CHAPTER 17

1823 Words
Jel's POV "Mission accomplished na ba tayong lahat?" Tanong ko sa kanila Nag okay sign naman sila sa akin maliban kay Xian at Ron. "Xian? Ron? How about you two?" Tawag pansin ko sa dalawa na nananahimik sa gilid. Umiling silang dalawa sa akin. Senenyasan ko sila na magsalita. "Hindi na kami tumuloy sa pag punta sa dorm ni Hazel dahil na pag alaman namin ni Xian na ngayon ang schedule ng housekeeping sa girls dormitory. Delikado kapag tumuloy pa kami, alam niyo naman kailangan natin mag ingat" Paliwanag ni Ron sa amin. Tumango tango naman kami sa kanya. So, dahil hindi nila na pasok ang dorm ni Hazel ay ma dedelay muna ang imbistigasyon sa kanyang kwarto. Hindi naman masyadong ma aapektohan ang buong imbistigasyon dahil na pag tagumpayan naman naming ilagay ang mga chips sa mga suspects. Ma momonitor na namin ang kanilang galaw. Ngumiti ako sa kanilang lima. Isang achievement na ito sa amin, kaya walang dahilan para malungkot, kahit pa man na ma dedelay ang pag kuha ng imbestigasyon. "Thank you for all the effort your exerting with this case everyone. Sa ngayon ay hihintayin nalang natin na kumilos ang salarin. Ron and Xian, since Saturday bukas, mataas ang oras para maka kuha kayo ng clues or evidence sa dorm ni Hazel. Kung kaya natin ma resolba ang kaso bukas ay gawin natin, kailangan pa nating imbistigahan ang school." Saad ko. Ngumiti naman sila Dale sa akin at nag thumbs up pa. Tiningnan ko ang wall clock at nakita na malapit na ang susunod naming klase kaya na pag desisyonan na naming umalis at pumunta na sa kanya kanya naming mga classroom. Pag ka pasok namin sa room ay deritso na agad akong umupo sa aking silya. Nakapangalumbaba ako habang inoobserbahan ang aking mga kaklase. Kung ano ano na namang pinag gagawa ng mga ito. Ginawa na nilang parlor ang aming room talaga.  Naramdaman ko ang pag hila ng silya sa aking tabi kaya nalaman ko ka agad na dumating na si Xian. Hindi ko na lamang ito pinansin at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.  Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ang aming bagong adviser. "Good afternoon class. Since ako na ang bago ninyong adviser ay ako na rin ang papalit sa subject ninyo na ito." Saad niya. Tumili naman ang mga echoserang kaklase ko sa narinig. Paborito na daw kasi nila ang adviser namin kasi GWAPO. Luh. Hindi ko napaligilang umirap sa na isip. "Since friday naman na ngayon. Next week ko na lang sisimulan ang official na klase ko sa inyo, sa ngayon ay sasagutin ko na muna ang mga tanong ninyo sa akin." Ngiting sabi sa amin ng binatang guro. Marami naman sa kaklase ko ang natuwa at nag taas ng kamay para mag tanong. "Sir! Sir! Ako po! Ako po" Halos ganyan ang sinisigaw ng lahat sa room namin. Kung pwede lang pag babatuhin ng papel ang mga ito upang tumahimik ay ginawa ko na. 25 lang kami sa klase pero parang doble o triple ang dami namin sa sobrang ingay nila. Dinaig pa namin ang sabungan ih. "Alright, relax class, makakapag tanong kayong lahat. Sige, para fair. Isa isa kayong mag tatanong sa akin. Lets start from the front left side to the right. Okay ba iyon?" Tanong ni Sir Brandon. "Okay na okay sir!" Sagot nilang lahat. Oo nila lang. Tinatamad ako mag salita. Nag simula na ang question and answer portion nila, habang ako ay nakikinig lang. "Ilang taon ka na sir?" "I'm 24" "Saan ka nag aral sa college sir?" "Cambridge University" Owwww Big time! "Bakit dito mo na pili mag teach sir?" "Why not? Tsak dito ako nag highschool. I want to give back to my alma matter" Napa ohhhh naman ang mga kaklase ko sa sagot na iyon ng aming guro. Hindi ko namalayan na ako na pala ang pinaka huli na mag tatanong. Tumayo na ako at tiningnan ng mabuti ang aming guro. Mata sa mata. "Who are you... sir?" Seryosong tanong ko. Tell me about yourself sana e tatanong ko kaso medyo gasgas na ang linyang iyan kaya "who are you" na lang tinanong ko para cool. Hihihi Natahimik naman silang lahat sa tanong ko na iyon habang ang aming guro ay sumeryoso bigla ang mukha. Ilang segundo ang lumipas ay ngimisi ito sa akin. "I am Brandon Galveston, your adviser. I am the one who will help and guide you until you'll learn the truth." Kung kanina ay naka ngisi siya, ngayon ay unti unti siyang ngumingiti habang sinasabi ang mga iyon. Saktong pag ka tapos sabihin iyon ni Sir Brandon ay tumunog ang bell kaya nag paalam na siya agad. Napa-isip ako bigla, bakit pakiramdam ko may pinapahiwatig siya kanina? Ako lang ba?  Binabababag pa rin ako sa sinagot ni Sir Brandon kaya hindi na ako nakapag focus sa mga sumuslnod pa na klase. Napapansin ko naman ang pasimpling pag sulyap sa akin ni xian. Marahil naramdaman niya ang mood ko. Pagkatapos ng huling klase namin sa hapon na ito ay tumayo na ako. Hinihintay ko na matapos si Tim sa pagliligpit ng kanyang mga gamit ng biglang magsalita ang lalaking katabi ko. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya habang naka tingin kay Tim. Yumango ako kahit hindi niya ito nakikita. "Oo ayos lang, napapa isip lang ako sa isinagot sa akin ng bagong adviser natin". I honestly answered. Nilingon ko siya pag katapos kong sabihin iyon, nagulat naman ako nang makita kong naka tingin na siya sa akin. "Huwag mo na munang isipin iyon, sa ngayon ay mag focus tayo sa kaso ni Hazel, iba rin ang pakiramdam ko kay Sir Brandon ngunit hindi ko na lamang muna pinapansin dahil may mga bagay tayong dapat isipin kesa sa kanya." Sagot ni Xian. Tumango lang ako sa kanyang sinabi, tama siya. Huwag ko nalang e distract ang sarili ko. Nagulat ako ng ginulo niya ang aking buhok pagkatapos ay ngumiti ito sa akin. Hindi pa ako nakaka pag react sa ginawa niya nang bigla niya lamang akong ewan na nakatulala sa gilid ng pinto. Tumitibok na naman ng malakas ang puso ko. Jusko! May sakit ata ako sa puso! Nakatulala lang akong naka tingin sa papalayong bulto ni Xian kaya hindi ko na namalayan ang pag lapit ni Timmy sa akin. "Woy Jel! Tara na! Nakatulala ka pa riyan. Para kang tanga" Nabalik naman ako sa hwesyo ng alugin ako ni Tim. "Ha? Ah oo tara" lutang na sagot ko. Ngumiwi lamang si Tim sa akin at nag tatalak na naman habang hinihila ako. "Nako Jel ah! Baka naman nag da drugs ka na ng hindi namin nalalaman---" Hindi ko na lang pinansin pa ang mga sinasabi ni Tim, tumahimik naman siya bigla ng malapit na kami sa pinto ng clubroom. Buti naman. Nakatayo doon si Hazel at parang timang na kinakausap ang sarili niya "Kakatok ba ako? O bubuksan ko na lang basta ang pinto? Kaso parang wala naman akong modo nun. Tawagan ko na lang kaya muna sila?" Rinig kong sabi ni Hazel. Nasa likuran niya lamang kami ni Tim kaya rinig na rinig namin ang pinoproblema niya. "Buksan mo nalang ang pinto." Bored na sabi ko. Napatalon naman ang babaeng nasa harap ko at napahawak pa ito sa kanyang dibdib habang nanlalaki ang matang naka tingin sa amin. Natawa naman kami ni Tim sa kanyang naging reaksyon. Epic! "Huwag ka nang magulat d'yan Haze, tara pasok." Aya sa kanya ni Tim. Tuluyan na kaming pumasok na tatlo, at doon nakita kong printing naka upo ang apat na lalaki. Nang makita nila kami ay umayos na sila ng pwesto. "Okay, let's start our mini meeting. Bilisan natin, para hindi tayo mahalata ng salarin." Sabi ko. Tumango naman silang lahat sa akin kaya diniscuss na namin kay hazel ang plano para bukas. Pupunta sila Ron at Xian sa dorm ni Hazel. Kunwari ay magpapatuling ang dalawa sa experiment na gagawin nila since parehas silang hindi STEM student kaya kailangan ng assistant galing sa seniors. Kapag nakapasok na sa dorm ni Hazel ang dalawa ay doon nila pa simpling hahanapin ang hidden camera. Kailangan nilang maging maingat dahil pinapa nood lamang sila panigurado ng salarin. Habang kaming mga natira naman dito sa bahay ay mag momonitor sa mga chips na nilagay namin sa mga suspects at kami na rin ang mag sisilbing mata nina Ron at Xian. "Okay ba ang plano na iyon Haze?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito at nag thumbs up pa sa amin. "Bakit ninyo nga pala pinag hiwalay ang mga kaibigan ko?" tanong niya sa min. Nag katinginan naman kaming mag kakaibigan. Hindi niya pwedeng malaman na nilagyan namin sila ng camera. "Ahh ginawan lang namin ng paraan upang maka usap namin ng sila ng solo. hihihi"Alanganing saad ni Tim. Tumango tango naman si Hazel sa sinabi ni Tim. Para hindi na humaba pa ang usapan ay kinuha ko na ang atensyon nila. "That's it for today guys. Hazel, text ka namin bukas kapag pa alis na silang dalawa. Tandaan mo. Umarte kang normal sa loob ng dorm. Hindi tayo pwedeng ma halata." Pa alala ko. Nag okay sign naman sa akin ang babae kaya tumayo na ako. Kailangan na naming umuwi dahil dumidilim na rin sa labas. "Tara, hatid ka na namin" Alok ko sa kanya. Mabilis naman itong umiling. "Huwag na, may kailangan pa rin kasi kaming gain sa club kaya ma una na kayo. Salamat sa tulong ninyo ah? Hundi ko na lam ano ang gagawin ko kung hindi kayo pumayag na tulungan ako." Madamdaming saad niya. "It's our pleasure, trabaho namin ito kaya huwag mo na isipin iyon." Sagot ko. "Salamat ulit. Una na ako ha? Kelangan ko na talagang bumalik sa club." Alinlangang saad niya. "Sige okay lang, aalis na rin kasi kami." Saad ko. Nang maka alis si Hazel ay sumunod na rin kami. Pumunta muna kaming cafeteria para bumili ng pagkain, pina take out nalang namin ito. Kung tutuosin ay hindi na namin ito kailangang gawin dahil pwede naman kaming mag order nalang mamaya via call, kaso parang ang tamad naman namin pag ganun. Nang makuha na namin ang pagkain ay nag simula na kaming mag lakad pa uwi ng bahay. As usual, nag iingay na naman sina Tim at Dale habang si Ron ay umaawat sa kanila kapag nagka pikonan na. Habang tahimik naman kaming naglakad nina Xian at Jin. Napahinto ako ng makita ko ang pigura ng lalaki malapit sa mini park ng subdivision. May dala itong briefcase at parang may hinihintay. Hindi kalaunan ay umalis ito sa kanya g pwesto at naglakad papunta sa dereksyon namin. Ramdam kong napa hinto rin ang aking kasamahan at inoobserbahan rin ang pigurang palapit sa amin. Akala ko aydederetso ito sa aming pwesto ngunit nag ka mali ako. Lumiko ito sa kaliwang bahagi ng daan. At doon namin na silayan ang mukha ng pigurang aming nakita. "Sir Brandon?" Rinig kong bulong ni Tim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD