CHAPTER 32---The killer has a disorder?

1787 Words
“Miss Sandra?” Tawag pansin ko sa babaeng sinasabing girlfriend daw ng biktima. “Sandra! Ikaw nga!” May saya sa boses na saad ng kapatid ng biktima. Hindi ko pa natatanong ang kanyang pangalan. “Angel" May halong pait na banggit ng babae sa kaptid ng biktima. "Ang babaeng kabit ng boyfriend ko. Anong ginagawa ng isang ahas dito?” Sarkastikong dagdag n'ya, may hinanakit sa boses ng babae. “Sandra” Biglang lumuhod ang kapatid ng biktima. “Si si Carlos.” Humihikbing saad n’ya. “Anong meron sa boyfriend ko? Ano? Sasabihin mo na naman na iwanan ko s'ya? Na may nangyari sa inyo? Ano ba ng meron sa BOYFRIEND KO at ayaw mo s’yang tantanan? Ha? Hindi ko sinasabi sa knaya na alam ko ang kalokohang ginagawa niya dahil ayokong mawala s’ya sa akin. Kaya please lang tigilan mo na kami. Mag hanap ka na lang ng iba. H'wag na s'ya. Please?” Umiiyak na pakiusap ng babae. Hindi n’ya ba alam na ilang metro mula sa kanyang kinauupoan ay nakahiga at wala ng buhay ang kanyang nobyo? At ano? Kabit? “Sorry Sandra. What I have told you is just a lie to test your love for my brother” Umiiyak na saad ni Angel. “Bro-brother?” Gulat na saad ni Sandra. “Yes! He is my long lost brother. And he.. he.. he is dead Sandra” Humahagulhol na turan ni Angel, hirap na hirap kung paano ipapaliwanag sa babae ang sinapit ng kanyang kasintahan. “What do you mean?” Hindi sumagot si Angel sa halip ay tinuro n’ya ang bangkay ng nakababatang kapatid. Hindi pa man nakakalapit ng tuluyan si Sandra ay napaluhod na ito habang umiiyak na nakatitig sa nobyong wala ng buhay na nakahiga sa sahig, “No babe. NO! AHHHH NOOOOOO! Hindi pwede to, hindi!” Puno ng hinanakit na sigaw ng kasintahan ng namatay. Habang ang kapatid naman ng biktima ay niyakap na lamang ang babae habang umiiyak rin. Napatingin ako sa paligid ng nagsimulang mag hagulholan ang mga tao. Marahil ay nasasaktan rin sila habang nakatingin sa mga babaeng umiiyak sa tabi ng biktima. “Babe! Ang sabi mo diba? Magkakaroon pa tayo ng isang dosenang anak, mag papakasal pa tayo, ang dami pa nating pangarap na aabutin nating magkasama, ngayong napatunayan ko na hindi ka naman pala talaga nagloko, ayoko na na mawala ka. Sorry kung naging cold ako sayo, sorry kung naniwala ako agad sa sinasabi ng iba, babe, bangon ka na riyan! Uwi na tayo. May ibabalita pa ako sayo, babe! Mag kakaanak na tayo, babe magiging daddy ka na, diba matagal mo nang gusto na maging ama? Kaya bangon na, babe!” Napasinghap ang mga tao sa paligid ng marinig ang tinuran ng babae. Napabitaw si angel mula sa pagkakayakap sa babae. Gulat nyang tiningnan ang nobya ng yumaong kapatid. “Ma-mag kakaanak kayo?” Hindi makapaniwalang tanong nito. “Oo, kaya please kong prank lang ‘to, sabihin n’yo na? Hindi totoong patay na si Carlos hindi ba? Babe? Narinig mo diba? Mag kakaanak na tayo, kaya tam ana ang prank na ‘to. Baka makasama kay baby. Bangon na.” Umaasang sambit ng babae habang niyuyogyog ang balikat ng nobyo. “Kiss gusto mo? Diba sa fairy tale kapag kinikiss ang bida para magising. Baka ‘yan lang ang hinihintay mo.” Saad ng babae. Na alarma naman kami sa narinig, hindi maaari. Mabilis kaming nag takbohan sa dereksyon ng babae upang pigilan ito sap ag haliksa nobyo. Delikado, lalo na’t may bata sa sinapupunan n’ya, baka malason sila. Sa tansya ko ay napakaraming cyanide ang nalapat sa labi ng lalaki. Kaya Malaki ang tanya na malipat ito sa bibig ng babae at baka ma lason rin s’ya at ang bata. Ngunit bago pa man makalapit ang mukha ng nobya ng biktima ay pinigilan na s’ya ng kapatid ng lalaking namatay. “H’wag. Sandra, baka malason ka!” Hesterekal na sigaw ni Angel kay Sandra. “Ayos lang,” Walang buhay na saad ni Sandra. Nag pupumilit pa rin na nilapit ni Sandra ang kanyang mukha sa nobyo ngunit hinihila s’ya ni Angel. Lalapitan na sana ng aking mga kaibigan at waiters ang dalaa ngunit senenyasan ko sila na hayaan muna. May gusto lang akong kompermahin. “Sandra isipin mo ang bata, ano ba! H’wag mong ilapit ang mukha mo sa kanya!” Pigil na inis na turan ni Angel. “Bakit ba! Hayaan mo na lamng ako, kahit isang yakap lang gel, kahit isa lang” Umiiyak na pakiusap ni Sandra sa babae. “HINDI NGA PWEDE, AMO BA? GUSTO MO BANG MALASON KAYO NG BATA?” Galit na talagang sigaw ni Angel. Ngunit hindi pa rin nakikinig ang babae sa kanya. “King ina naman Sandra! Tigilan mo kalokohan mo! Umalis ka d’yan kung ayaw mong aki mismo ang papatay sa inyo ng anak mo. Gusto mo bang e ngudngud kita sa pag mumukha ng gago kong kapatid? Ha?” Galit na saad n'ya Hindi ko inaasahan ang susunod na gagawin ni Angel. Nag wala ito, pinag sisipa n’ya ang mga mesa at pinag tatapon ang plato na nahahawakan. Ang mga costumer ay nag sisigaw na dahil natatamaan sila ng bubog. Sinusubukan nina Dale na pigilan ang babae ngunit masyado itong malakas na tila hindi babae kung makapiglas sa hawak ng mga kaibigan kong lalaki. “Pinatay ko na nga ang king ina, siya pa rin hahanapin mo? AKO! AKO na lang ang mag aalaga sa inyo ng magiging anak mo Sandra!” Biglang sigaw ni Angel. “Pinatay mo ang kapatid ko Angelo?” Biglang iyak na saad ni Angel sa sarili. “Diba sabi ko naman sa iyo Ange na mahal ko si Sandra? PERO HINAYAAN MONG MAG PATULOY ANG RELASYON NILA!” Galit na sigaw ni Angel sa sarili. Seninyasan ko si Jin na lapitan ang babae. Nakikipagtalo pa rin si Angel sa kanyang sarili. Ngayon lamang ako nakakakilala ng isang tao na may DID o Dissociative Identity Disorder. (A/N: Dissociative Identity Disorder is a personality disorder that is characterized by the presence of two or more distinct and complex identities or personality states each of which becomes dominant and controls behavior from time to time to the exclusion of the others and results from a disruption in the integrated functions of consciousness, memory, and identity.) Hindi pa man umamin ang dalaga sa kanyang krimen ay siya na talaga ang aking pinaghihinalaan na gumawa nun, nalito lang ako saglit dahil sinabi n'ya na hindi sila ang nag order sa kape. Pero naisip ko, kung may lason na ang kapeng 'yon bago pa man na serve, panigiradong pati si Angel ay na lason na rin. Kanina nang inoobserbahan ko ang paligid ay nahagip ng aking paningin ang pa simpling pag kuha ni Angel sa kape ng kapatid, ang akala ko ay sa kanya iyon dahil, uminom sya ng kaunti bago may nilagay na parang liquid sa kape n’ya. Noong una ay akala ko para sa kanya ang kape at baka supplement lang ang nilagay n'ya, ngunit nang nangyari na ang insedente ay doon ko na realize na cyanide pala ang kanyang nilagay, basi na rin sa aking na amoy sa baso. Masyadong marami ang kanyag na lagay kaya ganun na lamang ang bilis ng epekto nito sa biktima. Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na ang mga pulis upang dakpin ang salarin. Pinaliwanag ni Kuya Charles aang nangyari, hindi nag tagal ay umuwi na rin kami. Habang nasa byahe kami ay hindi pa rin naiwasang pag usapan ang nangyari kanina. “Grabe nu? Ngayon ko lang na saksihan ang pagpapalit ng alters ng isang DID person. Ang creepy!” Nakayakap pa si Tim sa sarili habang sinasabi iyon. “Ang alam ko napaka rare na case ‘yang ganyan. Iyong nakakausap ng bawat alters ang isa’t isa at alam nil ana may alters sila. Kadalasan kasi ng may DID, hindi nila alam na may ganyang sakit pala sila.” Saad naman ni Ron. “Pero before pa s’ya umamin, alam ko na na sya ang may gawa nun sa kapatid n’ya.” Si Dale naman ang nag salita ngayon. “Ay weh? Paano mo naman nalaman? Ih wala ka namang ginawa kung hindi ang mag bantay doon sa pinto.” Pang aasar ni Timmy. “Baka marunong ako mag observe pandak?” Bwelta naman ni Dale. Inirapan lamang s'ya ni Timmy, at hindi na ito pinansin. “I ask the waiter na kumuha ng order at nag serve sa kanila, totoong hindi inorder ng magkapatid ang kappe na iyon, ngunit sa hindi malamang dahilan ay nakasulat sa kanilang order list ang isang espresso. Nang tingnan ko ang listahan na kanyang tinutukoy ay magkaibang papel ang sinulatan nito. Mag kaiba rin ng penmanship.” Tumatangong saad ni Xian. Nag patuloy ang aming pag uusap hanggang sa hindi na naman namalayan na nakapark na pala ang sasakyan sa parking lot. Kung hindi pa nag imporma ang aming sasakyan ay hindi pa namin malalaman. Nag uunahan ng labas sa pinto sina Dale at Timmy, nang hindi magkasya ang dalawa sa pinto ng sasakyan ay nagtinginan ang dalawa ng masama sa isa't-isa. Para hindi na mag away ang mga aso at pusa ay tinulak ko silang pareho dahilan kung bakit muntik na silang mapasubsob sa sahig, I maybe harsh pero alam ko naman na mabilis ang reflexes ng mga 'yan. "Inaantok na ako." Iyon lang ang sinabi ko upang sagutin ang masasamang tingin na ipinukol nila sa akin. Inirapan lamang ako ni Timmy at nagpapadyak na nag martsa paalis. hihihi Nag lalakad na kami papuntang baha nang biglang may pumalibot na braso sa aking balikat. "Excited ka na ba?" Tanong sa akin ni Jin. "Saan?" Litong tanong pabalik ko. "Sa debut mo." Ngising saad n'ya. Napatawa ako sa kanyang sinabi. "Bakit mo na tanong? Hindi naman sa excited. Mas excited ako sa regalong ating maa tatanggap bro. Haahahaaha.. Saka maraming benifits ang pagiging legal. Mas nakaka excite." Tumatawang saad ko. I heard him chuckle "Baliw ka talaga" Napapailing na saad n'ya. Hindi ko maintindihan kong bakit ang aadvance mag isip ng mga ito ih matagal pa naman birthday namin. Lumipas ang mga araw at linggo, naging smooth naman ang lahat, mula sa pag aaral namin at pag iimbistiga. Lingo linggo ay nag rereport kami ni kuya principal sa progress ng imbistigasyon. Nalaman namin na kinansela daw ng primo ang pagpupulong dahil may mas mahalaga daw itong gagawin sa gabing iyon. Hindi ko alam kung coincedence lamang pero sa araw na iyon ay ang aming kaarawan ni Jin. Ang araw na akala ko magiging isang napakagandang memorya na habang buhay kong babalik-balikan, hindi ko alam na buong buhay ko pala ang maagbabago mag mula sa araw na iyo. The one-day fairytale that I thought becomes a nightmare. Everything becomes a mess, I don't know what exactly happened but one thing I'm sure of, they need to save me before I go crazy with my memories.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD