CHAPTER 19

2371 Words
"Society has two faces. Anyone who knows what it is?" Tanong ni Sir Galveston sa klase.  Agad namang tumayo si Tim at sumagot. Wala ng taas taas ng kamay sagot agad. Tim lang talaga malakas! "The two faces of society are the consensus and the conflict Sir. Do you want me to explain to them, sir?" Confident pa na tanong ni Timmy. Napangiwi naman ako sa kanyang sinabi. Bakit parang hindi ko naman siya nakitang nag aral kagabi? Confident niya naman masyado ngayon? "Thank you Ms. Nase but let's give chance to your other classmates." Ngiting saad ni Sir Galveston "Okay lang sir, siya na lang pa sagutin mo" Sagot ng iba kong kaklase dahilan kung bakit sobrang lapad na ngayon ng ngiti ni Tim habang nag dulot naman ito ng ngiwi sa mukha ng aming guro. "Alright. Explain consensus and conflict, Ms. Nase." Parang napipilitan pang saad ng aming guro. "Okay so according to Emile Durkheim, modern society is held together by a division of labor that makes individuals dependent upon one another because they specialize in different types of work. That is why these two theories are concluded. The first theory is Conflict theory, it is the role of COERCION and POWER in producing social order. This perspective is derived from the works of Karl Marx, who saw society as fragmented into groups that compete for social and economic resources. Also, inequality exists because those in control of a disproportionate share of society's resources actively defend their advantages. The second theory is the Consensus, it states that social change should occur in institutions that are provided by political or economic systems, it states that the absence of conflict within society is the state of equilibrium like a state of rest or balance due to the equal action of opposing forces, an equal balance between any powers, influences, etc. it concluded that social order in society should be maintained, based upon the accepted norms, values, roles or regulations that are accepted by the society in general SIR." Mahabang paliwanag ni Timmy. Napa nganga naman ako sa paliwanag ni Tim. What the heck? Para siyang nag babasa lang. Derederetso ih. Tsk! Paniguradong suot-suot niya ngayon and kanyang Infolens na regalo ni Ron sa amin. Bagong imbensiyon iyon ng aming kaibigan. "I'm impressed, Ms. Nase. Mukhang nag aral ka talaga kagabi. Alright, you may take your set." Nakangiting saad ni Sir. Umupo naman si Tim na may ngiti sa labi. Masaya pa ang bruha sa pandadayang ginawa. OO pandadaya iyon para sa akin.  Nag pa tuloy namang nag turo si Sir, Tinext ko si Jin habang nakikinig sa tinuturo ng aming guro. "Ivan. Kain tayo sa labas? I miss eating with you alone:3 pick me up ha?" Nag lalambing na ako sa lagay na iyan. Pinasok ko ang aking phone sa aking bulsa at nakinig na ulit kay sir. "As you can see class, these two faces of society are--" Naputol ang pagtuturo ni Sir dahil biglang may kumatok sa pinto. "Yes?" Tanong ni Sir. "Good afternoon Sir, pinapa tawag po kayo sa office. May urgent meeting daw po sa ang mga Senior High Teachers." Saad ng studyante. SSG PIO ata to. "Sige, I'll be there in a minute."  Nang maka-alis ang studyanteng nag imporma sa guro, ay nag sulat si Sir sa White board. "Research about this topic and write a 1000 words essay, I'll be expecting it tomorrow at 5:00pm in my office. Class dismissed!"  Pagka alis ni Sir ay inulan agad siya ng mga batikos ng mga kaklase ko. Natahimik naman kami nang tumunog ang speaker. Indikasyon ito na may announcement.  "Good afternoon senior high! You can now go to your dorms or houses. All classes for this afternoon are suspended because of an urgent meeting. Please be careful in going home. Again, all classes are suspended, you can now go home. Thank you."  Napahiyaw naman ang lahat sa narinig. Kanya kanya na sila ng ligpit ng kanilang gamit, lahatexcited dahil paniguradong ma kakapag gala sila ngayong hapon. Naramdaman ko ang pag vibrate sa aking bulsa kaya kinuha ko ang aking phone at binasa ang message galing kay Jin. "Wait for me in your room. Let's have a date." Napangiti naman ako agad sa na basa. Lumapit  na si Tim sa upuan ko.  "Jel, Xian tara." Umiling naman ako sa kanya. "Una na kayo sa bahay, Jin and I have a date ih." Nakangiti kong saad. Sumimangot naman agad si Tim sa akin. "Tsk! Lagi talaga kayong nag sosolong dalawa kapag datedate na ang usapan. Isama ninyo nga kami!" Reklamo sa akin ni Timmy. Napatawa naman ako sa pagmamaktol niya, alam naman nila na ayaw ni Jin ng maingay kapag gumagala. "You want to be a third wheel Timmy? Just let Jel and her BOYFRIEND be alone.  Hindi pa ata sila nag sasawa sa mukha ng isa't-isa, mag ka sama na nga sa bahay nag sosolo pa." Biglang singit ni Xian. Parang inis na inis ang kanyang mukha, hindi ko maintindihan bakit? gusto ba niya na sumama mag gala? Loner ba ang isang ito? Pero teka nga? ANONG BOYFRIEND?  "HHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHA BOYFRIEND DAW! LT! PUTCHA! ANG SAGWA MO XIAN" Natatawang saad ni Tim.  Natawa naman ako nang makita ang pagkalito sa mukha ni Xian, ang tinutukoy pala niya na kasintahan ko noong nakaraan ay si Jin? Wengya!  "Why are you laughing? I'm not joking!" Inis na saad niya kay Tim. Si Tim naman ay humahampas hampas pa sa balikat ko habang tumatawa. Tningnan ko ang kawawang si Xian at mag sasalita na sana ng bigla akong tinawag ng isang lalaki. "Lavander" Nilingon ko ito at nakita si Jin, kinawayan ko siya at pinalapit sa amin. "Ace, This is Jin. my TWIN Brother" pa kilala ko sa kanya.  Napa nganga naman si Xian sa sinabi ko. So, all this time akala niya boyfriend ko si Jin? Hindi ko naman siya ma sisisi na pinag ka malan niya kaming mag jowa ng aking kambal dahil hindi lang naman siya ang na scam nitong sweetness ni Jin towards me.  "Oh ayan Xian ah! Pwede ka ng doma-moves dito kay Jel kasi single yan and ready to mingle!" magiliw na saad ni Timmy.  Binatukan ko naman siya. Kung ano ano pa pinag sasabi ng babaeng ito. Alam namang naririnig siya ni Jin. Tiningnan ko naman si Xian at gulat parin itong naka tingin sa akin. Shock na shock boi? "Kung ano ano pinag sasabi mo Tim. Tara na Lavander." Aya sa akin ni Jin.  Kinuha ko naman ang aking bag at isinabit ko ang aking kamay sa braso ni Jin. Nag pa alam na kami sa dalawa at dumeretso na sa parking lot.  "Where do you want to go Princess? Maaga pa naman kaya makaka gala ka pa kung saan mo gusto." Saad ni Jin sa akin. "Uwi muna tayo sa bahay, tapos roadtrip tayo then uwi tayo mga 7PM. Mag iimbistiga pa tayo later ih. hindi pa tayo nakakapag plano."  s**o t ko. Tumango naman ang aking kambal at pina andar na ang sasakyan. Isinaksak ko ang aking phone sa sasakyan at nag pa tugtog sa spotify. Timmy's POV Sabay kaming nag lalakad ngayon ni Xian pauwi. Aasarin ko sana siya tungkol sa maling akala niya ih, kaso ang seryoso niya masyado, baka mag mukha lang akong tanga kakaasar sa kanya tapos ang inaasar ko ay walang reaksyon. Diba? pereng tenge! A Alam ninyo? pansin ko rin sa characteristic nitong Xian na ito  na isa siyang napaka pikon na tao. Opo, yes po. Pag ka pasok namin sa bahay ay na abutan ko si Dale at Ron sa kusina. Mukhang mag eexperiment na naman sa pag luluto ang dalawang ito. Gusto talagang ma impress si Jel, tsk tsk tsk "Hoy mga demons! Ang sipag natin ah? Sus! Kahit ano pang gawin ninyo. Hindi kayo papatulan ni Jel. Neknek ninyo mga ugok! Kung ako sa inyo, matutulog na lang ako, kasi sayang lang and effort hindi naman ma aapreciate!" Pang aasar ko pa. Natawa ako nang sabay silang lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin. Nakita ko namang ibabato sana sa akin ni Dale ang sandok na hawak niya kaya mabilis akong umakyat sa taas at benelatan sila. Napapa-iling na lamang si Xian sa ka kulitan namin. Nag palit na ako ng damit pag katapos ay humiga na sa kama. Matutulog na muna ako dahil puyatan to the max na naman kami mamaya. I'm excited at the same time kinakabahan sa mga posibling ma tuklasan naming mag kakaibigan. Bahala na si Batman! Sana lang walang ma pa hamak sa amin mamaya. Jel’s  POV   “Everyone ready?” Tanong ko sa kanilang lahat. Nag thumbs up naman sa akin sina Dale at Tim habang ang tatlong lalaki ay tinanguan lamang ako. Ang original na plano talaga namin ay mag hihiwa-hiwalay kaming anim para mas ma pa bilis ang pag iimbistiga, ngunit para na rin sa safety ng lahat ay hinati na lamang namin ang grupo sa dalawa. Sina Tim, Ron at Dale ang mag iimbistiga sa Left wing habang kaming tatlo nina Jin at Xian ay sa right wing. Hindi naman magiging problema sa amin ang contacts sa isa’t-isa dahil mayroon naman kaming suot-suot na earpiece, naka konekta na kaming lahat kaya ma kakapag usap pa rin kaming anim kahit hindi kami mag kakasama. Suot na rin naming lahat ang relo na ginawa ni Ron kanina. Nilagyan niya na raw ito ng chips na mag sisilbing storage sa ininstall niyang hidden cam at voice recorder sa loob. Kung pipindotin namin ang nag iisang button sa left side nang relo ay automatic na mag o-on ang cam at voice recorder nito, habang ang GPS naman ay lagi nang naka on. Hindi ito na wawala kahit walang signal sa lugar ay dumedetect pa rin kung na saan kami, para na rin malaman namig kung nasaan na ang mga myembro kapag nag ka hiwa-hiwalay kaming anim. Binigyan rin kami ni Ron ng bagong imbensyon niyang contact lens. Ito ang ginamit ni Tim kanina sa klase. Tinatawag namin itong Infolens dahil lahat ng impormasyong kailangan namin ay lumalabas sa aming paningin sa isang salita lamang. Para lang kaming nag babasa sa isang wide screen kapag lumalabas ang mga information na aming kailangan. May mga codes na na save si Ron sa mga infolens naming lahat para automatic na gagawin nito kapag sinabi namin ang salitang iyon. Voice command kasi ito. At isa pang nakaka mangha, kapag sinuot namin ang lens na ito ay para na kaming walking CCTV dahil parang camera na sinusuot ng tao ang Infolens. Galing diba? Kami pa lang ang mayroon ng device na ito dahil si Ron lang naman ang nag invent nito mga kaibigan! “Cap” Saad ko. Ni lingun naman ako ng aking mga kasama. “May nakita ka ba?” Tanong ni Jin. Ngumisi ako sa kanya. “Tina-try ko lang itong imbensyon ni Ron. Na capture nga ang tinititigan ko.”  Sabay lingon ko kay Xian. Totoong tini-testing ko si Infolens. “Ayieee Jel ah! Baka nakakalimutan mo, makikita namin ang nakikita mo kung gustuhin namin. Umayos ka ghurl, wag munang lumandi. Mission first.” Kantsaw ni Tim kaya na hiya ako. Oo nga pala, kung nanaisin ko na makita ang nakikita ni Tim o ng iba ay makikita ko ito as long as connected ang mga infolens namin. Bakit ko ba na kalimutan iyon? “Ahem! Focus guys.” Seryosoong saad ko. Narinig ko naman ang bungisngisan nina Tim at Dale. Habang ang dalawang kasama ko ay na papa-iling na lamang. Sinusundan namin ngayon ang blue print ng village na ito. Papunta na kami sa kakahoyan. Wala naman kasing ibang lugar dito maliban sa mga bahay kun'di ang kakahoyan sa likod ng aming bahay. Baka sa likod ng kakahoyang ito nakatago ang mga masasamang Gawain ng paaralan. Kung meron man. Nang nasa bungad na kami ng kakahoyan ay may nakita akong mga tao na  papalapit sa aming direksyon. Nag tago naman kaming tatlo sa pinaka malapit na bato na nakita namin. Naka night vision kasi ang aming Infolens kaya hindi na naming kailangan pa ng flashlight upang makita ang daan. “Sinunod ninyo ba ang iniutos ko?” Rinig kong tanong ng isang lalaki. “Opo boss” Sagot ng isang kasamahan nila. “Mabuti, kailangan nating mag ingat, ma papagalitan na naman tayo kapag may namatay na namang studyante o guro sa paaralang ito. Alam ninyo naman iyong boss natin, masyadong mahal ang paaralan, ngunit siya naman mismo ang nag papapasok ng mga basura dito.” Sabi nang parang lider nila., nag tawanan naman ang kanyang kasamahan at tuluyan na nga silang umalis. Nagka tinginan naman kaming tatlo. Confirmed! Nang nakalayo na ang mga lalaki ay nag pa tuloy na kami sa pag pasok sa kakahoyan. Maya’t maya ay may mga nakakasalubong kaming grupo ng mga lalaki, kaya pahirapan para sa amin ang pag tatago. Napapamura nalang ako sa dami pala ng involve. Sa tingin ko ito iyong mga gang na nabubuo sa paaralan namin. Nakatago na naman kaming tatlo sa malalaking puno dito. Dahil may grupo ng kalalakihan na naman ang papunta sa deriksyon namin. “Maayos ninyo bang naisagawa ang pananakot sa isang studyante sa Housekeeping?” “Oo, malamang sa susunod na araw, ma babalitaan mo nalang ang pag lipat nito sa ibang paaralan.” “Mabuti kung ga---Sino yan?” Biglang sigaw ng lalaki. Napa-ngiwi naman ako ng ma apakan ko pala ang isang sanga ng kahoy. Papalapit na ang grupo sa pwesto namin, nag foformulate na ako ng gagawin sa aking isip  nang biglang may lumitaw na pusa galing sa katapat na puno sa pwesto ko. “Sus! Pusa lang pala. Akala ko naman kong ano na. Tara na nga, umalis na tayo!” Napahinga ako ng malalim. Phew! muntik na kami dun ah? Lalabas na sana kami sa aming pinag tataguan nang mapatingin ako sa katapat kong puno. Napa igtad ako sa gulat dahil sa mga matang nakamasid sa amin. Papalapit ito ng papalapit. “Anong ginagawa ninyo rito bata?” Seryosong saad ng lalaki. Napakapit naman ako sa kamay ng aking katabi. “Sir Galveston.” Gulat na anas ko. Why is he here?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD