CHAPTER 28---Talk With The Principal: Unexpected

2187 Words
"Long time no see unknown club." Ngiting saad ni Mr. Principal sa amin, lumapit ako sa kanya at bumiso, ganun rin ang ginawa ni Tim. Habang ang mga lalaki naman ay basta na lang umupo sa couch dito sa loob ng opisina. Mahigit dalawang buwan na pala nang huli kaming pumasok dito sa kanyang office, na alala ko pa ang dahilan kung bakit kami nandirito noon.  Sa kanya kami lumapit upang ma approve ang aming club application. Ayaw kasi talagang e approve ng commitee ang application namin na bumuo ng detective club. Dahil hindi naman talaga komon ang club na gusto naming gawin ay medyo nahirapan kami sa pagkombinsi, isa rin sa dahilan ay ang pangit raw ng pangalang pinili namin. Hindi daw attractive. Tsk.  Kaya naman dumiritso na kami sa aming butihin na principal upang humingi ng tulong para ma aprobahan ang aming club application, so yeah we used our connection to get what we want. So what? Hindi naman kaya magpapatakbo ng club. Psh! Family friend namin ang pamilya ni kuya principal kaya kilala niya na kami dati pa lamang. Siya ang nag silbing kuya namin ni Jin dati tuwing wala sina kuya sa bahay. Lagi niya kaming nilalaro nuon at binibilhan ng laroan, pero isang araw bigla na lamang siyang tumigil sa pag bisita sa amin. siguro dahil kolehiyo na siya nang mga panahon na iyon, kaya naging busy. "Na dagdagan pala kayo?" Tanong niya sa amin habang nakapangalumbaba sa kanyang mesa. "Yeah, may na uto kami kuya, and oh by the way this is Dale's cousin, Xander Ivan Ace Nerro Cy, You can call him Xian." Pagpapakilala ko. Tumayo naman si Xian at nakipagkamay ito sa aming Principal. "Well it's nice to know na nadagdagan ang grupo ninyo. Atlis hindi na kayo madidisband and I don't need to pull some strings to keep your club operating. HAHAHHAHA" Tumatawang sagot niya. "Yeah" Maikling sagot ko lang. Kung ano ano pa sinasabi niya hindi na lang kami deretsohin kung bakit kami nandito.  "Let's get it straight, bakit ninyo ba kami pinatawag dito?" Tanong ni Jin, napatawa nalang si kuya principal sa sinabi ni Jin. Umayos ito ng upo, ipinatong niya ang mga kamay sa mesa habang pinagsiklop ang mga ito. "So impatient as always, well I just want to say thank you for helping the school in eliminating some bullshits. Nabalitaan ko ang ginawa ninyong pambibisto sa presidente ng V.O at sa paghuli ninyo sa isang guard ng school. I appreciate your efforts to aid the problems of your fellow Illustrinians kids." Ngiting saad niya. Iyon lang? Akala ko naman kung ano na. napa irap na lamang ako at mag rereklamo na sana nang maunahan niya akong mag salita. "Bago kayo mag react na magkapatid, hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag ngayon dito. I'm giving you a mission, that's if you'll accept it." Biglang seryosong aniya. Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan sa sinabing iyon ni kuya principal. Anong mission naman kaya ito? "Explain please." Togon ko. Nagpakawala muna ito ng malalim na hininga. Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at tumingin sa bintana kung saan matatanaw ang kabuoan ng Illustrious. "This past few weeks, nababalitaan ko ang biglang pagkawala ng ilang studyante at pagkamatay ng iba. Natatagpoan na lamang na patay ang mga studyanteng ilaw araw ng nawawala. Tinatakpan lang ng admin iyon, ngunit gusto kong malaman ang kanilang dahilan. Ayaw ko sana kayong e damay sa gusot ng school na ito ngunit wala akong ibang pwedeng malapitan sa paaralan. Hindi ako maaaring mag tiwala sa kahit na sinong guro o staff ng Illustrious dahil baka ikapahamak ko lamang ang "pangingialam". Alam ko naman na sobrang competent ninyo sa trabahong ito, ilang beses ninyo ng pinatunayan sa akin ang taglay ninyong talino at galing ngunit maiintindihan ko kung hindi ninyo tatanggapin ang aking iaalok kasi delikado naman talaga ang hinihingi kong pabor sa ninyo." Mahabang paliwanag niya habang nakayuko. Nakakuyom ang kanyang palad na tila ba nag pipigil ito ng galit. Siguro ay mahirap talaga ito sa kalagayan ng aming punong guro na sa estudyante pa niya kailangan humingi ng tulong. Nagkatinginan kaming mag kakaibigan at alam ko na pumapayag sila sa gustong mangyari ng aming principal, the way they look at me, it tells yes.  Charr madam auring ka te? This is an advantage to us since kailangan rin talaga namin ng back-up dito sa school na mataas ang rango. And kahit hindi niya hilingin, gagawin pa rin namin ito. Ginagawa na nga to be exact. "Hmm. It's really a big risk to accept this mission kuya but before you voice out this incident to us ay nakarating na rin sa amin ang mga nangyayari sa school, and as a student of this school since Junior High, I don't want our school's name to be tinted with this issue. So yeah, we are more than willing to help in any way that we can, but before we accept your request, I want some conditions first before saying yes." Saad ko.  Nakita ko namang umupo ulit sa kanyang upoan ang aming principal at pinatong ang kanyang siko sa mesa, hinihilot niya ang kanyang ulo na para bang nag iisip ito. Hello? kelangan pa ba pag isipan 'yan? "I'm listening." Sagot niya. Tiningnan ko ang aking mga kasama at tinanguan sila. "First and foremost, we want a club adviser to guide us, bilang mga high school pa lang naman kami and we still need guidance from adults. Thus, we want Mr. Galvestone to be our adviser since siya rin naman ang adviser nina Jel, Timmy and Xian. Kilala na nila ito kaya hindi na kami mahihirapan sa pag aadjust" Saad ni Jin. "Second, we want to have access to all of the security codes here in the campus." Si Ron naman ngayon ang nag salita. "Third, we want you to be cooperative and you'll inform us of the information you may acquire. Also, we want you to back us up whenever we are in trouble while  doing this mission." Sunod naman na nag salita ay si Xian. "Fourth is a letter from you saying that we are allowed to go outside the school's premises even the curfew starts." ngising saad ni Dale. "Fifth, a "ticket like" pass so that we can go outside the campus whenever we want to and can still go in without questions from the guards." Saad ni Tim. "Lastly, you are not gonna control us, don't command us to do this and that, yes this mission is your request but we did it with our own little way. Don't interfere with our investigation, we will report to you weekly but that's it. If you accept our conditions, then we'll gonna do it. Take it or leave it." Seryoso kong saad. Natahimik naman ito sa aming sinabi, parang kinakalkula niya kung ano ang mangyayari kapag pumayag siya sa aaming kagustuhan. Makalipas ang ilang minuto ay dahan dahan itong ngumisi hanggang sa ang ngisi niya ay naging halakhak na.  Luh!  Nababaliw na siya. Anong nakakatawa? Aber? "I'm amazed at how all of you give me those conditions like you already planned it a long time ago. The way you speak is not a normal mindset of a 17 years old teen. You got me with your amazing conditions." Manghang saad niya pa.  Napangiti ako sa kanyang sinabi. That's unknown club for you sir.   "So?" Thrilled na tanong ko. "Alright, I accept it all but as to what Ron asked me, I'm not promising that I can give you all the access of the security system in this campus, maraming facilities sa schol na ito na maskin ako ay hindi pa nakakapasok. I'm just here to monitor the students, that's it. Iba na ang may hawak sa iba pang facilities dito like the admin building, but I'll try my best to give you all that you wanted. As to your club adviser. I'll just make a memo later at night then send it to the council. So it's a deal?" Ngiting saad niya.  Nginitian ko naman siya, tumayo ako at inilahad ang aking kamay sa kanyang harapan. "It's our pleasure to be working with you in this mission  Mr. Principal" saad ko. Ngumisi siya  kinuha ang kamay kong nakalahad sa kanyang harap. "Looking forward to see your best work, Miss President." Pang aasar niya pa na sinuklianko lang ng irap. It's nice to officially do this mission.  So our journey is really starting huh? "Nagdesisyon kayo an hindi man lang ako kinunsulta?" Mahihimigan sa bosses ng aming guro na hindi niya nagustuhan ang ginawa naming pagdedesisyon. "But Sir, it's a great opportunity. Makakabenepesyo tayo sa offer ng principal." Katwiran pa ni Tim. "Hindi iyon ang aking pinupunto, ang pinupunto ko ay nag desisyon kayo ng kayo kayo lang. Ano pang halaga ko bilang gabay ninyo kung lahat ng desisyon na inyong gagawin patungkol sa club ay hindi ninyo kinukunsulta sa akin?" Inis na sa saad ni kuya Charles. "But si--" "Tim, enough." Putol ko sa sasabihin ni Tim, tama naman si kuya ih. Masyado kaming an excite sa thought na magiging official request ang mission na kinakaharap namin. "We're sorry po kuya, we'll try not to do it again." Hinging paumanhin ko sa kanya. "Kung hindi naman urgent desisyon ay gusto ko sana na mapag usapan muna natin as one bago gumawa ng hakbang pero kung kinakailangan ninyong mag desisyon para sa club agad agad ay okay lang naman na hindi, basta isipin ninyo ang makakabuti para sa lahat. Huwag magpadala sa emosyon, prioritize your group's safety. Am I clear?" Seryosong tanong niya. "Yes sir!" Sagot naming lima. "So now, let's plan our next step." Saad ni Sir.  Umupo na kami at tumingin sa whiteboard sa aming harapan. "Mag dadalawang linggo na simula ng mag lie low tayo sa mission na ito. Bukas, sisimulan na natin ang ating plano. Since it's friday and club day ninyo iyan, mayroon kayong oras upang mag imbistiga." Saad niya. Nag taas ng kamay si Dale at nag tanong. "Sir, same plan pa rin ba?" Tanong niya.  "Yes Dale, girls--kayo ang magtatanong kay Hazel at sa kanyang mga kaibigan pati na rin sa ibang mga studyante sa paaralang ito. Xian, Jin and Dale kayo naman ang mag lalagay ng chip sa mga gang na makakasalubong ninyo bukas ng gabi. Pupunta kayo sa Admin Laboratory, paniguradong may mga taohang nag babantay roon tuwing gabi. Habang ikaw naman Ron ang mag momonitor sa lahat ng devices at gagabay sa kanilang tatlo, habang ako ay pupunta ulit sa kakahoyan. Ron mag focus ka sa kanila bukas. Kaya ko na ang sarili ko." Saad niya.  Nag thumbs up naman sila Tim at Dale, habang kaming apat ay tumango lamang.  "So that's it for tonight. I have to go. Hindi ninyo ako makikita bukas dahil may aasikasuhin ako outside the campus. I trust your skills kids. I know hindi ninyo ako bibiguin." Ngiting saad niya. Napangiti naman kami sa kanyang sinabi. Sa lumipas na mga linggo na nakakasama namin si Kuya Charles ay natoto na kaming dumepende sa kanya. Hindi naman talaga totally na dumdepende talaga, kasi nasanay rin naman kami na kami kami lang at walang nag uutos sa amin, noong una ay nag aadjust pa kami dahil ito ang gusto namin kaya kailangan talagang panindigan.  Nakakapanibago lang noong una na kailangan pa naming kumonsulta sa kanya lagi, pero sa mga lumipas na lingo ay nasasanay na rin naman. "Maasahan mo kami kuya." Saad ko. Tumango naman siya at nagpaalam na sa amin. "8 palang naman, laro muna tayo ML?" Aya ni Ron. Mabilis naman na umoo ang aking mga kaibigan. Buti na lang may free wifi ang school at infairness naman, hindii siya lag. Pero may sarili kaming wifi intended sa mga ka kemehan ni Ron, sabi niya kasi na ayaw niyang komunect sa school wifi, mabuti na raw yung safe. Lalo na nasa paligid lang kaaway namin. baka ma hack daw computer niya. "Ako mag tatank, Tim ikaw ang marksman, fighter ka naman Dale, support ka Ron, Xian ikaw ang mag mage habang ikaw naman Lavander ang assasin. Usual line up lang naman natin. But this time hindi tayo aalis ng base na mag isa, Tim ikaw ang sasama sa akin since, long range ka. You can support me. Dale, si Ron naman ang samahan mo. Keep our support alive para ma supportahan niya tayong lahat. Lavander and Jin kayong dalawa mag sama. So kami ni Tim ang sa center lane, Dale aand Ron sa right side and left side naman kayo Xian." Paliwanag ni Jin. Seryoso siya habang pinapaliwanag sa amin kung ano ang gagawin, akala mo naman talaga toong battle field and susuongin namin. Tumabi sa akin si Xian habang ang iba naman ay nagsipwesto na.  "I'll protect you." Saad ni Xian. Natawa naman ako kasi napaka seryoso niya masyado, mag eML lang, may pa "I'll protect you" pa na nalalaman. ML nga seneseryoso namin, ang mission na ito pa kaya? Yea! We're just a bunch of curious kids but this curiosity of ours will be the reason for their failure. So get ready mga pashnea! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD