pagkain." sabi ni Brent. “Isa pa may mga Puno na nakaharang kaya hindi tayo maaarawan kahit lumabas na si Haring Araw," sabi naman ni Dark. “Okay, susunod na lang kami roon." sabi ko kay Dark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD