CHAPTER 30---Sneak In Laboratory

1855 Words
“Tandaan ninyo, kapag alam ninyo na dehado na kayo sa laban---kung mag kakaroon man ng labanan, ay agad kayong umatras. Safety n’yo pa rin ang importante kesa magawa ang misyon natin ngayon, Isipin n’yo laging mag stick sa plano at makinig ng mabuti sa instructions na ibibigay ni Ron o namin ni Timmy. Naiintindihan niyo ba ako?” Seryosong tanong ko sa kanilang tatlo. “Noted Pres!” Sigaw ni Dale habang nakasalodo pa. “Noted” Saad nina Jin at Xian. “Kapag alanganin na talaga ang sitwasyon, call a backup. Pupuntahan namin kayo ni Tim. H'wag ninyong pairalin sa amin ang prinsipyo n'yong "hindi dapat lumalaban ang babae". Ako sasapak sa inyo!” Dagdag ko pa. Napangiwi naman silang tatlo sa sinabi ko. “Kuha n’yo?” Ulit ko. “Alright” Parang napipilitan pang sabi nila. Napairap ako sa kanilang reaksyon. Lagi nilang sinasabi sa amin ang salitang "h'wag kayong lalaban, babae kayo, lalaki kami kaya kami ang lalaba hindi kayo" Parang sinasabi na rin nila na dahil babae kami ay hindi namin kayang lumaban, na mahina kkami. Like WTH? Tiningnan ko ang orasan, past 11 na. Paniguradong naglalabasan na sa lungga nila ang mga demonyo kapag ganitong oras. Right time to burn them. “Alright, Time to rock boys!” Ngising saad ko. Tumango sila sa akin at isinuot na ang kanilang mga maskara at wig. Nakasuot sila ng black leather jacket, black pants and shoes. Nag suot na rin sila ng wig at full face mask. Para sigurado na hindi sila makikilala ng kung sinumang makakasalamuha nila mamaya. Ginaya lang namin ang outfit na aming nakitang sinusuot ng mga lalaking nakita namin sa kakahuyan. Ang plano ay mag papanggap silang tatlo bilang kasapi ng mga lalaking iyon, kukuha ng impormasyon at lalagyan ng bug devises ang kanilang makakasalamuha. Sa ganoong paraan ay maiiwasan ang isang engkwentro at maiiwasan na masaktan sila sa proseso ng misyon na ito. Impormasyon, iyan ang kailangan naming makuha sa gabing ito. Hindi kami ma kakapagpatuloy na tukuyin kung sino ang aming kaaway kung wala kaming clue kong ano nga ba itong pinapasok namin. “Alis na kami.” Rinig kong saad ni Jin. Nilapitan ko siya at niyakap. “Mag iingat ka.” Mahinang saad ko. Tinapik niya lang ang aking likoran. Tinapik ko ang balikat ni Dale at ni Xian. Binilinan ko sila sa huling pagkakataon bago sila lumabas. Umupo kaming tatlong natitira. Si Ron ay kaharap ang kanyang laptop habang kami ni Tim ay nakafocus sa screen ng aming holograms. Naka-focus ang aking paningin sa POV nina Xian at Jin, si timmy naman ang naka pous kay Dale. Naglalakad na sila ngayon papunta sa Admin Laboratory, nang malapit na sila sa admin building ay may lalaking papalapit sa kanila, makakasalubong to be exact. “Bro! Saan punta mo?” Rinig kong tanong ni Dale sa lalaki, tumingin sa kanya si Jin kaya nakita ko ang pag tapik ni Dale sa balikat ng lalaki. “Sa base, kayo?” Tanong ng lalaki. “Ahh. Mag lilibot libot lang baka masalisihan na naman tayo.” Palusot pa ni Dale. “Oo nga nu? Grabe ang galit ni Terzo noong nakaraang linggo dahil sa mga na engkwentro nina boss dieci, balita ko nga ay sinusubaybayan na ang mga 'yon ng nakakataas, baka sa susunod ay sila na naman ang targeten. Parang may nalalaman na kasi ang mga gago tungkol sa organisasyon.” Saad ng lalaki. Madaldal sya ah? Mabuti iyan at mukhang may ma pipiga kami sa kanya. “Grabe ang tapang ng mga ‘yon ano? Pero mukhang sanay lumaban, taob bataan ni Deice ih." Tumatawang saad pa ni Dale. Nakitawa naman sina Jin at Xian. Habang ang lalaki ay pangisi ngisi lang. "Oo nga ih, paniguradong kahihiyan ang inabot ng mga 'yon. Matataas na rango napataob ng isang high school. ka hiya-hiyang pangyayari par!" Nag pipigil ng tawa na turan ng lalaki. "Oh sya! Una na kami at baka nag mamasid na naman ang mga iyon. Mahirap na, baka kapag nakalusot na naman ang mga 'yon ay kaming bantay ang malalagot.” Paalam ni Dale. Aalis na sana sila ng biglang tinawag ito ng lalaki. “Teka.” Seryosong saad nito. Kinakabahang nagkatingnan kaming tatlo. Packaging tape! Iniisip ko kung anong mali ang sabi ni Dale, nanlaki ang aking mata ng may ma realize. Bakit n'ya kasi sinabi ang "kaming bantay" paano kung iba pala ibig sabihin o wala namng ganun? “Bakit?” Kalmang saad ni Dale. “Bakit ang tahimik naman ng mga kasama mo? Pero maiba ako, baka malimutan ninyo sa katapusan. May pagtitipon lahat ng grupo sa base. Baka hindi ninyo alam.” Aniya na nagkakamot po ng batok. “Ah! Tahimik lang talaga tong mga 'to.Masyadong seryoso sa buhay ih. Tungkol naman sa pagtitipon, buti na lang pinaalala mo. Muntik ko ng makalimutan sa dami ng ginagawa ko. Para saan nga ulit 'yon?" Kumakamot sa ulong saad n'ya. "Bago ka pa 'no?" "Ooo ih. kakapasok lang namin." Sagot ni Dale. "Ang pagtitipon na 'yon ay parang pag pupulong, doon rin natin nakukuha ang ating mga pera. Mga bagong utos mula kay primo, ah basta. H'wah lang kayo ma lalate kasi ayaw na ayaw ni primo ng ganun. 12 mid. sa base. orayt? Saad ng lalaki. "Sige bro, noted 'yan! Salamat.” Pagtatapos ni Dale at umalis na ng tuluyan. “Great job Dale” Puri ko. “ Sa 2nd floor ng admin building andoon ang lab. Whole floor ang inuokopa ng Laboratory kaya hindi kayo ma hihirapan na hanapin iyon.” Imporma ni Ron. “Dumaan kayo kada floor para hindi kayo mahahalata.” Utos ko. Hindi man sila tumugon ay alam ko na naririnig nila ako dahil sa kanilang mga earpiece, hindi rin naman mahahalata ng kanilang makakausap na may earpiece silang suot dahil natatabunan ito ng kanilang wig. Nang andoon na sila sa harap ng Admin building ay may humarang sa kanila na isang lalaki, tinutuan niya ng baril ang aking mga kaibigan. “Anong ginagawa ninyo rito?” Tanong ng lalaki. “Xian, sabihin mo inutusan kayo ng boss ninyong si Deici.” Utos ko rito. “Inutusan kami ni boss deici.” Sagot ni Xian na sinunod ang aking sinabi. Binaba naman ng lalaki ang kanyang baril at binalik ito sa pagkakasuksok sa kanyang belt. “Bilisan ninyo.” Saad nito. Tanging tango ang sinagot nila, tinapik ni Xian ang balikat ng lalaking bantay bago ito nilampasan. Nang makapasok ay una nilang binaktas ang kahabaan ng ground floor. Sarado ang mga pinto nito at nakapatay ang ilaw, ibig sabihin ay walang tao roon. Sunod nilang tiningnan ang second floor kung saan nandoon ang laboratory. Buhay na buhay ang mga ilaw ng buong floor, may mga lalaking naglalabas pasok sa loob. Tinahak ng tatlo ang kahabaaan ng hallway. Minsan ay napapahinto sila kapag may lalaking kumakausap. “Hangga’t maaari ay iwasan ninyong mag salita. Baka may masabi kayong mali, mabisto pa kayo ng wala sa oras.” Pa alala ko. "Papasok ba tayo sa loob?" mahinang tanong ni Dale. "H'wag muna. gustuhin man natin ay kailangan nating mag doble ingat. Baka may code kang kailangan ibigay o patunay na kasapi ka nga sa organisasyon. Hindi natin kakayanin ang dami nila kung sakaling magkabistohan. Sa ngayon ay mag pokus na lang kayo sa pangangalap ng info. at pag oobserba sa paligid." Sagot ko kay Dale. Sumang ayon naman ang iba kaya pinag patuloy nila ang pakikipag halubilo sa iba pang bantay sa labas. Naging smooth naman ang kanilang pag mamatyag hanggang sa mag ala una na ay pina uwi ko na sila. “Saa likod kayo dumaan.” Utos ni Ron na agad naman na sinunod ng tatlo. Nang makapasok sila sa lob ng bahay ay agad silang nag bihis. “Bug, 2,3 and 6 ang nadikit ko” Saad ni Dale. “Bug 7 and 9 akin.” Turan naman ni Xian. “Bug 1” Maiksing tugon ni Jin. Agad naman na inactivate ni Ron ang mga bugs. “Alright. Good job everyone. Siguro ay sapat na ang ating nakuhang impormasyon sa gabing ito. Ron, e monitor mo na lang lahat ng bugs. Pag uusapan natin ang mga nakuha ninyong impormasyon pagkabalik ni Kuya Charles. Timmy, na notes mo ba lahat ng narinig natin?” Tanong ko. Nag thumbs up ito sa akin. “Yep! Alam mo naman ako, ghurl. hindi pumapalya kamay at memorya ko" Ngising saad nito. Inirapan ko sya. Bida bida. “Let’s sleep? Maaga pa ang alis namin ni Jin bukas, uuwi kami sa bahay. Kayo?” Tanong ko. “Sama kami Jennie ghurl!” Biglang yumakap sa akin si Timmy. Tiningnan ko naman ito ng masama. Makayakap naman to. “Anong sasama?” Tanong ko. “Ahuh! Sasama kami sa inyo. Ayokong umuwi sa amin. Boring doon, wala akong kausap. Kaya sige na! Na mimiss ko na sina tita.” Napataas naman ang kilay ko sa kanyang sinabi. Siya pa talaga nakaka miss ah? Nakakahiya naman sakin na anak. Nagtatanong na tingin ang iginawad ko kay Jin, nag kibit balikat lamang ito sa akin. Walanjo! “Kayong tatlo sasama rin?” Tanong ko sa mga lalaki. Tanging tango lang ang kanilang ibinigay na sagot sa akin. “Alright, pack your things. Sasama kayo." Saad ko. “Yeyy!” Tuwwang tuwa na sigaw ni Tim. Para naming anong meron sa bahy namin. Siguro na mimiss na rin nila makitambay sa amin. "PERO" Bitin na dagdag ko. Nag tatanong na tingin ang iginawad nilang lahat sa akin. "BAWAL ang MAINGAY, MAKULIT AT PASAWAY!" Seryosong dagdag ko. "Maka emphasize naman to wagas. Hindi ako MAINGAY, MAKULIT AT PASAWAY AH?" Naka simangot na anas ni Tim sa akin. Umingos ako sa mukha n'ya. "ye ye. Tell that to my hand Tim" sabi ko sabay lahad ng palad ko sa kanyang mukha. “Bakit nga pala kayo uuwi Jel?” Biglang tanong sa akin ni Ron. Tiningnan ko siya at sinagot. “Hmmm. Ang sabi ni Mommy, mag paplano daw kami para sa birth day namin ni Jin. Alam ninyo naman na advance iyong si mommy, next month pa naman birth day namin pero kung maka plano ngayon wagas.” Saad ko. Nag ningning naman ang mga mata ni Timmy sa narinig. “Wowww! Dapat talaga akong sumama kasi ang dami kong ideas na naiisip para sa debut ninyong dalawa! Ay mo lang pala Jennie kasi hindi pa naman mag dedebut yang si Jin. I so love it!” Excited na saad ni Tim. Napa iling na lamang ako sa kanyang sinabi, tumayo si Jin at tiningnan kami. “Let’s sleep” Maikling saad nito, tumayo na rin ako na sinunda naman ng iba. Past 1 na, kailangan na nga naming matulog. “Aalis tayo ng 8, dapat prepared na kayo. Ang hindi pa handa iiwan namin.” Saad ko sabay tingin ko kay Tim. “Oo na!” Nakangusong aniya. Natawa naman ako. Lumabas na kami sa Investigation Room at umakyat na. “Good night Elise, dream of me.” Mahinang bulong sa akin ni Xian, dumeretso siya ng pasok sa kanyang kwarto pagkatapos sabihin iyon. Napangiti naman ako sa anyang inasta. Kyut. Tuluyan na akong pumasok at nag ayos ng sarili bago matulog. Siguradong matutuwa na naman mommy ko dahil bibisitahin siya ng makulit kong kaibigan. Paniguradong ang ganda ng kalalabasan ng birthday party namin dahil aa makukulit at maasikaso kong mga kaibigan. Pero lahat ng inimagine ko ay kabaliktaran sa nangyari, akala ko lang pala, dahil ang masayang kaganapan sa buhay namin ay naging isang mapait na bangungot na gisto ko na lang kalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD