CHAPTER 52---The Truth Behind Anne's Death

1771 Words
Jel's POV Nakatulala lang si Jan habang kinukwento ang mga nangyari, isang taon na ang nakalipas. Parang bumalik ulit siya sa mga nangyari, pinipilit niyang huwag pumiyok habang nag kukwento, gusto niyang ipakita na matatag na siya sa mga oras na ito. Mahirap sa kanya ang ekwento ang mga nangyari na hindi nagbebreakdown alam ko. Basi sa mga kwento niya ay si Anne lang ang naging kaibigan niya na babae, at alam kong pinapahalagahan niya ang pagkakaibigan na iyon. Napayuko na lamang ako ng matapos na siya sa kanyang kwento. Humahagulhol na ito ng iyak ngayon, pinapatahan naman siya ng kaibigang si Axe, she did great. Pinush niya ang sarili na taposin ang kwento ng hindi nagbreakdown. It must be hard especially when going back in that heartbreaking scene.  Biglang may inabot si Fin na maliit na plastic sa akin. Nang tingnan ko ito ay iyon ang bracelate na sinasabi ni Jan kanina. Nakabalot pa ito ng plastic bag at may marka pa na "evidence" Ibig sabihin, hindi nila ito pinakialaman sa loob ng isang taon. That's a wise move. "Iyan lang ang gamit na natagpoan sa lugar kung saan namatay si Anne, ang sabi ng mga pulis ay natagpoan iyan katabi ng kamay ni--Ahme! Anne... kaya ang akala nila ay sa kanya iyan. Pero walang ganyang bracelate si Anne, isang limited edition bracelate na gawa ng sikat na si Andre Brit. Hindi nga niya ma afford ang tution fee natin, iyan pa kaya? Tinanong na namin ang secretary ni Brit kung pwede ba naming malaman kung sino-sino ang bumili ng bracelate na iyan ngunit hindi daw nila pupwedeng sabihin dahil confidencial. Sana makatulong iyan sa paghahanap kung sino talaga ang pumatay kay Anne" Saad ni Fin. Malungkot itong ngumiti sa akin pagkatapos ay tumayo ito at umalis. Malungkot lang rin na ngumiti sina Axe at Jan sa amin,  humihingi ng pasensya para sa inasal ni Fin. "Pasensya na kayo, sa aming tatlo kasi, siya ang pinaka nag effort upang malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa gabing iyon. Mag iisang taon na pero alam ko na hindi pa rin siya nakakapag move on. Mahal niya si Anne, hindi niya lang masabi dahil natatakot siyang masira ang pagkakaibigan namin. Paniguradong gabi-gabi 'yang umiiyak sa pagsisisi. Napakahirap na tanggapin ang pagkawala ni Anne, pero mas mahirap na tanggapin ang nangyari sa parte nila Hans at Fin, sila ang mas nawalan. They both lost a friend, a lover and a sister. Parang kalahati nga lang ang sakit na nararamdaman namin ih. He acts as if he already moved on but the truth is, he's still holding unto Anne's memories" Lumuluhang sabi ni Jan habang nakatanaw sa likod ng kaibigan. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng magkakaibigan na ito. Totoong napakasakit nga na mawalan, lalo na at malapit sa puso mo. Ang mga ala ala na nabuo ninyong magkasama ay maiiwan na lang sayo. Ikaw na lang ang nag iisang tatanaw ng mga iyon kasi ang kasama mong gumawa ng mga ala alang iyon ay nauna nang umalis. Para kang naiwan sa isang lugar kung saan hindi mo alam ang daan pauwi. Bumalik ako sa realidad nang hawakan ako ni Jin sa kamay. Siguro napansin niyang napatulala ako sa hawak na bracelate.  "Hindi porket mas lamang ang relasyon nila kay Anne ay hindi na pantay ang sakit na nararamdaman ninyo. Parepareho kayong nawalan, hindi basehan ang naging relasyon nila para saihin ninyong lamang ang sakit na nararamdaman ng dalawang iyon. Parehong sakit ng nawalan ang nararamdaman ninyo hanggang sa oras na ito. I know it hurts like hell but hang in there, time will come na ngingitian niyo na lang ang mga pinagsamahan ninyo without feeling the pain of being left." ngiting saad ko. I pated their shoulder. Tumulo na naman ang luha ni Jan, tumatawa niya itong pinahid at nagpasalamat. Sumeryoso na ako at tinanong na ulit sila. "Si Abby ang pinaghihinalaan ninyo, tama?" tanong ko. tumango silang dalawa sa aking tanong. "Since Junior High, alam na namin na may gusto si Abby sa kaibigan naming si Hans, gusto rin naman siya ni Hans pero not to the point na liligawan niya na ito. Natutuwa lang siya sa mga simpleng gestures ni Abby sa kanya pero hindi niya ito nililigawan dahil naka-focus ang atensyon at oras niya nuon kay Anne, matagal silang hindi nagkakilala na magkapatid kaya sinusulit niya ang mga araw na magkasama sila. After Anne died, doon pumasok sa eksena si Abby, dati simpleng pabigay bigay ng tubig at snacks lang ang ginagawa niya pero nang time na iyon ay palagi niya nang binubuntotan kung nasaan si Hans, hanggang sa nag prupose siya kay Hans after 3 months. Noong time na iyon ay siya lang rin ang nahanapan na comfort ni Hans. Noong una ay natutuwa pa kami kasi sa wakas natutong ngumiti si Hans dahil sa kanya, pero nang pinagpatuloy namin ang pag iimbistiga. Nalaman namin na si Abby pala ang nag post ng article tungkol sa trabaho ni Anne. At ang sabi nang lalaking nang harass kay Anne ay si Aby rin daw ang nag utos sa kanya na gawin iyon upang makakuha siya ng litrato na maaaring ikasira ni Anne. Dahil sa nalaman namin, malaki ang posibilidad na siya rin ang pumatay sa kaibigan namin. We just need to find evidence, I swear I'm gonna locked behind bars that b***h!" Ramdam ko ang galit sa boses ni Jan habang sinasabi iyon. "Thank you for telling us the truth Jan, but can I ask you one last thing?" Tanong ko. tumango ito sa akin. "May kilala ka bang may malalim na galit sa kaibigan mo?" Tanong ko. Nag isip ito saglet. "Maliban kay Tita Vic at Aby, wala na. Mabait naman kasi talaga iyong si Anne, kahit mga kaklase namin na maaarte napapa amo nya" may maliit na ngiti sa labi na sabi ni Jan. Tiningnan ko si Axe ngunit umiling lang ito, ibig sabihin wala rin siyang kilala. "Sige, salamat. We'll contact you kapag alam na namin ang totoong nangyari." Saad ko, ngumiti ito sa akin at nagpasalamat. Umalis na sina Jan at Axe pero andirito pa rin kami sa rooftop. Inaabsurb pa rin ng utak ko ang nalaman. That's literally a bomb. Makalipas ang ilang minuto ay nag desisyon na kaming umuwi. Nakauwi na rin ang tatlo naming kaibigan sa bahay. Nagmadali na kaming umuwi dahil maghahaponan na rin, gutom na ako. "Sa tingin n'yo? Who killed Anne kaya?" biglang tanong ni Timmy habang kumakain kami. Nasabi na rin namin sa kanilang tatlo ang mga sinabi sa amin kanina ni Jan. "Who knows? baka ang taong sa tingin natin ay hindi involve sa kasong ito pa ang siya palang may pakana ng lahat" Parang wala lang na sabi ni Jin. Nagkibit balikat lang ako nang tinoon ni Timmy ang paningin sa akin. Tila gusto ng explenasyon sa sinabi ni Jin. "Kamusta pala ang pakikipag usap ninyo kay Abby? May mga bago ba kayong nalaman?" Tanong ko.  Umiling lang silang tatlo. Hindi na namin pinag usapan pa ang tungkol sa kaso at nagpatuloy na lang sa pagkain.  Nang matapos kaming magligpit at maghugas ay dumiretso na kami sa investigation room. Malapit na rin kasing mag alas otso, tatawag na ang aming adviser upang manghingi ng update. Pangalawang araw na naming hawak ang kasng to. Aaminin ko, medyo nahihirapan kaming tukoyin kung sino ba talaga ang salarin sa kaso ni Anne, sino ba kasi ang mag aakala na ang simpleng death threat case ay siyang dahilan bakit maungkat ang possible murder case a year ago?  Dahil nga isang taon na ang lumipas, hindi basta basta makakahanap ng ebidensya. Edagdag pa na hindi masyadong honest ang aming kliyente, ngayon nga ay hindi ko na alam kung sino ang kliyente namin. Si Abby ba o ang mga kaibigan ni Anne.  "Iyon lang po ang nakuha namin sa araw na ito sir, ngayon ay kinakailangan naming matukoy kung sino ang may ari ng bracelate na ito" sabay pakita ko sa bracelate na ibinigay sa amin ni Fin.  "Malaking bahagi sa imbestigasyon ang may ari ng bracelate na ito, dahil may posibilidad na ang taoang iyon ang kumitil sa buhay ni Anne." Seryosong saad ko. Pumunta ako sa white board at isinulat ang dalawang pangalan na siyang pinagdududahan namin na salarin. Abby and Mrs. Victorina Rosales.  "Unang suspect natin ay si Abby Teroso, Siya ang kliyente natin na humingi ng tulong dahil sa mga death threat na natatanggap niya, siya ang nag publish ng article tungkol kay Anne at ang sinasabing nag utos na harasin si Anne upang makakuha ng litrato. Noong namatay si Anne ay bigla niya na lang inaproach itong si Hans Rosales na kapatid ng namatay. Ang isang kadudaduda ay ang lugar kung saan namatay si Anne, AB-CAT intertainment building. Pagmamay ari ito ng pamilya ni Abby. May posibilidad na pinapunta niya roon si Anne at doon na nga nangyari ang pagpatay." Paliwanag ko. Tumayo naman si Jin at itinuro ang aming pangalawang suspect. "Mrs. Victorina Rosales, asawa ng ama nina Hans at Anne. Bakit siya napasama sa suspect? Simple, dahil siya lang ang may malaking galit kay Anne maliban kay Abby. Walang kahit anong ebidensya na makakapagturo sa kanya pero hindi natin pupwedeng isantabi ang kaalaman na ito. Now, we need to know kung sino ang may ari ng bracelate na iyan dahil panigurado nasa kanya rin ang phone ni Anne. Ang cellphone na iyon ang siyang makapagtuturo kung sino ang nag text o tumawag kay Anne sa gabing iyon." Seryosong pahayag ng aking kambal. Tumango kaming lima sa sinabi niya. "Ron, can you hack Brit's computer office?" Tanong ni Kuya Charles. "Kailangan ko po ng ang ip. address ng opisina." saad ni Ron. "Okay, tamang tama at weekend bukas. Pumunta kayo sa isang branch ng shop ni Brit at sabihin ninyo na magpapagawa kayo ng costumize and unique necklace, iyong kayong grupo lang ang mayroon. Paniguradong kokontakin nila si Brit at siya mismo ang haharap sa inyo." ngising saad ni Kuya Charles.  Nagkatinginan kaming anim. Sounds exciting huh. "Alright, magpahinga na muna kayo sa ngayon. I think you're all stress with this case. You deserve a rest."  iyon ang huling sinabi ni Kuya Charles bago ito nawala sa tawag. Tulad ng sinabi niya ay nagpahinga na nga kami. Sana ma solve na namin ang kasong to bukas. Kating kati na rin kasi akong ituloy ang na udlot na pag iimbistiga namin tungkol sa Illustrious. I know kailangan namin mag laylow pero hindi ko mapigilan ang mainip. Ilang babae na ang nawawala at baka may mawala pa. Hindi pupwedeng wala kaming gawin. Wait for our comeback bitches!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD